Kabanata 25

28.2K 572 2
                                    

Josephine

Inilibot ko ang paningin ko sa buong kabahayan. Napaka ganda sa mansyon ng Argao. Pati na rin ang mga palayan sa labas ay napakaganda. Ang sariwa ng hangin at parang ang tahimik.

"Come" hinayaan ko lamang siya na hilahin ako.

Tuluyan na kaming pumasok sa loob. Napaawang ang labi ko nang makita ko ang malaking portrait ng mommy niya sa bahay na iyon.

Napapitlag ako nang makarinig ako ng mga pagbabasag ng gamit. Mabilis akong nagtago sa likod ni Ivor. Bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa kaba. Damn! Wrong timing ba kami?

Liningon ako ni Ivor.

"Dito ka lang.. I'll be back." Hinaplos niya ang mukha ko at napakagat ako sa ilalim ng labi ko.

Tumango nalamang ako ng marahan. Parang kinikilabutan ako sa bahay na to. Pinanuod ko lamang siyang umakyat sa hagdan. Alam kong masamang makialam pero iba ang pakiramdam ko. Dahan dahan akong lumakad at tinahak ang mahabang hallway sa mansyon.

Hindi ko alam pero bumibilis ang tibok ng puso ko. Tumigil ako sa paglalakad at naalala si Ivor. He told me that he will be back so I should just wait for him. Tumalikod ako at bumalik na lamang sa living room ng masyon.

Napaawang labi ko ng may makita akong babaeng pumasok sa kabahayan at tinungo ang sofa at may kinuhang bag.

Nangatog ang mga binti ko at unti-unting nagsilabasan ang mga luha ko. Pwede pala iyon.. yung kahit hindi ka naiiyak ay bigla nalang tutulo ang luha mo. Pero hindi dahil sa takot kundi dahil sa kilala ko ang babaeng ito. Kilalang kilala.

"Ate Pin" mahina kong bulong at hindi ko mapigilang mapahikbi. Pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya. Pilit kong ginigising ang sarili ko pero totoo talaga ito.

Our very own Josephine Morgan is here, wearing a simple dress and a sandals. Her long black wavy hair is just flowing, far from her usual styled hair.

Sobrang gulo ng utak ko. Anong ginagawa niya dito? Bakit nasa Argao siya? Akala ko ba pinapahanap din siya dito? Bakit nasa mansyon siya ng mga Montgomery?

Unti-unti siyang lumingon sa akin at napatakip ako sa bibig ko. Is this true?  I can't believe this! Sumasakit ang puso ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ngayong nakikita ko siya ng malapitan ay mas lalo akong naguguluhan.

"Mam? Sorry po" saad niya at linampasan ako. Mam? Anong mam? Hindi niya ba ako kilala?

What the heck is happening?!

"Jade" parehas kaming natigilan ni Ate Pin. Lumingon ako at tumambad sa akin si Ivor, Sir Ricardo at ang hula ko ay si Teo ang isa. Kita ko ang pagkagalit sa mata nilang tatlo. Hindi ko alam ang rason sa galit nila pero mas lalo akong naguluhan.

"Alissa" nakita ko ang paglambot ng ekspresyon ni Teo nang tignan niya ang pinsan ko.

Pero hindi yon ang kumuha ng atensyon ko. Alissa? Sinong Alissa?

"Wag mo akong tawagin sa pangalang yan" nangilabot ako sa narinig ko. Her voice! I didn't know that I would be this happy by just hearing her voice!

My mind is currently in storm. Si Teo? Alissa? Kapatid ni Ivor? Bakit kasama niya at kilala ang pinsan ko? Alam ba ni Ivor to?

"Ate Pin.. Ate Josephine" tawag ko sakanya at hinayaan ko lamang na lumabas ang mga luha ko. Naramdaman kong lumapit si Ivor pero sa sobrang kaguluhan sa isip ko ay lumayo ako sakanya.

Naglakad ako palapit kay Ate Pin at hinawakan siya sa kamay. Nakatingin lamang siya sa akin habang lumuluha din siya.

"Ate.." nabasag ng boses ko at napahawak ako sa puso ko.

Loving The Green Stone (FS # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon