Kabanata 2

43.3K 768 20
                                    

Past

"Kawawa din yong batang yon" saad ni Tita Ella kaya napalingon ako sakanya.

Nasa kusina kami ngayon at nag papaturo akong mag bake sakanya. Si Tito Ram, Rickos at Ivor naman ay nasa labas umiinom.

"Huh? Si Ivor po? Bakit naman po?" Hindi ko mapigilan ang maging curious. Si Ivor kawawa? Napaka imposible naman ata non.

"His mom died infront of him, when he was 15 years old. Nag crash ang sasakyan nila. Walang may alam kung anong nangyari. Only him knows, dahil doon ay hindi na siya nag drive ulit." Napaawang ang labi ko. That explain kung bakit lagi siyang may kasamang driver.

"Sabi sakin ni Rickos ay hindi daw maganda ang impresyon mo kay Ivor?" Tanong ni Tita. Marahan naman akong ngumiti.

"Totoo po iyon, masyado po kasi siyang straight to the point pero hindi naman po masamang tao ang tingin ko sakanya, kahit naman po may mga masakit siyang nasabi dati ay nakita ko po na concern lang siya. Feel ko nga po ay may pagkaka utang siya sa akin nung past life ko dahil lagi niya po akong nililigtas" ngumiti naman si Tita. Kinuha ko ang mixer at nag mix na.

"Are you okay?" Sinamaan ko ng tingin ang lalaking nag dala sakin sa hospital na to.

"Mukha ba akong okay? Naka benda na ako at lahat lahat tapos tatanungin mo ako niyan?" Mataray kong tanong. Imbis na mainis ay tumawa pa ito.

Nag iwas ako ng tingin. Na didistract ako sa ngiti niya.

"Oh ija? Why are you smiling?" Napalingon ako kay Tita Ella at umiling.

"Naalala ko lang po nung nagkaroon ng barilan sa opisina six months ago" saad ko. Inabot ko ang na mix kong chocolate chips kay tita at umupo sa isang stool doon.

"Oh yeah, I heard about that. Ikaw ang nabaril doon hindi ba. Ikinwento ng Tito Daniel sa akin." Tumango ako. Tumingin ako sa may veranda na makikita sa pwesto ko.

Tanaw na tanaw sa pwesto ko si Ivor. Tumatawa ito habang nakikipag usap kay Rickos at Tito Ram.

"Opo, actually he saved me. Siya po ang nag dala sa akin sa hospital." Saad ko habang nanatiling nakatingin kay Ivor.

Nagulat ako nung tumingin din sa gawi ko si Ivor. Ngumiti ito sa akin, hindi ko alam ang gagawin ko kaya nagiwas ako ng tingin.

"Sige Ija, let's bring this outside" wika ni Tita sa akin. Inabot niya ang mga na bake ng cookies at kinuha ko naman iyon sakanya. Lumabas kami sa veranda at linapag ang cookies doon.

"Kayo talaga, ang dami niyo ng nainom oh!" Napatingin ako sa mga bote at madami na nga ang mga iyon. Napatingin ako kay Ivor na mapupungay ang mga mata. Mukhang lasing na siya.

"Ella baby, itong mga bata kasi. Napakalakas uminom, hindi ko siya pwede urungan" natatawang sabi ni Tito Ram. Itinayo naman siya ni Tita Ella. Muntik silang matumba kaya tumayo si Rickos para tumulong.

"I-aakyat ko na itong Tito niyo. Feel at home, tawagin niyo ako pag tapos na kayo diyan" tumango nalang ako sa sinabi ni Tita.

"Ligo lang ako para mahimasmasan naman ako" sabi ni Rickos at pumasok kasabay ni Tita. Pipigilan ko sana siya pero nakapasok na siya.

Napatingin ako kay Ivor na nakatingin din sa akin. Umupo ako sa kaharap niyang upuan kung saan nakaupo kanina si Tito Ram. Kumagat ako ng cookie at tumingin sakanya.

"About  don sa cruise.." panimula ko sakanya kaya tumingin siya sa akin. Ngumiti ako sakanya at nakita kong kumunot ang noo niya.

"David? Sagutin mo ako? Bakit ako may picture sa kwarto mo?" pagkagising na pagkagising ko sa umaga ay siya agad ang hinanap ko. Hindi ko siya nakausap kagabi dahil masyado siyang lasing. Malamig lang niya akong tinignan, yung tingin na parang wala siyang pakialam sa akin.

Loving The Green Stone (FS # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon