Kabanata 10

32.2K 579 12
                                    

Trust

"Let's go" sinabit ko ang bag ko sa balikat ko at sumunod na kay Jayden.

Napagdesisyunan namin ni Jasmine at Jess na sumama kay Jayden sa paghahanap ngayong araw na ito dahil malakas ang lead namin ngayon. Pupunta na kami sa Visayas at mag fofocus doon.

Hindi pwede sumama sila Kuya Joss, Jasper at Jerem dahil kailangan na kailangan sila sa kompanya. Si Josh naman ay lumalayag ulit at sa makalawa pa ang balik.

"Jess, bakit hindi ka sumama kay Josh?" Tanong ko.

Sumakay kami sa kotse at ang nagdrive ay si Jayden.

"I need to be here. I want to help tsaka he is with Dylan and David so I don't need to worry" tumango naman ako at chineck ang cellphone ko.

Wala man akong e-mail mula sakanya. Baka busy siya..

"By the way.. I heard Mr. Montgomery is in New York at nakasama mo raw siya doon?" Pag uusisa ni Jasmine. Alam ko na ang mga iniisip nila pero ayoko pang magsalita.

Tumango ako. "Si Rickos ang nagkwento no? He is the representative of the Montgomery so yeah, one of my projects there was with him"

Nagkatinginan sila kaya bumuntong hininga ako.

"Guys, don't worry. Alam ko yung ginagawa mo. I won't do anything that can hurt me again." Saad ko pero hindi parin na-aalis sakanila ang pagaalala.

"So wala ka ng na-fefeel kay Kuya David?" natigilan ako sa tanong ni Jess. Kinapa ko ang puso ko pero wala na akong maramdaman.

Ito na ba yon?

"I don't know, sa ngayon masasabi ko wala na pero malalaman ko lang iyon pag nagkita na kami. Sa tingin ko naman ay hindi mawawala yung care eh, pero sa ngayon.." Ivor's face flashed in my mind. Yung mukha niya habang tulog ang pinaka namimiss ko.

"Why are you smiling? Sinong naisip mo?" Tanong ni Jasmine. Doon ko lang napansin na nakangiti pala ako.

"Si Ivor.." I don't need to be hypocrite. Pinsan ko sila so bakit pa ako magsisinungaling.

"Pero Jade, hindi ba ay may girlfriend siya?"

"Sabi niya ay nakipagbreak na daw siya. Maraming nangyari.. pero I didn't know na kaya niya iyon gawin. Ang dami ko nalaman sakanya, his deep and darkest secret pero mas lalo ko siyang in-admire dahil doon. Posible pala yon no? Yung kahit anong sakit ang naramdaman ko kay David noon, lahat parang nawala dahil sakanya." Nagulat sila sa sinabi ko. I, myself was shocked by what I said.

Basta sinabi ko lang kung anong gusto kong sabihin, kung anong nasa isip ko..

"Hindi ka na galit kay Kuya David?" Tanong ni Jess. Umiling naman ako at tumingin sa labas dahil malapit na kami sa Harris Airlines.

"Hindi na, simula ng makilala ko yung Montgomery na yon, nakalimutan ko na lahat. I didn't know I was capable of forgiving your brother and your family Jess. This is so not me but this is what I feel" napakagat ako sa ilalin ng labi ko at ngumiti naman silang pareho. Napatingin ako sa rear view mirror at kita ko ang pag ngisi ni Jayden. Atleast alam kong masaya silang lahat para sa akin.

"Okay! Kung ano man ang nangyari sainyo nung Ivor na yon. If you're happy then we're happy too" saad ni Jasmine sabay hawak sa kamay ko.

Tumango ako at ngumiti. Its a very nice feeling to feel love like this.

"Here we go" ani Jayden at kita na namin ang helipad.

Bumaba kami sa kotse at sumalubong samin ang malakas na hangin dahil sa helicopter. Napahawak ako sa buhok ko at kumapit sa akin si Jasmine.

Loving The Green Stone (FS # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon