Kabanata 12

29.9K 639 35
                                    

Mom

I was intently looking at him. Nakasakay kami sa heli niya ngayon. He told me na kailangan din niya bumalik ng New York. Nakakalungkot pero the thought of him going here, sapat na iyon para sumaya ako ng sobra.

"Why are you looking at me like that?" Natatawa niyang tanong kaya nag iwas ako ng tingin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"I am not" tumingin nalang ako sa labas.

"After the news came out.. kahit nakapag-explain na ako sayo sa phone. Hindi ko pa rin kaya na hindi ka makita, I can't imagine last time kung ano ng tingin mo sakin." Lumingon ulit ako sakanya at kita ko ang pagpungay ng mga niya. He look so tired.. I wonder kung nakakatulog ba siya ng maayos.

"Nakakatulog ka ba ng maayos?"

"Maayos? Simula nung mamatay si mommy ay wala na akong maayos na tulog. Except for the time na nakatabi kita. But I am used to it.. sanay na ako kaya hindi ko na pinoproblema" umiling ako at hinarap siya ng maayos.

"Gusto mo pacheck up ka? Baka may therapy para makalimutan mo ang mga bagay na yon." He doesn't deserve this.

"Ginawa ko na lahat ng yon. All my life I tried living my life ng walang ganong iniisip pero hindi ko magawa. This.." tinuro niya ang puso niya.

"Tells me that its not my fault. Pero ito.."

Tinuro niya ang ulo niya.

"Tells me its my damn fault everyday Jade and I tell you.. the worst enemy that a human being can have is the brain itself" I bit my lower lip. I want to help him pero hindi ko alam kung paano.

Napaangat ako ng tingin ng hawakan ng hawiin niya ang buhok ko.

"Don't worry. Pag kinasal na tayo, tabi na tayo so I don't need to worry about it" I just stared at him. Pina-process pa ng utak ko ang narinig ko.

"K-kasal?"

Tumango siya na para bang, yung sinabi niya ang pinaka normal na bagay sa mundong to.

"Yes. Why? Do you think papayag ako na ganito lang tayo?" I can't believe this. Masyadong mabilis ang mga pangyayari.

Kahapon ay namimiss ko lang siya. Ngayon ay may kasal na siyang sinasabi?

"Don't be shocked. Anong akala mo? Wala lang to?" He sound hurt kaya umiling ako.

"Hindi naman sa ganon. Its just that.. nakakagulat lang talaga." Its just that gusto ko malaman kung kami na ba. Maybe parang kami na pero I need assurance pero nahihiya naman akong magtanong.

"Well.. I am the man of surprises. Pagbalik ko dito ulit, I am gonna meet your parents"

"Parents? That fast?" Hindi na niya ito nasagot dahil biglang umandar ang helicopter.

"Isang ikot lang" wika niya kaya tumango ako. Hinila niya ako at linapit niya ako sakanya. He was just staring at me, I was also just staring at him.. it may sound so cliche but I won't mind to stare in his eyes forever.

Nang marating namin ang himpapawid ay hinalikan niya ang noo ko. Medyo umatras ako dahil nahihiya ako sa driver niya na siya ring nagmamaneho ng helicopter pero hinawakan niya ako sa likod at mas tinapat pa ang mukha niya sa akin.

"I want an extra-ordinary kiss today"

Siguradong namumula na ako sa mga sinasabi niya. Actually the thing that was very amusing was his eyes. He was looking at me like I am the only thing that he can see.

He bent down and kissed me fully, thoroughly but gently. I can feel the movement of the helicopter but I was preoccupied with the man in front of me. Tumulo ang luha ko sa hindi malamang dahilan. I don't know where it came from. Para akong sasabog dahil sa sobrang saya ng puso ko. I love the feeling that he is giving me.

Loving The Green Stone (FS # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon