Kabanata 6

34K 657 5
                                    

Imagination

I looked at my watch and leaned back on my chair. Sobrang sakit ng likod ko, masyado kong binabad ang sarili ko sa trabaho. Its already 9pm at may dinner pa ako with Rickos. Uuwi kasi ito sa Pilipinas for 3 days. Mamimiss daw ako ng mokong.

Lumabas ako. "Ris, pwede ka ng umuwi. Thank you so much for today." Saad ko sakanya at tinanguan nalang siya.

Ang office hours namin ay hanggang 5pm lamang pero ayoko pang umuwi kaya tinapos ko na ang mga projects kahit naman pwede pa bukas. I have my goal to raise our sales not just for 5% but to 10% this month.

Wala ng tao sa buong building, nakasara narin ang mga ilaw. Tumuloy na ako sa sasakyan at tinungo amg favorite restaurant namin nila Riskos.

I entered the restaurant and grineet ako agad ng mga staff dahil kilala nila ako. Hinatid nila ako papunta kay Rickos at agad ko naman siyang nakita. Ngumiti siya sakin at tumayo. Inalalayan niya akong umupo.

"Wow! Ang gentleman mo ah" pabiro kong sabi sakanya at umupo. Tumawa naman ito at umupo sa harap ko.

Tinitigan ko siya na para bang sinusuri siya. There is something off with him, I don't know what but I am gonna find it out.

"Well, aalis ako syempre. Mamimiss kita Jade" aniya at tumawa pa. Umiling iling ako at tiningnan ang menu.

Nag order kami at nagkwentuhan.

"Ikaw ng bahala kila mommy habang wala ako ah" pagpapa alala nito at tumango tango naman ako.

Its the least I can do for them.

Simula nang pumunta ako dito ay sila na ang tumutulong sakin, everything was easy for me because of them.

"Why do you need to go back there?" Tanong ko sakanya.

Hinintay ko siyang sumagot pero di siya agad kumibo kaya nanliit ang mga mata ko sakanya. I know Rickos for how many years already so I know if he is keeping something from me.

"May i-coconfirm lang kami." Kumunot ang noo ko. Kung meron siyang business doon ay dapat alam ko dahil sa SSM din naman siya nag tatrabaho.

"Kami? Sino?" Tanong ko pero mukhang nagulat siya sa tinanong ko. May something talaga dito.

Kung iisipin ay nagiging ganito lang naman si Rickos pag may itinatago siya o may pinoproblema siya. Last time he was like this.. was the time he told Kristoff my number even though I told him not to for nth times.

"W-wala.. oh! Ito na pala yung order" aniya kaya lalo akong nagduda pero pinabayaan ko nalang. Baka hindi niya pa kayang sabihin.

Hinain na ang oder namin at kumain na kami. Habang kumakain kami ay natigilan si Rickos. Ano nanamang problema niya?

"Ivor!" Masayang tawag niya kaya natigilan din ako. Randam ko ang mainit na titig sa likod ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, I missed him.. I miss his face, his features, voice and the whole him. I never thought I would but I did.

Yes! I fucking missed him!

Bakit ganito ako mag react? I shouldn't be acting like this!

Jade, wake up!

"Oh Chanel, nandito ka din pala" nakangising sambit ni Rickos.

So he is with her, mag de-date siguro ang dalawa. Nakaramdam ako ng sikip sa puso ko.

"You don't care" mataray na pagkakasabi ni Chanel. Hindi ko magawang lumingon. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko kahit nanginig ang kamay ko.

Sumandal si Rickos sa upuan niya. Nakita ko sa peripheral vision ko na umupo sila sa katabing table namin. I want to look at him. I badly want to.

Loving The Green Stone (FS # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon