Kabanata 3

39.3K 713 6
                                    

Miss


Tumayo ako at nag stretch. Lumapit ako sa bintana at tinanaw ang nasa labas, dahil masyado pang maaga ay ma fog pa ito. Ngumiti ako at tinungo na ang labasan.


Pumunta ako sa sala at nakita kong tulog na tulog pa rin ito. Magulo na rin ang pwesto niya. Hindi ko tuloy mapigilan matawa, sinong mag aakala na si Joachim Ivor Montgomery ay parang bata matulog.


Pinilig ko ang ulo ko. Ano ba Jade? Pa smile smile ka pa diyan! Tumalikod ako at nagtungo sa kusina. Nag luto ako ng bacon and eggs. Nag saing na din ako ng kanin. Gumawa ako ng kape, lumabas ako at lumapit sa kotse niya. Kumatok ako sa bintana kaya lumabas ang driver niya.


"Mag kape ka. Wag mo ng isipin kung utos yan ng boss mo o hindi. Ayoko ng may mamamatay sa harap ng bahay ko dahil lang hindi nag almusal" wika ko at bumalik na sa bahay.


"Ay palaka!" Napahawak ako sa dibdib ko nung makita ko siyang nakatayo sa may kusina. Mabilis akong lumapit sakanya at naghalukipkip.


"Mamaya tayo mag uusap about sa ginawa mong trespassing. Kumain ka muna" saad ko at umupo na ako. Umupo na rin siya sa harap ko at pinagmasdan ako. Nagtaas ako ng kilay kaya naman gumalaw na siya para kumain. Ngumiti ako at nag simula narin kumain.


Nung matapos kami ay tinignan ko siya. Mula sa magulo niyang buhok pababa sa polo niya. Napailing ako at tinaasan siya ng kilay. How can this man be so sexy?


"Bakit ka pumunta sa apartment ko Mr. Montgomery? Bigyan mo ako ng matinong sagot kung hindi ipapahunt down kita sa mga pinsan ko." saad ko. Nagdiretso ako ng upo at hinintay ang sagot niya.


"I want a place where its out of my league" napanganga ako sa sinabi niya. Inilibot ko ang mata ko sa buong apartment ko.


"Edi sana pumunta ka sa bodega ng bahay mo kung gusto mo ng out of your league, hindi yung pinupuntirya mo ang apartment ko." Naiinis kong sabi. Tumawa naman ito na parang amuse na amuse pa.


Tumingin siya sa relo niya at tumayo. Lumapit siya sa akin at kinulong ako, linagay niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko. Napaurong ako kahit alam ko namang wala akong uurungan.


"Even though I surely enjoy talking to you this morning. I have to go. Good Morning Miss" wika nito at tumalikod na.


"Ivor! Hindi pa tayo tapos!" Sigaw ko pero parang wala siyang narinig. Lumabas na siya kaya naiwan akong mag isa don. Palalampasin ko to dahil nakokonsensya ako pero pag inulit niya to! Lagot na talaga siya sa akin!


Natigilan ako nung mag ring ang phone ko.


"Hey!" Bati ko kay Jas. Nag video call kami at mukhang nasa office ito.


"Hi Jade! We miss you" natawa naman ako sakanya. Tinungo ko ang sofa ko at inayos iyon. Wala talagang utang na loob ang lalaking yon, hindi man lang nag kusa!


Bumalik ako sa kusina, inilagay ko ang phone ko sa phone holder ko at nagligpit ng pinagkainan.

Loving The Green Stone (FS # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon