Kabanata 5

35.9K 673 17
                                    

Joachim

I was looking outside the building kung saan ginanap ang last shooting day ng project na ito. Pauwi na nga kami pero pinapatila pa namin ang ulan. Napa buntong hininga nalang ako at tumingin sa relo ko. I want to go home.

"Mam, mukhang hindi pa po titigil ang ulan." saad ni Ris at tumingin na rin sa labas. Ngumiti ako at tumingin sakanya. 

"Yeah, I think so too but rain is good. Ang ganda tignan ng ulan hindi ba? Let's just look at the brighter side." saad ko at umupo na sa upuan ko. I looked at my phone and waited for my cousins to online pero wala pa rin.

Pinipigilan pa rin nila si Ate Pin na pumunta dito. Ako din ay nakielam na at sinabi kong okay lang ako dito, pero parang wala siyang pakielam. I know she is just concerned lalo na at nag brake down ako nung malaman ko na namatay si Grandma Ryla and Grandpa Luke.

I wasn't there kaya mas masakit. I want to hug them and tell them I am sorry.

"Mam, Ris!" Napalingon kami sa pintuan at nakita namin ang isa sa mga staff. Tumayo ako at inayos na ang mga gamit ko. Baka may nagawa na silang paraan.

"Mam, naka alis na po ang mga models. Meron pa pong isang space doon sa sasakyan." Napalingon ako kay Ris.

Ngumiti ako. "Mauna ka na sige. Siguradong may susundo naman sa akin dito pag nalaman nilang hindi pa ako nakakabalik." Wika ko at sumabay sakanila sa paglakad. Lumabas kami sa building at nakita kong siksikan na ang mga staff.

"Mam, kayo na po ang mauna. Mas importante po kayo" saad ni Ris pero umiling ako. Pati ata ang iba ay handang bumaba kaya itinaas ko ang kamay ko.

"Walang ganon ganon, it's okay. I will be okay, safe naman ako dito sa building. Paki contact nalang ang driver ng kompanya at ipasundo ako."

Pumasok na si Ris doon at kumaway pa ako sakanila. Nung pinaandar na ang kotse ay tumalikod na ako at pumasok. Hindi naman ako matatakuting tao kaya ayus lang ito.

Pumunta ulit ako sa lugar namin kanina at umupo ulit doon. Naglaro nalang ako sa cellphone ko para hindi ako mainip.

Si Ivor kaya? Nakabalik na ba siya sa New York? Maybe he is with his girlfriend. Mag mula kagabi nung pumasok ako sa kwarto ko ay hindi na ulit ako lumabas. Kaninang umaga naman ay sinadya kong mauna dito para hindi ko siya makita. Hindi rin naman siya nagpakita ngayong araw. Not that I mind.. mas mabuti na yon para sa akin.

Natigilan ako nung mamatay ang ilaw.

Seriously?

Tumayo ako pero hindi ko alam kung maglalakad lakad ba ako. Tinignan ko ang battery ng phone ko at nasa kalahati pa naman iyon. Nakarinig ako ng mga yapak kaya umurong ako ng umurong. Sino ba iyon? I shouldn't be scared.

Umupo ako sa sulok at yumuko. Yinakap ko ang bag ko, please lights.. open please.

Narinig kong may pumasok na tao sa loob ng kinaroroonan ko. Pumikit ako ng mariin-- tao nga ba ang pumasok?

"Please don't hurt me. I will leave this place promise just stay away from me. Please.." saad ko kahit nakayuko. Gusto kong iparating sa nilalang na to na aalis din naman ako at walang balak manggulo.

Hinigpitan ko ang yakap sa bag ko.

"You want me to stay away that bad?" Napaawang ang nga labi ko at nagangat ng tingin. I can't see properly pero hindi ako pwedeng magkamali. His smell and his voice, I am sure its him.

But what makes me so sure is my heart.

"Ivor" mahina kong bulong sa pangalan niya at napahawak sa puso ko. Nawala lahat ng pangamba ko.

Loving The Green Stone (FS # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon