Kabanata 17

27.8K 531 11
                                    

Holding Back

"Kasama ba si Ivor sa mga boys?" Tanong ni Jasmine sa akin habang nag aayos kami ng gamit.

Umiling ako. Buti nalang at may ichecheck din palang island si Ivor malapit dito kaya may rason para magstay siya dito. Its not that ayoko siyang magstay dito pero hindi pa ako sanay na nakikita kaming dalawa ng iba, yung mas malaya.

"No, nandito siya for a business" sagot ko. Nanahimik silang dalawa, I know that they want to ask me things about us.

"Ano mo siya? Boyfriend?" Deretsong tanong ni Jess at bigla kong nahulog ang pouch ko. This is what I am talking about.

"Hindi pwede.. he has a girlfriend" saad ni Jasmine kaya natigilan ako. Ang alam ko ay alam ni Jas na gusto ako ni Ivor pero never niya pang narinig talaga ang side ko, pakiramdam ko ay gumagawa siya ng reasons para gisingin ako pero masyado na akong hulog kay Ivor para maka-ahon pa.

"Hindi! Its just that.. naging close talaga kami. Basta.. change topic." Saad ko nalang. I know that time will come na magagawa ko rin na masabi mismo sakanila kung anong meron sa amin ni Ivor.

Yung confidently ko ng masasabi lahat. Pakiramdam ko minsan mas gusto ko na siya ang magsabi sa lahat.

"Kumusta ang paghahanap kay Ate Pin?" tanong ni Jess. She was busy with her family. Ang alam ko ay nahihirapan pa siya kunin ang loob ng ibang miyembro ng pamilya nila.

"Wala pang balita. Ganon parin, no lead" pag naiisip ko na wala pang lead ay parang nawawalan ako ng pagasa. I know she is somewhere in Visayas pero saan doon? Bakit hindi pa siya ibinabalik sa amin?

"Sorry.. alam kong kaya niya gusto sumunod sa New York ay para sakin. Sana hindi bumagsak ang plane na sinasakyan niya." Kahit ilang beses nila sabihin na hindi ko kasalanan pero hindi ko mapigilan na sisihin ang sarili ko.

Hinawakan ni Jasmine ang kamay ko. Napangiti ako dahil tuwing ginagawa nila ito ay lumalakas ang loob ko.

"Its not your fault. Ang hiling ko lang ay sana safe siya. Sana may nag aalaga sakanya ngayon o kaya nasa isang hospital siya para agad na din siya makita." wika ni Jasmine. I agree.. sana nga ay meron. Yung aalagaan siya, medyo nakakatakot isipin kung sa maling kamay siya napunta pero alam ko.. may rason ang Diyos kaya I am really hoping na maayos din siya.

"Paano kung.. paano kung f*ck, hindi ko masabi" napakagat sa labi niya si Jess. Sumampas ito sa kama at tumabi sa amin. I got what is she trying to say.

"Hindi.. I know she is still alive. Nararamdaman ko siya. Remember what Tito Third told us? Nasa dugo na natin to, its like my blood is calling for her blood. I can feel her.. malayo pero nandito siya" saad ni Jasmine.

Naalala ko din ang sabi ni Kuya Joss. Nararamdaman niya pa rin si Ate Pin and that means something. They are twins, better half ika nga nilang dalawa so I know my basis ang sinasabi ni Kuya Joss.

"Tama si Jas. Don't worry.. dinagdagan na ang maghahanap sakanya. Jayden is doing eveything and of course the elders are doing everything tsaka hanggang walang bangkay, maniniwala akong buhay siya." dagdag ko at nagpatuloy nalang sa pag aayos ng gamit.

"Sana lang ay kayanin ni Tita Alina" saad ni Jess. I just nodded.

I was looking for my favorite drink. Nasa isang mini coffee shop ako dito sa resort, hinahanap ko ang favorite Ice Coffee ko. Saktong sakto sa mainit na panahon. I ordered and waited for it for about some minutes.

"Hey" napalingon ako pero mabilis ko ring binalik ang tingin ko sa inaabot na order sa akin.

Sinubukan pa ako ni David tulungan pero iniwas ko ito. Huminga ako ng malalim at hinarap siya nung makuha ko na ang order ko.

Loving The Green Stone (FS # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon