Kabanata 16

28.9K 596 15
                                        

Jealousy

"Jade" nag angat ako ng tingin at napangiti ako ng makita ko si daddy na nakatayo sa may pintuan ko. Tumayo ako sa mula sa kama at lumapit sakanya.

"Do you want to have a drink?" Pag-anyaya niya sa akin. Tumango ako at tinungo namin ang mini bar sa bahay.

I sat down from one of the stool. Hinintay ko siya sa paghahanda ng drinks namin. Inabutan niya ako ng juice kaya napailing ako, while he is holding his Jack D.

"Dad, Juice? Really?"

"Why? If your cousins let you drink then I won't. I am still your dad." Natawa ako at ininom nalang ang grape juice na binigay niya sa akin.

"Dad, mom told me.. that before, she is the one who likes you. Buti nagka-gusto ka sakanya? Naawa ka lang ba dahil matagal siyang naghintay? I heard simula pag kabata niyo ay gusto ka na niya. As in gustong gusto" Sumilay ang pilyang ngiti sa bibig ni daddy.

Uminom muna siya bago umupo sa kaharap kong stool.

"I liked your mom before she even likes me. This is a very top secret" nanlaki ang mata ko. This is new.. I never heard of this.

Alam ko lang ay mag bestfriend na ang parents nila dati which are my Grandparents now. Bestfriend din ni mommy si Tita Alina which is my Dad's sister so lumaki siya na nakikita si daddy and she fell in love.. masakit daw ang mga pinagdaanan niya kay daddy pero wala daw siyang pinagsisisihan doon.

"Your mom is a very bubbly person, gustong gusto ko siyang nakikita. Para akong tinamaan ng lotto nang ipangalandakan niya na gustong gusto niya ako pero madami akong priorities noon, hindi pa namin kilala si Tito Third mo noon. I didn't even know I have a brother so they expected me to carry everything. Ako ang panganay kaya ako ang dapat manguna, so wala sa isip ko iyon but I never liked her less. Everyday.. she makes me fall and fall." napangiti ako. Nakakainggit.. if ang problema ko ay ganito lang, napakasarap sigurong mainlove. Yung tipong lumilipad ako sa langit.

"Tuwing sinasama siya ng Tita mo sa bahay, I always make sure na maaga din ang uwi ko noon para maabutan siya. Lahat ng suitors niya ay hinaharangan ko.. your Grandpa Luke owns the school so wala silang magagawa. I really like seeing her smile, I like the way she looks at me na para bang ako lang ang pinaka importante sa lahat. Your mom is a very wonderful and amazing person." I saw that thing they called sparks in my dad's eyes. I never knew it was real pero sa nakikita ko ngayon, its not literally sparks.. its the happiness that you can see through his eyes.

"Paano kung nakakasakit na ang pagmamahal? Will you continue it?" Mukhang nakuha ko ang atensyon ni daddy. Natigilan siya at matagal na nag-isip.

"Jade, love shouldn't be a burden. Hindi dapat ito pinoproblema. Dapat ay tinatanggap at dinadama ito." Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.

"Pero dad.. how will I know if dapat bang ipaglaban ang isang bagay?" I am thinking about my relationship with Ivor. Dapat ko pa ba itong ipaglaban?

"Ikaw lang ang makakasagot niyan. Kaya mo bang mawala siya" hindi.

Dad's question scare me. Hindi ko kaya. Mas maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi ko kakayanin kung mawala si Ivor sa buhay ko.

"Can you really live without that thing you're talking about. Magkukunyari akong hindi ko alam na yung Montgomery na yon ang tinutukoy mo" uminit ang pisngi ko at ngumuso. Dad laughed at me.

"Suportado ako sa lalaking iyon. He told everyone, in national T.V how much he likes you and how much he is willing to protect you. Doon palang ay tinatanggap ko na siya sa pamilya. It's now up to you" napangiti ako at yinakap si daddy. I really need this talk. Napakasarap sa pakiramdam.

Loving The Green Stone (FS # 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon