Kabanata 4

41.1K 724 27
                                        

Cliff

"Okay na ako dito" saad ko sakanya nung makapasok kami sa bahay niya. Tinuro ko ang sofa at doon nalang muna ako.

Nagulat ako nung parang wala siyang narinig at tuloy tuloy na umakyat ng hagdan. Baka sa kwartong ipapahiram niya sa amin niya ako dadalhin.

"Salamat" wika ko nung ipasok niya ako sa isang kwarto. Ibinaba niya ako sa kama at pumunta sa closet.

"Uhm.. ano pang ginagawa mo?" Tanong ko sakanya dahil hindi pa siya umaalis.

Gustong gusto ko siyang tignan pero natatakot ako. Natatakot ako dahil pakiramdam ko bawal. Napaka ganda tignan ng tangkad niya, ang napaka lean niyang shoulders at ang mukhang malambot niyang buhok.

Noong una ko siyang nakita dati ay sobra na rin akong nagwapuhan sakanya pero pangit ang pagkaka kilala namin. I can still remember how I forgot David for a second nung una kong marinig ang boses niya. I think its a very natural thing to a woman like me to admire him.

"Im changing my clothes" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Inilibot ko ang mata ko sa buong kwarto at nahagip ng mata ko ang mga picture frames.

"K-kwarto mo to?" tanong ko sakanya at nakita ko naman siyang tumigil.

Humarap siya sa akin at lumapit. Unti unti siyang yumuko, napapapikit na ang mata ko dahil sa hilo. Napahawak pa ako sa puso ko dahil bumilis ang tibok nito.


"Mam, gising na po, kailangan niyo pong kumain." unti unti dumilat ang mata ko. Lumingon lingon ako sa paligid, nasa ibang kwarto na ako.

Napapikit ako at huminga ng malalim atsaka ko palang tinignan si Ris. Ngumiti ako at medyo umupo, sobrang sakit ng pakiramdam ko.

"Mam, kain po kayo" tumango nalang ako at tinanggap ang sopas na dala niya. Nung sumubo akong isa, parang nahimasmasan ako dahil gumaan ng sobra ang pakiramdam ko.

Ris is a very good friend. Siya ang halos naging kasama at kaibigan ko dito. Rickos was there but its different pag babae. I can tell her almost everything, almost.

"Okay na po ba kayo?" Tanong niya sakin at ngumiti naman ako.

"Yup, thank you so much Ris." Saad ko at kumain na ulit. Pumunta siya sa may kama niya at nag ayos doon. Dalawang kama ang nasa kwartong ito.

"Paano ako napunta dito?" Tanong ko sakanya.

Lumingon siya sa akin. "Si Mr. Montgomery ang nagdala sainyo dito, Mam" tumango nalang ako sa sinabi niya at inubos na ang pagkain.

"Hey" napalingon ako sa pintuan. Ngumiti ako at tumingin sa ibang direksyon, hindi ko ata kaya na matagal siyang titigan.

Alam kong hindi pwede, at hindi pa ako handa. Ayoko itong nararamdaman ko, nagmomove on pa ako kay David, siguro ay part ito ng stage of moving on.

"Hello po sir" bati naman ni Ris. Hindi siya sumagot at hindi ko alam kung anong reaksyon niya sa pagbati ni Ris dahil hindi ako nakatingin.

"Maiwan mo muna kami" napabaling ulit ako sakanya dahil sa sinabi niya. Tumingin ako kay Ris na kinukuha na ang pinagkainan ko.

"You don't need to go" saad ko sakanya pero tuloy-tuloy pa din ito. Lumabas ito ng silid namin.

Kahit napaka-laki ng kwartong ito, pakiramdam ko lumiliit dahil sa presensya niya. Tumingin ako sakanya na palapit sa akin. Umupo siya sa kama ko kaya medyo lumayo ako. Nakita kong nagtaka siya sa inasal ko pero hindi ko na pinansin.

"How are you?" Tanong niya sa akin. Yumuko nalamang ako dahil hindi ko talaga matagalan ang tingin niya.

What is happening to you, Jade?

Loving The Green Stone (FS # 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon