Hand
Nagmadali akong bumitaw sakanya ng maalala ko si Ate Pin. Mabilis akong tumakbo palabas, natigilan ako ng makitang nakayakap si Teo kay Ate Pin. Nasa gitna sila ng daan, maagap akong lumapit doon at hinila sila parehas papunta malapit sa kotse ko.
"Ano bang nangyayari?! Nagpapakamatay ba kayo?!" Nanggigigil na ako dahil natatakot ako para kay Ate Pin.
"Kasalanan ko.. hindi ko napansin na may sasakyan. Nakalimutan kong Maynila ito at hindi Argao na titigil ang mga sasakyan basta may dadaan." Napabuntong hininga ako. Kailangan ko talagang ituro kay Ate Pin ang mga dapat niyang matutunan.
Naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Ivor. Nilingon ko siya at hindi ko siya mabasa.
"Tara na Jade" mahinang saad sa akin ni Ate Pin. Liningon ko si Ivor at nginitian siya.
"Alis na kami.." napapikit ako. Gusto ko pa siyang kasama pero.. pero kailangan kong unahin ang pamilya. Naninikip ang dibdib ko.
Tumango siya at hinalikan ako ng mabilis sa noo. Napakagat ako sa labi ko at lumayo na sakanya.
"Ali-- Josephine" pinanuod ko si Teo na hinawakan si Ate Pin para pigilan pumasok sa kotse ko.
Kung ano man ang nangyari sakanila dati.. sigurado akong nasasaktan silang dalawa ngayon. Randam ko ang sakit na nararamdaman nila. Pwede bang mapagkatiwalaan si Teo? Hahayaan ko ba siyang makalapit kay Ate Pin? Paano kung kasabwat siya?
"Tigilan mo na ako please. Please Sir." Mahina niyang bulong at mabilis na pumasok sa kotse ko. Lumapit sa akin si Teo at hinarap ako. Nagulat ako nang hilahin ako ni Ivor palapit sakanya.
"Don't get too close" napairap ako sa sinabi ni Ivor. This isn't the time for this.
"Jade.. Jade right? Please help me." Kita ko ang pagtagis ng bagang niya. Alam kong hindi sila sanay na humihingi ng tulong pero ito siya at humihingi ng tulong sa akin.
"Bakit ko naman gagawin yan? Because of you.. nahirapan kami. We we thought we lost her." Hindi ako nagtaas ng boses pero binigyan ko ng diin ang bawat kataga na sinabi ko.
Kita ko ang frustration at pagpipigil sa mukha niya.
"I love her. I hope that's enough reason for you to help me" napaawang ang labi ko. Tumalikod siya sa akin at nagsimula ng maglakad palayo at tinungo ang sasakyan na dala nila ni Ivor.
Hinarap ko si Ivor at kita ko ang mapupungay niyang mata. Alam kong nahihirapan siya dahil kapatid niya si Teo. Naiipit siya sa aming dalawa.
"I'm sorry" mahina kong wika. Umiling siya at ngumiti.
"Go.. mag ingat kayo. I'll call you later. Ako ng bahala kay Teo." Tumango ako at nauna ng sumakay sa kotse.
Natigilan ako nang makita kong lumuluha si Ate Pin sa loob ng kotse. Dahan dahan kong pinaandar ito. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ito sa Salon o iuuwi ko na siya.
"Masyado ba akong naging masama? Nasaktan ko siya ng lubusan. Alam ko yon.. pero nasasaktan din ako. Gulong gulo na ang isip ko Jade." Inabutan ko siya ng tissue mula sa dashboard.
"Ganon naman talaga.. being inlove is being in a roller coaster. Samu't saring pakiramdam ang mararamdaman mo. I won't be a hypocrite. Naniniwala akong mahal ka ni Teo Montgomery pero gusto kong malaman kung bakit ka niya tinago. Sa ngayon.. mag focus na muna tayo sa pag settle mo.. hanggang maging okay ka na dito at malay mo makaalala ka pa." Tinahak ko na ang lugar kung saan ang Salon. Ayokong masira ang plano namin.
I want to ask her kung sila ba but I think that is a sensitive part of her Alissa Life. Her most painful tragedy.. a tragedy that I don't want her to remember but I know its also her best tragedy because she loved.
BINABASA MO ANG
Loving The Green Stone (FS # 2)
Aktuelle LiteraturWhat is a damsel in distress means? According to the dictionary it means that a young woman in trouble and needs to be rescued by a prince, like in fairy tales. For the people around her, Jade Scott can be related perfectly for a damsel in distress...
