"Punyeta ka talaga Jeremy niloko mo ako! Pinaglaruan mo ako! Peste ka mamatay ka na" sinuntok ko siya agad sa mukha niya.
Hah! Kahit pogi pa siya WALA AKONG PAKE.
"Fuck?! What was that for?!" Sigaw niya. "Ano bang trip mo?" sigaw niya ulit saakin habang nakahawak sa panga niya.
Tumayo ako ng tuwid at nag pout "Gago ka kasi natalo tuloy ako sa pustahan, sabi ko kasi kila Huri na hindi ka na mangbabae tapos nakita ka namin na may ka make out. Leche ka talaga sayang 50K ko sayo"
"Eh bat mo ako sinuntok ang sakit ha" -Jeremy
"He-he wala lang trip ko lang napanood ko kasi eh kaya parang ang cool lang ng bida anyways niyayaya tayo nila Huri sa Liberty Club 'celebrate DAW ng pagkatalo ko" Umikot ikot ako sa condo niya dahil para kasi siyang bading napakalinis tapos parang hindi dinadapuan ng alikabok.
"Sure why not daming chickas dun" ngumiti siya saakin tapos taas baba yung kilay niya.
"Wala ka bang trabaho bat parang pa easy easy ka lang?" sabi ko sabay upo sa color gray na couch niya.
"Tinatamad ako eh" -Jeremy "Eh ikaw? Wala kang client?"
Architect kasi ako masasabi kong pwede na rin siguro marami na rin kasing kumukuha saakin para magpaayos ng bahay nila.
"Katatapos ko lang kahapon kasama si Alex" Si Alex is one of my friends.
*Kring Kring*
Napalingon kami pareho sa Iphone ko na umingay. At si Huri yun.
"Oy asan na kayo? Tara na anong oras na oh!" medyo mahina yun pagkasabi niya kasi malakas yung music sa bar.
"Andito pa kami sa condo kakarating ko lang dito para sunduin si Jem"
"Tara na, lumayas na kayo dyan" sigaw niya.