Special Chapter 1

11K 122 19
                                    

Shit ilang oras na ba ako nasa labas? 1? 2? Tangina nilalamok na ako ng sobra sobra.

Tumayo ulit ako sa inupuan kong karton at kumatok sa pintuan “Summer buksan mo na ‘to please sasayaw na ako ulit papasukin mo lang ako. Malamok dito”

Pero shet no response man lang. Kasalanan ko bang matigas ang katawan ko?

Nakita kong may pumarada sa harap ng bahay namin. Lumabas si Kris na may dalang box. Red Ribbon yata.

Pumasok siya sa gate. Makapal talaga at magaspang ang mukha nyan. Hindi lang mag doorbell eh.

“Bakit ka nandito?” Tanong ko at umupo ulit sa kaninang inuupuan ko. Leche malamok talaga.

“Andyan ka pala, nagpabili ng cake si Summer eh. Teka—bakit ganyan suot mo?” Nakita kong patawa tawa siya. Gago ‘to ha.

Nakailang mura na ba ako? Ay wala akong pake basta pogi ako.

“Ayaw ako papasukin ni Summer” Walang ka gana gana kong sagot.

“Hahaha dre pangilan beses ka na napalabas?” Ngumisi siya.

Ang hirap kasi ng pinapagawa ni Summer. Hindi ako magaling  sumayaw. Kahit simpleng Gentleman lang yan hirap ko ng igewang ng malambot ang katawan ko.

Tapos mukha pa akong ewan sa pinasuot niyang boxer shorts ko at necktie kong pang trabaho at medyas. Yun lang ang suot ko. Kaya puta nawile ang lamok kaya kagat ng kagat sa maganda kong balat.

“Tangina mo ibigay mo na yan at lumayas ka na dito”

Sweet Possession: Summer Dela VegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon