Pag ka tingin ko sa orasan 5 am na ng umaga. Tumayo ako at humarap sa salamin. 2 oras lang ang tulog ko, namumula pa ang ilong ko at mata.
Pumunta ako sa CR at naghilamos, tulog pa rin si Louie, pagod siya sa pagpapakalma saakin, naaawa rin ako sakanya..
Pati sa sarili ko.
Biglang nag ring yung phone ko na nasa tabi ni Lou. Kinuha ko yun at tiningnan kung sino.
Unknown number. Nakakapagtaka, gantong oras tatawag.
Kaya sinagot ko ang tawag, bahala na kung sino.
Malay natin alam niya kung nasan ang anak namin.
“Good Morning Summer” Masigla ang pagkabati niya sa kabilang linya.
Babae ang boses.
“Sino ka?”
“Si secret, kamusta na ang pagiyak mo, kaya mo pa ba?” May bahid ng pangaasar sa tono niya.
“Sino ka ba talaga?! Hindi ako nakikipag biruan sayo!” Sumigaw na ako.
Iba ang nararamdaman ko ngayon.
KABA.
Narinig kong parang may umiyak na bata. Si Harper?