Umuwi kami ni Louie na hindi dala si Harper, hindi namin nahanap.
Iyak parin ako ng iyak, syempre sino ba namang hindi iiyak? Anak mo ang nawawala.
“Summer, please tahan na namumutla ka na, pinapahanap ko na si Harper” Hinawakan niya yung dalawang kamay ko. Nanginginig yung kamay niya. Sa takot malamang.
Naramdaman ko na lang na binuhat ako ni Louie. Sa sobrang tulala ko at ang anak lang namin ang nasa isip ko. Hindi ko na alam ang nangyayari.
Nilapag ako ni Louie sa kama “Magpahinga ka muna okay? Matulog ka muna, ilang oras ka na naiyak”
Tinulak ko siya. “Magpahinga? Sabihin mo saakin Louie paano ako magpapahinga kung” Pinunasan ko yung luha na tumulo sa pisngi ko “Yung anak natin nawawala. Paano sige nga, paano kung may nangyaring masama sakanya. Nagagalit ako sa sarili ko kasi iniwan ko sila”
Lumapit si Louie saakin at niyakap “Mahahanap natin siya. Magtiwala ka lang Sakanya” bulong niya.
Ang hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kunin ni April si Harper. Bakit?
Aaminin kong hindi ko siya gusto, pero pag hindi ko gusto ang isang tao hindi ko sila pinapansin.
Umalis muna si Louie, dahil may kakausapin muna siya. Kakausapin niya yung taong pwedeng makahanap kay Harper. Tauhan siguro.
Biglang na ring ang phone ko, kinuha ko yun at sinagot.
“Summer” Si Huri “Nabalitaan ko yung nangyari, ayos ka lang ba?”