“Daddy I want Icecream”
“Dad please play with me”
“Daddy please call mom I need to talk to her now”
“Daddy”
“Daddy”
“Daddy”
“Wait lang mga anak, isa lang si Daddy apat kayo. Mahina kalaban” Umupo ako sa Sofa at nagpahinga lang ng saglit.
Nilibot ko yung paningin ko sa buong sala. Laruan. Laruan. MAGULO ANG BAHAY. Patay na naman ako kay Summer.
“Dad I want ice cream” Sabi ng apat na taon kong anak na si Rome.
“Yes baby we’ll buy ice cream later after we clean this mess. Okay?”
Summer asan ka na ba? Nakakapagod tong apat na anak natin.
“Hey wag mo ngang kunin ang laruan ko” –Rome
“This is my toys not yours” –Harper
“Akin na sabi eh” Lumapit siya kay Harper at kinuha ang laruan. Kaya bago pa sila magsapakan at kumalat ang dugo dito sa bahay inawat ko na sila.
“Guys, you want Ice cream right? Help me to clean your toys then we will go to Ice cream parlor shop. Deal?” Nag thumbs up ako sakanila at tumango naman sila agad.
I have 4 kids now. 3 boys and 1 girl. Yup triplets ang lumabas sa sinapupunan ni Summer.
That time sobrang takot ako dahil nahirapan talaga niyang ilabas si Rome which is our third baby. Una si Dust, next is Rome and ang bunso namin ay si Nicole. And nung nailabas na ni Summer si Rome sobrang nanghihina na siya. She said hindi niya na kaya.
So nag panic ako. But I know she’s strong. Nailabas niya ang tatlong bagong anghel sa buhay namin.
At ngayon. Anghel nga. Nakakapagod but at the same time Im happy.