Chapter 29

14.3K 145 42
                                    

It’s Sunday today, and today is our date. Dapat kahapon yun eh kaso dumating yung mga materials para sa bahay niya. Dapat si Alex gagawa nun kaso wala siya , ewan ko ba dun kung saang lupalop ng Pilipinas nagpunta.

Ang akala ko nga eh saglit lang ako dun sa bahay, nagtagal ako dun na halos 10 pm na din ako nakauwi, pagdating ko sa condo tulog na si Lou.

Kaya eto ako ngayon nasa walk-in closet namin at naghahanap ako ng pwedeng maisuot para sa date namin. Maaga pa ngayon 8:30 pa lang at kasalukuyang naliligo si Louie. Plano niya pa ngang sabay kami kaso pag nangyari yun baka magtagal kami dun. Ay ang landi haha!

I decided na floral dress na lang na baby pink and of course floral doll shoes ang outfit ko for today, hindi ko kasi trip mag high heels ngayon.

Tiningnan ko yung buong sarili ko sa walk-in closet, sa buong walk-in closet kasi naka palibot ng mirrors. Pwede ka na  ngang gumawa ng dance studio dito eh. Hahaha!

“Hey” Tapos na pala si Louie maligo. Di ko talaga maiwasan na titigan siya. Gwapo na nga may perfect abs pa.

“Okay lang ba ‘tong outfit ko?” Kumuha ako ng towel at lumapit sakanya. Nag tip toe pa ako para maabot yung ulo niya at pinunasan yun. Hindi niya talaga ugali mag punas ng buhok kay nababasa yung carpet.

Hinawakan niya yung bewang ko para di ako ma out of balance “Kahit ano naman suotin mo bagay naman sayo lahat eh”

Tumawa ako. “Bihis ka na para maka alis na tayo, baka di na natin maumpisahan yung simba”

Yup, mag sisimba kami ngayon. Of course mag thathank you kami kay God. Hindi yung landi lang kami ng landi.

“What should I wear today?” Tanong niya at lumapit sa mga naka hanger na damit niya.

“Mag barong ka para unique ang dating natin” Seryoso kong sabi sakanya. Hahahaha!

Sweet Possession: Summer Dela VegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon