Andito ako ngayon sa kotse kasama si Louie, si Ate Pau naman gamit yung kotse ni Louie actually nasa harap lang namin siya. Kasi pupunta kami sa bahay nila at papakilala nila ako sa isa pang ate niya. Yung parents kasi wala daw nasa ibang bansa.
"Hey bat ang tahimik mo?" sabi niya saakin habang nakatingin parin siya sa daan.
"Wala naman akong sasabihin eh" tumingin na lang ako sa labas mukhang uulan ngayon. Medyo madilim kasi eh, eh 4 palang ng hapon.
"Ok" tapos tahimik na ulit. After 15 minutes andito na kami sa bahay nila.
Malaki rin yung bahay nila as in malaki medyo malaki lang to kesa sa bahay ni lolo.
"Baba na" at lumabas na siya. Grabe ang gentleman natouch talaga ako sa ginawa niya. Sana ipagpatuloy niya yan. Di lang man ako pagbuksan ng pintuan. -_-
Pagkababa namin may sumalubng saamin na parang 26 years old na babae na buntis. Ate yata nila to.
"Ate----" pinutol ni ate Pau yung sasabihin ni Louie. Bat ba ang hilig mamutol ng sasabihin tong magkakapatid na to.
"Ate meet Summer, Louie's girlfriendlalu, ate titino na kapatid natin, hindi na siya magbabar or something na gagawa ng kababalaghan ate hulog si Summer ng langit grabe mukhang mapapatino niya si Louie grabe ate alam mo---" Odiba ang hilig talaga nila mamutol na sasabihin.
"Pwede mamaya na muna yung kwento mo nasa labas pa tayo oh pwede magpakilala muna ako kay Summer?" Tinarayan niya si Ate Paula at nag pout na lang si Ate Pau, tapos tumingin saakin saakin yung isa pang Ate nila, nakataas yung kilay niya. Gad, anong ginawa ko? >_<
"Pffft-- grabe ang cute mo" kinurot niya yung cheeks ko ng sobrang sakit talaga kasi hinila hila niya.
"Ate nasasaktan si Summer bitaw na" kinuha ni Louie yung kamay ng ate niya at nilayo saakin.
"Ano ba Louie ang cute lang niya naman eh bitaw na kundi susuntukin kita"
Grabe tong magkakapatid na to, di ko sila maintindihan parang laging nag momood swing.