"Asan mga kasama mo?" -Kris. Bumibili kami ng merienda ngayon. Niyaya niya kaso ako, sayang naman kung tatangihan ko.
"Tulog silang lahat" sabi ko. Kinuha ko na yung inorder namin at umupo na sa bench. Halos tapat din ng dagat. Buti nga konti lang yung tao ngayon eh.
"Bat di ka nagpapahinga?" tanong niya.
"Halos natulog ako sa buong byahe" sabi ko at kumagat ng sandwhich. Infernes masarap. "Bat ka nga pala nandito?"
"Sinundan ka" napatingin naman ako sakanya. Ano bang trip ng lalaking to?
Medyo naguguluhan ako sakanya. Straight to the point din kasi siya magsalita.
Magsasalita sana ako ng may babaeng lumapit saamin. Naka bikini lang siya at may dalang sunblock. Sa tingin ko nasa 17 lang siya.
"Uhm kuya can you palagay naman sa likod ng sunblock? Hindi ko kasi siya mareach" Gara ng babaeng to akala niya walang kasama si Kris.
Tiningnan ako ni Kris, di ko alam kung matatawa ba ako o matatawa kasi pasimple syang umiiling, para bang nanghihingi ng tulong.
"Kuya! Pleasee" hinawakan niya si Kris sa braso. "Pleasee"
"Sige na Kris, kawawa naman yung bata sama alam ng magulang niya ginagawa niya" nginitian ko si Kris at kumagat ng sandwhich. Ang sarap talaga.
"Hey ano naman mali sa pagpapalagay ng sunblock sa body ko?"
Tumayo ako "May sinabi ba akong mali?" tinaasan ko siya ng kilay "Alis muna ako thanks dito ha bye Kris" naglakad na ako palayo sakanila. Hinila hila pa nung bata si Kris. Kawawang Kris. Hahaha!
Pumunta ako sa tubig, ang sarap kasi sa paa nung sand. Nakakarelax. Kinuha ko yung phone ko at pinicturan yung dagat. Parang gusto ko na tuloy mag swimming.