"Here you go" Napatingin ako kay Kris na may dalang coffee crumble at cone. Yes! Coffee Crumble!
"Bilis ha" umupo siya sa tabi ko at inayos na yung ice cream. Buti bumili siya ng spoon.
"Sa kanto lang naman ako bumili nilakad ko na nga lang eh" Tumawa siya at naglagay sa cone ng icecream. "Oh" binigay niya saakin yung ice cream pero umiling ako.
"Gusto ko dito kumain" hinablot ko yung ice cream at nilantakan. "Hindi ka naman siguro maarte diba? Kahit maghalo halo laway natin" Tumawa ako. At ineenjoy ang ice cream.
He chuckle "Ayaw mo nun indirect kiss"
"Baliw ka no?" sabi ko sakanya.
Tumawa siya. Alam niyo yung tawa niya? Nawawala mata niya eh. Ang cute lang "Alam mo maganda dito pag palubog na yung araw" sabi niya.
Lakompake... Hahaha! Dejoke lang.
"Talaga? Wala bang nakakaalam sa lugar na to? Kasi tingnan mo" tinuro ko yung ilog "Ang linis ng tubig na halos pwede mo na yatang inumin"
"Tago talaga tong lugar na ito, siguro konti lang ang nakakaalam. Siguro dahil na ring sa balita na madaming ahas dito kaya natatakot silang pumunta sito" Kumagat ulit siya sa cone.
"Really? Edi may ahas talaga dito?" tanong ko. Di naman ako takot sa ahas, mas natatakot pa nga ako sa ipis eh.
Lalo na yung dati pinagtripan ako nila Raph, bumili sila ng maraming maraming ipis na laruan at kinalat sa kwarto ko. Buong araw ko nga sila di pinansin eh. Sino kayang di mababadtrip na pagising mo yun ang madadatnan mo?
"Maybe? Sa tagal ko ng nakatambay dito wala pa akong nakikita"
"Ahh" Grabe heaven talaga tong ice cream. Ilang months na ba akong di nakain? Ang sarap talaga.
"Gusto mo ba si Louie?" tanong niya. Lumingon naman ako sakanya pero di siya nakatingin saakin, nanatili siyang nakatingin sa ilog.
Ngumiti ako at tumango "Yea" tumingin din ako sa ilog "Sobra nga eh"
"Masaya ka sakanya?"
"Yes" sumubo ako ng ice cream.