\Nakaupo kami ni Louie sa bed namin, lumipat na kami kani kanina lang, halos wala na nga akong inayos kasi siya na ang nagayos para pag uwi daw namin hindi na ako mapagod.
Nagkainan pa kami sa restaurant at kami ang unang umuwi. Nanonood kami ng TV at nakayakap siya sa likod ko. Kanina pa yang ganyan, hindi nag sasalita, nakayakap lang.
“Summer” At last nag salita na siya.
Bahagya kong lumingon sakanya “Hmm?”
Tinago niya yung mukha ko sa leeg niya “Feeling ko di mo nagustuhan yung surprise wedding ko sayo, alam ko naman kasing gusto mo sa beach” Tumingin siya saakin at pinatong ang chin niya sa balikat ko “Pero I promise you, papakasalan ulit kita sa beach”
Napangiti naman ako sa sinabi niya “Ok na yun, anong sabi mong hindi ko nagustuhan, hindi ko ba nagustuhan yung umiyak ako nung pagkakita ko pa lang sayo napaiyak na ako?” Hinawakan ko yung cheeks niya and I gently rubbed it with my thumb.
Hinawakan niya yung kamay ko at hinawakan yung sing sing ko “Nagustuhan mo ba tong sing sing?” Tumango naman ako “Kasama ko si Mama pagpili nyan”
Tumingin ulit ako sa TV “Pero seriously bakit kailangan mo pa maging cold?”
Oo hindi ko mahanap ang logic. Napaka… ewan ang babaw ng suggestion.
“Sila Huri kais ‘yon, di dapat ako papayag, diba sabi ko sayo na hindi kita iiwan hanggat buntis ka pa” Humigpit yung yakap niya saakin. Tsaka nagpalagay ako ng CCTV sa condo, yung kwarto nila Huri nasa kabilang kwarto lang, sila nagbabantay sayo, syempre hindi ako papaya na magisa ka lang”
Tumawa ako ng mahina, para syang batang nag eexplained ng mga ginawa niya. “Sige nga kwentuhan mo ako sa mga ginawa mo, namiss kita ng sobra eh”