Nakita kong patakbo na si Lou papuntang direction ko.
"Bat mo pa ba kinuha yang phone mo?" May katext ba siya? Luh?
"Magpipicture kasi ako, teka ano yang papel na hawak mo?" tinuro niya yung papel na hawak hawak ko.
"Wait" tinaas ko yung papel "Is this not yours? Di ba galing sayo?"
"Tapos na ang surprise ko sayo, kahit walang kwenta" kinuha niya yung papel at binasa. Agad kumunot ang noo niya. Tumingin siya sa paligid "Who give this to you?" tanong niya.
"Pinabigay lang ni manong yan saakin hindi ko na natanong kung sino eh, Lets just ignore that stupid pink paper, sinisira lang nyan yung araw natin" pinunit ko sa harap yung papel na yun.
Kung sino man nagpaabot nun leche siya pakamatay na siya.
Napabuntong hininga siya "Ang ganda mo kasi eh, pero promise pagtatanggol kita pag may umaway sayo" tuminingin siya malayo, teka nagblublush siya?!
"Tingnan mo nga ako" hinawakan ko yung chin niya para tumingin saakin pero nilalayo niya pa rin. "Arte neto, mas matindi ka pa mag blush saakin"
"Whatever" sabi niya at tumingin saakin. Kiniss ko yung cheeks niya at umupo sa sand. Umupo na rin siya at inakbayan ako.
"Lou thanks ha" tumingin ako sa araw na palubog na. Magpapatayo nga ako ng bahay dito.. Dito mismo sa inuupuan ko. Ang ganda ng paligid eh.
"You are welcome baby"
Alam na alam niya yung gusto ko, sa simpleng pagiging kumpleto lang alam niyang dun ako masaya. Hindi ako tanga para di malaman na may feelings na rin siya saakin. Ugh! Im not blind. At ramdam ko yun. Siguro hindi niya masabi yung exact word na yun kaya dinadaan niya sa Sexjeehnsjsks di joke lang syempre pinaparamdam niya yun.
"Hanggang kailan dito sila?" Ang tinutukoy ko sila Lolo tsaka yung iba pa.
"Sabay na saatin, kailangan din nila ng bonding, nakita ko kasi this past few days parang ang tatanda na nila tingnan" tumawa siya at binaling yung tingin niya saakin "Gamitin kaya natin yung mga gift nila yung condom yung por----" tinakpan ko yung bibig niya kasi dumating yung tatlong bata.
"Ugh tito can you please move a little, distance please" -Patrick. Tinulak niya si Louie at tumabi saakin si Prey naman sa likod ko at niyakap ako at si Paolo naman sa left side ko niyakap yung braso ko.