Chapter 34

12.5K 140 33
                                    

“Bruha gising na” Naramdaman kong may tumatalon talon sa higaan ko.

Inaantok pa ako at ayoko pang bumangon. Sa boses pa lang kilala ko na kung sino yung at si Huri ‘yon.

“Girl wake na girl~” Tinanggal ko yung kumot na nakatalukbong saakin. Nahilo ako kay Alex sa kaka talon.

“Bakit ba kayo nandito? Ang aga aga nangugulo kayo” Wala na gising na ang diwa ko. “Teka nasaan si Louie?” tanong ko sakanila.

“Ewan ko, pagkadating namin dito wala na siya. Tapos bukas pa yung pintuan” –Huri.

Parang bigla yata akong kinutuban?

Asan na siya?

Kasi kung aalis siya mag papaalam siya saakin or mag iiwan ng message.

Lumingon lingon ako at wala naman akong nakitang papel.

Shet! Bakit ba ako kinakabahan?

Kinuha ko yung phone ko na nasa ilalim ng unan at tiningnan kung may iniwan siyang message. But wala akong nakitang text galing sakanya.

“Girl siguro may emergency lang kaya hindi nakapag paalam sayo” umupo si Huri sa kama.

Tumigil naman sa pagtatalon si Alex at umupo din “Bakit ang lalim ng eyebags mo? Pag buntis ba haggard na teh?”

This past few days kasi hirap akong makatulog. Paulit ulit na nag rereply sa utak ko yung panaginip ko. Kada ipipikit ko ang mata ko yun agad ang nag flaflash sa utak ko. Tatlong araw na rin nakalipas simula nung panaginip ko.

Sweet Possession: Summer Dela VegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon