Side Story #1

489 17 8
                                    

Prologue:

Nakikita ako ng iba bilang masayahing tao at kilala nila ko na malikot sa mga babae. But I don't fucking care, lalaki ako at mayroon akong pangangailangan. Pero kahit na gaano pa kasama ang tingin sakin ng mga tao. May iisa pa ring babae ang nagpapatibok ng puso ko...

Babae na hanggang ngayon ay may hawak pa rin ng buong sistema ko. Siya lang babaeng tumanggap sa akin noon. Sa kabila ng nerd at weirdo kong itsura dati, sa kabila ng kalampahan at pambubully sakin dati. Siya lang babaeng nagpupunas ng mga luha ko tuwing sinasaktan ako ng mga tao. Babae na nagsasabi sakin na kaya ko ang lahat basta magtiwala lang ako sa sarili ko, babae na nagsabi sakin na hindi ko kailangang baguhin ang sarili ko para mahalin ng iba. Babae na ngumingiti sakin sa tuwing nagkikita kami...

Her sweet scent and smile that get my heart that easily. Siya ang kauna-unahang babaeng minahal ko ng sobra sobra. At minamahal ko pa rin hanggang ngayon, but everytime I recall the words I heard before. It torn me into pieces...

"Girl my God! Kailan mo ba kasi hihiwalayan ang weirdong Jungkook na yun? Look at him! Like duh! Para naman wala kang taste! Hindi siya bagay sa mga kagaya natin! He may be a rich boy pero yuck! Ni hindi nga siya mukhang mayaman dahil sa makapal niyang salamin at braces niya sa ngipin! Napakalampa pa!"

"Don't worry, hindi din naman na kami magtatagal ng lalaking yun. Tapos na ang pustahan natin. Kaya paano ba yan? Edi ibibigay mo na ang kotse mo sakin? Saka don't worry after this I'll break him up, masyado siyang boring. Unlike his twin brother Jedrick! Ghad! Alam mo naman na kaya rin ako pumayag rito ay para mapalapit kay Jedrick diba?! I finally succeeded girl!"

Sa tuwing naaalala ko ang mga salitang iyon gusto kong magwala! Naaalala ko pa kung paano ako nagmakaawa sakanya na ako ang piliin niya pero wala. She never listened to me. Madaming taon na ang nagdaan but I can't move on. I can't erase my feelings for her...

Oo, pwede akong husgahan ng mga tao kahit kailan. Sabihin nila ang gusto nilang sabihin, pero kahit na kailan ay hindi nila ko maiintindihan...

Na sa kabila ng mga pilyo kong ngiti ay may isang tangang Jungkook na umaasa na babalikan pa rin siya ng babaeng yun kahit na sinasampal na siya ng katotohanang niloko lang siya nito...
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Hi Army's! This is my second fanfic for BTS pero this time po ay kanya kanya na silang fanfic! Unlike sa isa kong story na This Time na lahat ng story nila nandun! So I hope suportahan niyo po ulit ako! Again I'm not good at writing pero sana po ay magustuhan niyo! Salamat ulit sa mga Army's na sumali sa story na 'to! I appreciate it all guys! :) Sa Sabado na po yung chapter one so antay antay lang and yes on going pa rin yung This Time kaya don't worry! I love you guys!

**FlirtBicth**






Blank Contract (BTS Jungkook Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon