Nacurious lang ako sa mga sinasabi ng dalawa kong mga bespreeng. Masyado yata akong na pre- occupied sa babaeng kung makatitig saken kanina. Tagusan!"Besh, Are you listening? Nandito sya." Sarcastic nyang sabe.
"Tekaa? Sino ba kase ya---"
Hindi kona natapos yung sasabihin ko nang magulat ako sa mga nakikita ko. Parang panaginip, o dikaya impossible to happen! Tinitigan kolang sya. As in! Siguro, Sa sobrang di ineexpect! Bumalik lang yung diwa ko nang tapikin ako ni Graceshelle ng pagkalakas lakas!
"Hoy! Babae ka?" inis nyang sabe saken.
"Aaah? Sorry sorry. Oh, bakit nga pala? Anong meron?" Tanong ko.
"Nakikita mo ba yung nakikita ko?" Sabi ni Prezzy na with matching Chin up pa!
"Asan? Sino kase, diretsuhin mo na nga!"
"Look, Your ex- boyfriend Edward! Mukhang may inaantay oh."
"Ang kapaal ng face ng lalaking yan! Ang kapaal talaga as in. Tingnan mo, parang andali nya agad maka move on!" inis na sabi ni Graceshelle.
"Oonga! Nakakaimbyerna." Dagdag pa ni Prezzy.
"Hayaan nyo na! Alam naman natin na sa aming dalawa, ako lang naman ang NAGMAHAL diba? Kaya tingnan mo, walang kaproble problema!" Sagot ko. Sabay suot ng sunglass ko. "Tara na Girls! Don't mind that stupid boy!" Sabi kopa na taas noo.
Agad namang nagulat ang dalawa na parang nakakita ng multo. Naglakad kami, at tulad nga kanina syempre taas noo akong naglalakad sa ganda kong 'to! HAHAHA.
Dinaanan lang namin si Edward. At parang dipa nga kami napansin! Syempre, Wala na akong pake dun. Naka move on nako e. Patuloy lang kame sa paglalakad hanggang sa nakapasok kami sa Mall.
Dahil sa nakaramdan kami ng gutom, pumasok kame sa isang Fast Food Chain.
"Besh, anong sa inyo? Ako na mag oorder?" Tanong samin ni Prezzy.
"Aahm, Bottomless Ice tea lang saken and Chicken fillet yun lang!" Sagot ko.
"Ahm? Ano lang saken, Soup! Busog pa kase ako e." Sagot naman ni Graceshelle.
Umalis na agad si Prezzy at Nag order. Kami naman dalawa ni Graceshelle ay panay ayos nalang sa Buhok namin. Syempre ayaw namin ma haggard! Pagkatapos naming mag ayos, Halos mabingi kaming dalawa sa katahimikan. Nabuhayan lang kaming dalawa ng may kumausap samin.
"Hoy! Mga babae, Kain na tayo! Kanina pa kayong tulala ah. Anyare?" tanong ni Prezzy.
"Aah, Sorry sorry! May iniisip lang. Tara kain na?" Aya ko.
Nagkwentuhan kaming tatlo, Silbing Bonding lang namin. Kung tutuusin. Antagal din kase naming hindi nakakapag FriendDate! Tawa doon, tawa dito lang ang ginagawa namin. Mabilis din namang lumipas ang oras. Kaya, Umalis din kami sa Restaurant.
Lahat yata na libot namin yung buong Mall. Papalabas na kami nang mahagip ng paningin ko si Edward. At aba, May kasamang babae. Ang harot pa! Nakaramdam ako ng inis ng makita ko sila. Kaya sinabihan ko yung kasama ko na magpa rinig! Basta, Ewan! Gusto kolang magparinig. Wala namang ano ano, at pumayag din agad sila!
Nang malapit na kami sa kanilang dalawang feel na feel yung landian moments nila, Agad namang umubo ubo yung dalawa kong friend dahilan para mapatigil sila.
"Ano ba yan? Mall naman to pero parang sumama agad yung hangin! Anyare?" Tanong ni Prezzy na nakataray pa.
"HAHA, Masanay kana besh. Dala lang naman ng malanding hangin!" Sabay tawa ng nakakainis.
BINABASA MO ANG
The Genius Bratinella With Her Prince [On- Going]
Teen FictionFRANCES LEE! Sya yung tipong babae na walang sinusukuan! Gusto nyang hindi sya talunan! Once nung makita nya yung lalaking nan reject sa kanya. Naging Mithiin na ni Frances na gantihan ito, Subalit hirap na hirap syang makaganti! Paano kaya iikot...