18. Blonde

28 4 0
                                    

Fiday ngayon. Mamaya pa yung klase ko. At dalawa lang! Nagising nako mga magtatanghali na. 2 oclock pa naman yung klase ko e. Anong oras pa kaya? Duh.

Katulad lang din ng mga nakaraang araw, ganon pa rin ngayon. Ano bang bago?

Nanonood lang ako ng tv. At nag fafacebook. Wala akong magawa e. Yung pinapanood ko? As usual, yung favorite kong girl group. Masyado mang childish pero wala e. Tinamaan talaga ako sa kanila. Sino sila? Sila lang naman ang Powerpuff Girls. Pakiramdam ko dun, ako si Blossom e.

"Anak? Dika pa ba kikilos dyan, anong oras na oh? Kanina pa may pagkain dito." sabi ni Mama.

Tumango lang ako sakanya at nakangiti. Nag wait sign din ako.

Na eenjoy ko talaga ang panonood ng Powerpuff Girls. Ewan koba?

Tumayo ako. Inunat unat ko yung katawan ko. Para nga akong tinatamad ngayon e? "Tss."

Habang kumakain ako, Naalala ko yung sinabi saken kahapon ni Drake. May gagawin nga pala kaming Performance bukas? Ba't sya pa kase yung partner ko. Wow talaga!

Nagbihis ako. Nag ayos! Paalis nako nang tawagin ako ni mama.

"Anak, Mag ready ka."

Kumunot lang yung noo ko. Diko maintindihan yung pinagsasasabi ni mamskie. Di na ko nakapagtanong about dun nang tawagin ako ni Yaya Mary.

Bago ako makapasok sa School may nakita akong isang babae sa labas. May inaantay yata. Tatanungin ko sana sya e nang papasukin na ako ng guard. Baka daw kase mag ditch pa ko ng class ko. Ano namang tingin saken ni Manong? Hays.

"Hi, Frances!" Sabi saken ng isang lalaki. Tumango lang naman ako.

"Hi po? Frances. Good Afternoon!" Sabi naman ng isang babaeng sophomore. Tinanguan kolang sya.

Sanay na ko sa mga ganto! Diko naman mapagkakaila pa. Famous naman ako dito sa Campus nato! Duh? Queen Brat yata 'to noh?

Nakapasok na ko ng room at nandon na yung terror professor ko. Shet naman! Ano nabang oras? Tiningnan ko yung relo ko. Aba! 10 minutes na pala akong late! How? Napasarap yata yung lakad ko.

"Hi po-oo, Mrs. Aquino? I'm so--" Diko na sya natapos nang may sumabay saken. Tekaa, yung boses na yon. Sya na namaan ba?

"We're sorry, we're late!" sambit nya. Napatango nalang ako sa sinabi nya. Kahit parang walang galang pa rin yung pagkasabi nya. Tinititigan lang kami ng professor namin. Apaka terror nya! Shete naman. Dukutin ko mata nya e! Psh. Nahinto rin sya sa pagtuturo sa mga kaklase ko. Baket ba? Na late lang naman. "Everyone deserves a second chance!" bulong ko. Mas nagulat ako nang sumagot sya. "Yes! You have your point Miss Lee! But in your case, you don't deserves a second chance!" Pagkaterror nyang sabi. "Better get out! Both of you." Sigaw nya saken, ay samin pala.

Napakagat nalang ako sa labi ko at napayuko. Second time, kona tong nangyare. Ano bang nangyayari saken? Dalawa nga lang yung klase ko ngayon aabsenan pa ko! "Tsk!"

Napatambay ako sa Canteen. Umorder ako ng paborito kong Chicken Burger at Mogu mogu! Ang malas ko naman talaga ngayong araw na'to! Napayuko na naman ako.

"Hi!"

Napakunot na naman yung ulo ko. Hi, tapos ano? Ifefriend mo ko. Tas, magsasama tayo lagi. Tas, lagi mo kong ililibre. Tas ano, magtetext tayo araw araw. Ichachat moko lagi. Magiging close tayo sa isa't isa. Mafafall ako sa'yo. Tas, sasaluhin mo naman ako. Tas, ayun na, magmamahalan na tayo. Mangangako ka saken na tayo yung tutupad ng Letseng Forever na yan! Tas, ano? Bibiguin mo din ako. Tas, magagalit ako sayo! Then, maghihiwalay tayo ng ganon ganon na lang. Sasaktan mo na naman ako. Che! Ayoko na ang hirap kaya masaktan! Alam mo yun?" pagkatapos kong masabi yon, Natauhan ako sa mga sinabi ko. Dali dali kong iniangat yung ulo ko. Nung pagkakita ko, napakagat agad ako sa labi ko. Sheez! He's so pogi. Kamukha nya yung idol kong Korean. Si BTS Jimin. Aaah! Gusto ko nang tumili. Ang puti pa nya. Yung lips nya medyo red. Yung buhok nya konting may red blonde. Napatayo agad ako.

The Genius Bratinella With Her Prince [On- Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon