19. Best Buddies!

28 5 1
                                    

Drake's Pov

"Seryoso? Nandito na sya?" Tanong ko kay Kyle. Pinsan ni Angelline! Yung ex girlfriend ko.

"Ba't ba sya nandito?" Tanong ko.

"Ewan! Ano, susunduin mo ba sya sa airport? Kung pupunta ka, dalian mo. Mga 30 minutes bababa na yung plane nila." sagot nya.

Diko na sya sinagot. Binaba ko na yung phone ko. Hahabol na lang siguro ako sa klase ko. Pano yung kay Frances? Ngayon ko ibibigay yung letter e. Hays!

"I'm so--" Diko na sya pinatapos kase ako na yung nagsalita!

"We're sorry, we're late!" sambit ko. Napatingin at napatango na lang si Frances. Ang kyut nya don. Pero syempre, umiwas agad ako para di mahalata yung feelings.

Nakatitig lang pala sa'min yung terror Professor namin. Di ko sya maintindihan? Ewan. Ang tagal nya kameng papasukin.

Tama nga pala yung hinala ko. Wala talaga kaming chansa makapasok na! Kase galit na pala yung terror prof namin dahil saken. Tsk! Tindi nya.

Umalis na ko sa tapat ng room. Ayoko pang mapahiya don. Baguhan pa lang ako e. Nagkatingin kame ni Frances, mga segundo lang yon. Sya yung unang bumawi ng tingin. Ang bilis talaga ng puso ko. Pag nagtitinginan kami.

Papunta na ko sa parking lot nang makita ko si Frances na may kasamang lalaki. Parang tinusok agad yung puso ko. Nagtatawanan pa sila. Sino ba yong lalaking yon. Aba! Umayos sya.

Patago ko silang sinundan. Papunta na silang room. Ako naman ay nagtatago sa likod ng lamesa sa labas ng room. Nag usap na naman sila! Matagal na ba silang magkakilala? Shet, naman. Ang bagaal ko talaga.

Pumasok na si Frances sa room nya. Nung pagharap nung lalaki tsaka ko pa sya namukaan. Si Lawrence pala! Yung tropa ko. Bat sya pa? Nilapitan ko sya.

"Bro, ba't nandito ka?" tanong ko.

"Ahh eeh, wala wala!" Pagmamaang maangan nya.

"Ah gano'n ba? Osige una nako." Sagot ko.

Matagal ko nang kilala si Lawrence. Bestfriend ko sya e simula bata pa lang kame. Ka business partner sila ng papa ko. Close na close kame non. Sya nga yung nag entertain saken dito sa PIU e. Ka team ko rin sya sa basketball, ka MVP ko din. Ganon kame ka close. Pero di nya pa alam ang lahat sa lovelife ko. Hahah!

Hindi na ulet ako pumasok sa next class ko. Pumunta ulit ako sa parkingan para umalis. Pinapasundo kase saken ni Kyle yung pinsan nya e. "Tsk!"

Nung makarating akong airport, dali dali agad akong bumaba at hinanap hanap sya! "San na bayon? Nakauwi na yata e." Bulong ko. Sa di kalayuan, nakita kona si Angelline. Wala paring nagbago sakanya! Niyayaya na sya ng butler nya. Diko na rin siguro sya lalapitan. Baka mag evolve pa sya sa pagiging tigre. Galit pa sya saken alam ko. Nasaktan ko sya. Sorry na lang siguro yung magagawa ko sa ngayon. Umalis na din sila, sinusundan ko lang yung kotse nila. Nakarating naman sila ng maayos. Pag baba ni Angelline, napatingin agad sya banda sa pwesto ng kotse ko. Tinitingnan nya ng maigi kung sino yung nakikita nya. Malakas ang kutob ko na madali nya akong makikilala. Malakas radar ng babaeng yon e. Umalis na rin ako sa kanila. Maggagabi na kaya umuwi na rin ako. Pagpark ko, may nakita akong lalaking nakatambay samin. Sino naman yon?

"Psst. Oy, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Di ko sya kilala. Nakayuko e. Narinig nya naman yung sinabi ko kaya tumayo sya. Si Lawrence lang pala.

"Oh, gabi na. Ba't ka nandito?" Tanong ko. "Tara, pasok." Inopen ko yung gate at tumambay kami sa garden.

"Inom tayo bro!" Aya ko. Walang ano ano kinuha nya na agad yung beer. "Nga pala, anong sadya mo dito?"

Nagkibit balikat lang sya. "Wala!" Tugon nya.

The Genius Bratinella With Her Prince [On- Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon