Prologue:
"Master we must go back to the palace. Everyone is expecting that you will back today."
Hindi ko pinansin ang aking assistant. Patuloy pa rin ako sa pagtitig sa puntod na nasa harapan ko. Puntod ng tanging babaeng minahal ko ng lubos lubusan sa tanang ng buhay ko. Sobrang sakit ng aking nararamdaman ngayon dahil sa kanyang pagkawala.
"Alam ko na masakit pa rin sa'yo ang pagkawala niya pero hindi dito natatapos ang buhay mo." napahawak siya sa balikat ko. "Sa tingin mo ba matutuwa siya sa ginagawa mo lalo na't alam mong may tungkulin kang dapat gawin at kailangan ka ng nasasakupan mo."
Napatingin ulit ako sa puntod ng aking mahal. Why did you leave me? My life is nonsense since you're gone.
"Master do you believe in reincarnation?"
Napatingin ako sa aking assistant. "Hindi. Bakit mo natanong iyan?"
"Dumapo lang sa aking isipan. Hindi ba't ang reincarnation ay muling pagkabuhay ng isang namatay sa pamamagitan ng bagong pagkatao."
Nagulumihanan ako sa sinabi niya. "Ano ba ang pinagsasabi mo?"
"Maaaring mabuhay siyang muli sa pamamagitan ng reincarnation. Mapapalitan ang kanyang katauhan pero siya at siya pa rin..."
Napatingin ako sa puntod niya. Totoo kaya iyon? Maari pa kaya kami magkita ni...
BINABASA MO ANG
The Vampire's Love One (Completed) [Under Editing]
VampireCassiopea Nakahara, isang babaeng tao na may kakaiba palang nakaraan at kasama na roon ang umibig sa isang bampirang nagngangalang Zafiel. Ano kayang mangyayari kung hanggang sa buhay niyang ito ay nandyan pa rin ang bampira na pumatay sa nakaraang...