Chapter Twenty-four

1K 43 0
                                    


Chapter 24:


Cassiopea Nakahara:



Unti unting kong dinilat ang aking mata at bumungad sa akin ang isang pamilyar na kwarto. "Nasaan ako?" tumayo ako sa kinahihigaan ko at pinagmasdan ang kwartong kinaroroonan ko. Lumabas ako ng kwarto para malaman ko kung nasaan ako. I don't know where I am but one thing bothering me right now. Bakit pamilyar sa akin ang bahay na ito o mas tamang tawagin na isang palasyong bahay?


Naglakad lang ako at na parang alam ko ang pupuntahan ko. May isang hallway akong dapat lalagpasan nang biglang nag-flash ang isang scenario na naglalakad ako papunta doon kaya agad naman akong naglakad sa hallway na iyon. Isang pintuan ang tinutumbok ng hallway na iyon. "Kanino kayang kwarto ito?"


Pinihit ko ang seradura ng pinto at bumukas iyon. Nakadama bigla ako ng excitement. Agad akong pumasok at bumungad sa akin ang isang kwarto na may mga telang nakatakip sa mga gamit. Dahil sa dala na rin ng curiosity ay pinagtatanggal ko ang mga telang iyon. Musical instrument like guitar, sofa isang upuang kahoy at painting paraphernalia.


"Bakit may ganito dito?" Pinagtatanggal ko pa ang ibang mga tela. Pulos mga tapos na canvass ng painting and one thing caught my attention. A portrait painting of Zafiel. I touch the painting like I really touch his cheeks. Napapikit ako. Bakit ba ako nakakadama ng ganito? Feeling ko in love ako kay Zafiel. Pero may boyfriend ka Cassiopea at siya ang mahal mo.


"Meow."


I look down. A familiar cat. Unti unting nanlaki ang mata ko. "Akira-chan!"


Umupo ito sa harapan ko. "Meow."


Agad ko siyang kinarga at niyakap. "Bakit ka nandito Akira-chan? Sobra kitang na-miss." Isang meow lang ang sinagot sa akin ng pusa ko.


"You see her."


Napalingon ako sa nagsalita. "Zafiel." Bulong ko.


"It's a good thing na gising ka na Sweetheart." Lumapit siya sa akin.


"Mukhang na-miss mo kaagad ako ah."


Nalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Zafiel na nasa harap ng painting na ginagawa ko. May karga karga itong pusa. "Paano ka nakapasok dito?" lumapit ako sa kanya at kukunin ko sana ang canvass ko nang na-realize ko na ang mukha ni Zafiel ang pinipinta ko kanina pa. "Hindi kita namimiss noh. Assuming ka." naramdaman ko na uminit ang pisngi ko.


Tumawa lang ito ng mahina kaya inirapan ko siya. "Ang galing mo pa rin magpinta."


Napatingin ako sa kanya sabay kunotnoo. "Paano mo nalaman na nagpi-paint ako?"


Nagkibitbalikat lang ito. "Do you remember this cat?" iniharap niya sa akin ang pusang karga niya.

The Vampire's Love One (Completed) [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon