Chapter Fifteen:
Cassiopea Nakahara:
"Uhm..."
Tinapik ko ang mukha niya. "Zafiel?" I wish he will answer my question. Gusto ko lang malaman kung sino siya.
"You know what Sweetheart, we—"
"Kuya may nakuha na akong information about—whoah! Sorry kung nakaistorbo ako."
"No Adelaine." he touch my cheeks. "Sweetheart pwede bang iwan mo muna kami ng kapatid ko. May pag-uusapan kaming importanteng bagay."
I just nod. Hindi niya nasagot ang tanong ko dahil dumating ang kapatid niya. Wrong timing naman si Adelaine. "Can you answer my question later?"
"Yes Sweetheart." Hinalikan niya ako sa noo.
Naglakad na ako paalis ng library. Ano kayang importanteng bagay ang pag-uusapan nila para hindi niya sagutin ang tanong ko? Importante naman ang tanong ko ah. Maybe, maglilibot na lang ako dito tutal may hindi pa ako napupuntahang lugar dito sa palasyo.
Isa isa kong binubukas ang mga pintuang nadadaanan ko para malaman ko kung ano ang nasa loob nun. Well lahat ng binukas kong pintuan ay bakanteng kwarto. Kunsabagay hindi naman lahat ng kwarto dito ay ginagamit kaya bakante halos lahat sa floor na ito except syempre sa room ko, room ni Zafiel at library. Siguro ang dami ring mumu dito.
"Hay Cassiopea wag mo nga takutin ang sarili mo." Pupunta na lang ako sa room kung saan nakita ko ulit si Akira-chan. Tutal may karapatan naman akong gamitin iyon sabi ni Zafiel.
"Sigurado kang ito na ang napili mong lugar para sa pagpinta?"
"Oo naman Mahal."
Napahawak ako sa ulo ko. Sumakit bigla dahil sa nag-flash sa mind ko. Ano bang nangyayari sa akin at palaging sumasakit ang ulo ko. Palagi na lang na may sumasagi sa isipan ko na parang mga scenario na kasama ko si Zafiel. Na para bang nagkakilala na kami noon pa. "Sino k aba talaga Zafiel?"
Zafiel Luxembourg:
"So ano na ang nakuha mong impormasyon?" Tanong ko kaagad kay Adelaine pagkalabas ni Cassiopea. Umayos ako ng pagkakaupo. Mabuti na lang at dumating ang kapatid ko dahil hindi ko alam kung paano ko sasagutin si Cassiopea sa tanong niya.
"Kuya..."
"Ano Adelaine?" Bakit parang kinakabahan ito na sabihin kung ano ang nakalap nitong impormasyon.
"Kuya si Ate Cassy."
"Ano?" Naiinis na ako sa kapatid ko. "Bakit ba hindi mo sabihin ang mga nalalaman mo?"
"K-Kuya ano kasi... Wala pa akong nakukuhang impormasyon tung—"
"I know you have some information Adelaine. I read it on your mind."
Napabugtong hininga ito. "Kuya babalik ang alaala ng nakaraan at kulay ng buhok nila kapag nag-reincarnate sila kapag nandito sila sa mundo natin."
"Kung ganoon unti unting bumabalik ang alaala ni Cassiopea dahil nandito siya sa mundo natin?"
Tumango ito. "Kaya Kuya you need to tell her about us bago pa siya ang unang makaalam tungkol sa atin at katakutan niya lalo tayo."
"Paano ko naman sasabihin sa kanya? Baka magpilit siyang bumalik sa mundo ng tao."
"No kuya! Dapat dito na siya habangbuhay. Ayoko na makita kang malungkot at masaktan na naman ulit!"
Napa-face palm ako. "Kanino mo nalaman iyan?"
"Sa amang hari ni Ate Cassy." Umupo ito sa kaharap kong upuan. "Kuya you need to marry her soon and convert her into a vampire."
"Bakit ko naman mamadaliin iyan?"
"You know about Milosk, Kuya. Anytime he can take away Ate Cassy to you."
Napahigpit ang kapit ko sa mesa. Hindi ko hahayaang magawa iyon ni Milosk. Patayin niya muna ako bago niya makuha sa akin ang babaeng mahal ko. Akin lang si Cassiopea.
"Kuya I'm hoping you'll say about your past with her. Nasa Queen room siya ngayon." At naglaho na lang ito sa harapan ko.
Huminga muna akong malalim. Mukhang may hindi pa sinasabi si Adelaine sa akin dahil parang balisa ito nang sabihin nito sa akin ang tungkol sa reincarnation ng mga Avernos. Gusto kong malaman ang iba pa nitong nalalaman kaso sarado ang isipan nito.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Love One (Completed) [Under Editing]
VampireCassiopea Nakahara, isang babaeng tao na may kakaiba palang nakaraan at kasama na roon ang umibig sa isang bampirang nagngangalang Zafiel. Ano kayang mangyayari kung hanggang sa buhay niyang ito ay nandyan pa rin ang bampira na pumatay sa nakaraang...