Chapter Two:
Cassiopea Nakahara:
Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata. Nasaan na ako? Nasa langit na ba ako? Umupo ako at tiningnan ang nasa paligid ko. Para akong nasa isang kwarto ng isang royalty sa ayos ng kwartong ito. Ganito ba ang ayos dito sa langit? Ang ganda naman kaso ayoko pang mapunta dito. "Paano na si Daddy? Kuwawa naman siya." napayuko ako at tumulo ang luha ko. Luha? Paanong lumuluha ako eh dapat di na ako umiiyak dahil nasa langit na ako. Pupunasan ko na sana ang luhang tumulo sa pisngi ko nang maramdaman kong may nakahawak sa kamay ko. Nanlaki ang mata ko dahil sa isang lalaking nakayuko sa gilid ng kama ko at nakahawak pa kanang kamay ko. "Aaaaaaaah!" sigaw ko at nagmamadali akong lumayo sa lalaking halatang naalimpungatan dahil sa sigaw ko. "Sino ka? Si San Pedro ka ba?"
Napakunot noo ang lalaki. "Sino si San Pedro?"
"Hindi ba ikaw?" at tinuro ko ang lalaki. Bakit ba nakaitim ito? 'Di ba sa langit ay puros puting damit ang suot ng mga tao?
Napasimangot siya. "I'm not San Pedro."
Oo nga naman. Hindi mukhang si San Perdro itong lalaking ito. "Eh sino ka?"
Lumapit siya sa akin. "Don't you remember me?"
Unti-unti akong lumayo sa kanya. "Duh, ngayon nga lang kita nakita malamang hindi kita kilala."
"You're joking, right? Well it's not funny." Seryosong sabi niya na nagpakilabot sa akin. Kakaiba ang way ng pagtingin niya sa akin.
"Sa tingin mo ba nagbibiro ako, ha? Eh totoo naman yung sinasabi ko Mr. Who-ever-you-are." Peke akong tumawa para mawala ang kaba ko.
"I think you're serious right now. Try to think who I am."
Napa-face palm ako ng wala sa oras. Hindi ba nito naintindihan na hindi ko siya kilala tapos ipapahula niya sa akin kung sino siya? Ano ito? Lokohan? Tumayo ako sa higaan at naglakad papunta sa pintuan.
"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ng lalaki.
"Hahanapin si God bakit sasama ka?" sagot ko kaagad sa kanya. Gusto ko makita si God at nang masumbong ko sa kanya na pinagtitripan ako ng lalaking 'to. Hindi magandang asal iyon.
"God? You think that you're in heaven now?"
"Malamang sa heaven ako mapupunta noong namatay ako, duh mabait na bata kaya ako. Nasa langit naman ako, 'di ba?" nag-aalinlangan kong tanong sa kanya. Dahil base sa kanyang sinabi kanina ay mukhang wala ako sa langit. God please huwag Niyo po ako idala sa hell. Hindi naman po ako naging masama sa buhay ko.
"Wala ka sa langit."
Nanlaki ang aking mata. "Ano? Na—"
"At wala ka rin sa impyerno kaya 'wag kang mag-alala dahil buhay ka pa."
"What?" pasigaw kong tanong. Is he joking or not. "Kung buhay pa ako then where in the world Am I right now?"
Napadekwatro ito ng upo sabay tingin sa mga kuko nito sa daliri. "Hulaan mo."
Napa-face palm na naman ako. "Nagbibiro ka ba? Well Mr. Who-Ever-You-Are I just want to inform you that its not funny." Panggagaya ko sa tono ng sinabi niya kanina.
"Am I look like I'm bluffing on you right now?" seryosong sabi niya sa akin.
Tumango ako. "Yes Mister." Taas noong sagot ko.
"Well I just want to inform you too Missy that I'm not joking."
"Then where the world am I right now?" naiiritang tanong ko sa kanya.
"Try to discover it by your own."
"What?" ano bang sumapi sa utak ng lalaking ito at ayaw sabihin kung nasaang lupalok ng mundo ako ngayon? Nag-aalala na si daddy dahil hindi pa ako umuuwi.
"And by the way I'm happy to say this to you, you will never ever leave this place so don't bother to think where the world you are Cassiopea." Then bigla siyang nawala sa harapan ko.
How did he know my name? And what the! Paanong biglang nawala sa harapan ko ang lalakking iyon?
BINABASA MO ANG
The Vampire's Love One (Completed) [Under Editing]
VampirCassiopea Nakahara, isang babaeng tao na may kakaiba palang nakaraan at kasama na roon ang umibig sa isang bampirang nagngangalang Zafiel. Ano kayang mangyayari kung hanggang sa buhay niyang ito ay nandyan pa rin ang bampira na pumatay sa nakaraang...