Chapter Twenty-seven

1K 36 0
                                    



Chapter 27:



"Bakit ba pinipilit mo magpinta? 'Di ba ayaw mo sa pintura?"


Napalingon ako sa kambal dahil sa sigaw ni Zild. Nanlaki ang mata ko nang kunin ni Casiel ang paint brush kay Zild at tinulak ito. "Casiel!" Agad akong lumapit sa kanila at inalalayang tumayo si Zild. "Bakit mo tinulak ang kapatid mo?"


"Kasi po ayaw niya ako mag-paint." Napasimangot na sagot ni Casiel sa akin.


Napakunotnoo ako. "Akala ko ba ayaw mo magpinta? Sabi mo sa akin ayaw mo ng amoy ng pintura, bakit ngayon gusto mo na mag-paint? Ayaw mo na bang gumawa ng bracelet?"


"Ayoko po nun! Wala naman akong doon. Gusto ko mag-paint!"


"Casiel ang bad mo!"


"Tse! Hindi kita kausap!" Sabay irap ni Casiel kay Zild.


"Casiel!" Sita ko kay Casiel. "Say sorry to your kuya."


Napayuko ito. "Sorry kuya."


Napakunotnoo ulit ako. Ngayon ko lang narinig na nagsabi ng kuya si Casiel kay Zild.


Agad na lumapit si Zild kay Casiel at niyakap ang kapatid. "That's okay. Basta 'wag mo na uulitin iyon ah?"


Tumango si Casiel kay Zild.


Pinagmasdan ko ang anak ko. Nahalata kong maraming nagbago kay Casiel simula nang nawalan ako ng malay sa kwarto nila. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon. Napabuntong-hininga na lang ako. "Twins do you want to eat cookies?"


"Yes Mama!" Sabay na sabi ng kambal kaya tumayo kaagad ako at dumeretso sa kusina. Nakasunod sila sa akin. Naglagay ako ng cookies sa dalawang pinggan. Chocolate chip cookies kay Zild at sugar cookies para kay Casiel dahil iyon ang gusto nilang dalawa. Ayaw ni Zild sa sugar cookies at si Casiel naman ay chocolate chip cookies. Nagtimpla rin ako ng gatas para sa kanila. Kahit bampira sila, mahilig pa rin sila sa mga kinakain at iniinom ng isang normal na bata.


Kinarga ko silang dalawa paupo sa upuan at inabot sa kanila ang pinggan na may cookies pati na rin ang gatas nila. Kinuha ko ang laptop ko at pinagpatuloy ang ginagawa kong proposal. Tumabi ako kay Casiel at nahalata kong hindi kumakain si Casiel. "Baby I thought you want to eat cookies."


"I don't like sugar cookies. I want chocolate chip cookies and ayaw ako bigyan ni Zild." Naka-pout na reklamo ni Casiel.


Napakunotnoo ulit ako. "Hindi ba ayaw mo sa chocolate chip cookies?"


"I want to eat chocolate chips cookies. It's looks delicious."


"Zild share your cookies to your sister." Then I back my attention on my proposal.

The Vampire's Love One (Completed) [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon