Chapter Five

1.6K 76 1
                                    


 Chapter V


Cassiopea Nakahara:



Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang matulis na pangil ng lalaki. Bampira ba itong lalaking nasa harapan ko? Paanong nagkaroon ng bampira dito?


Habang naglalakad ang lalaking bampira sa akin ay paatras naman akong naglalakad. "Magandang binibini huwag ka nang lumayo pa." Nakangising sabi nya.


Naramdaman kong nakasandal na ako sa dingding na bush. Dead end na. Tumawa ng malakas ang lalaki.


"Sinabi ko na sa iyo na huwag ka na lumayo." mabilis siyang lumapit sa akin. "Dahil wala ka nang kawala."


Lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Diyos ko mamatay na ba ako? Hindi ko pa po kaya. Gusto ko pa po makasama si Daddy. "Ang bango ng dugo mo." Papalapit na ang mukha nito sa leeg ko. "Ang bango bango." Inamoy amoy nito ang leeg ko.


Biglang nanindig balahibo ko sa ginagawa ng nilalang na ito. Napapikit ako ng mariin. Nararamdaman ko ang pangil nito sa leeg ko. Ayoko pa mamatay. "Zafiel." Tangi kong nasabi habang hinihigop na ng nilalang na ito ang dugo ko. Sobra na akong nanghihina dahil parang nauubusan na ako ng dugo.


Biglang nawala sa harapan ko ang lalaki at nakita kong sinasakal na ito ni Zafiel. "Zafiel." Bulong ko ulit sa pangalan niya bago ako nawalan ng malay.


***


Unti unti akong dumilat. Sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni Zafiel. "Nasaan ako?" Tanong ko sa kanya.


"Sa kwarto mo?"


Nanlaki ang mata ko. "Sa kwarto ko?"


Tumango ito.


Ako naman ay biglang napaupo. "Nasa bahay na ba ako? Nasaan si Daddy?"


"Wala ka sa inyo Cassiopea."


Nalungkot ako sa narinig. Umasa ako sa wala.


Inalalayan niya akong humiga. "Sweetheart you need to take a rest. Maraming dugong nawala sa iyo."


"Maraming nawalang dugo?"


"Oo. Maraming nawalang dugo sa iyo."


Napakapit ako sa braso niya. Bumalik ang takot na naramdaman ko noong nasa harapan ko ang isang bampira. "H-huwag mo akong iwan Zafiel. Baka nandyan siya." Tumutulo na ako luha ko sa takot. Takot na baka makakita ako ulit ng bampirang katulad nun.


"Ssshh. Huwag ka nang umiyak. Wala na siya. At hindi kita iiwanan dito. Kaya matulog ka na, okay?"


Tumango ako.


"Good." Hinalikan niya ako sa noo. "Sleep now Sweetheart."


Unti unti ko nang pinikit ang aking mata na parang tinatangay ulit ako ng antok.


***


Sa muli kong pagdilat ay wala nang Zafiel na nasa tabi ko. Nasisinagan na ng araw ang aking mukha na naging dahilan kaya ako nagising. Wala nang dextrose sa braso ko. May konting pale ang aking skin. Nasaan ba si Zafiel at iniwan ako dito?


Tumayo ako at lumapit sa bintana para hawiin ang kurtina.


"Sh*t Ramona! Close the window! Mamatay ako sa ginagawa mo!"


Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Zafiel na umuusok. Na parang nasusunog kaya bigla kong nabitawan ang kurtina. Kumalat ang dilim sa loon ng kwarto.


Nagmamadali akong lumapit sa kanya. "Zafiel are you okay?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.


"Yeah. Sunburn lang ito."


  "Are you sure na okay ka lang? Gusto mo lagyan natin ng cream 'yan? Or gusto mo samahan kita sa kakilala kong dermatologist?" Sunod sunod kong tanong sa kanya dahil sa sobrang pag-aalala ko sa kanya. Para kasing sobra sobra siyang nasasaktan ngayon at ewan ko ba kung bakit sobra sobra akong nag-aalala sa kanya.


"I'm okay Cassiopea. No need to worry."


"But---"


"Look Cassiopea, I'm fine. Those sunburn in my skin are gone." Pinakita niya sa akin ang braso niya. Tama siya, wala na ang sunburn.


"Paanong nawala kaagad ang sunburn sa skin mo?"


"It's a long story." Tumayo na siya. "Let's go. I know na gutom ka na."


Sasabihin ko sana na hindi pa ako gutom kaso hindi sumang-ayon ang sikmura ko. "Okay." Sabay abot ko sa kamay niya.


"By the way I have a question to you Zafiel."


"Ano?"


"Sino si Ramona?"

The Vampire's Love One (Completed) [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon