Chapter Twenty-nine: Finale

1K 37 0
                                    


Chapter 29:



"No. My heart beats only to the man I love."


Nasaktan ako sa nasabi ni Cassiopea. Tuluyan nang nilamon ng love potion ang puso't isipan ni Cassiopea. "Cassiopea ako talaga ang nilalaman ng puso mo. Huwag mo na ulit kaming iwan ng dalawa nating anak."


Unti-unting nawala ang galit sa mukha ni Cassiopea. "Huwag iwan ulit."


Bago pa ako makasalita ay bigla akong tinulak ni Ace at napunta ako kina Selestina. Agad na niyakap nito si Cassiopea.


"Your Highness I'm sorry." That was a mind message. Tumutulo ang luha ni Selestina. Marahan niyang hiniga si Casiel sa sahig at inalalayan niya akong umupo.


"It's okay, I know you do this because of your sister." Napatango si Selestina sa akin. Nang tingnan ko si Cassiopea ay magkayakap pa rin sila sa isa't isa at nakatingin siya sa amin.


"Hindi ko po alam na gagana ang spell. Kinontra ko po kaagad ang spell pero hindi po gumana."


"Do your best para matanggal ang spell. Ako ang bahala kay Ace."



Cassiopea Nakahara:



Pagdilat ko ay pulos puti ang nasa paligid ko. Walang ni isang gamit. Nasaan ako? Bakit ako nandito?


"Cassiopea..."


Si Zafiel. Sinundan ko ang boses niya na paulit-ulit akong tinatawag hanggang sa isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa akin. Agad akong pumikit at pagdilat ko ay nasa harapan ko sina Zafiel at Ace. Bigla akong nakadama ng galit kay Zafiel kaya agad ko siyang hinawakan sa kwelyo at tinulak papalayo sa amin ni Ace. Nakadama ako ng sobrang pagkasabik at pag-aalala para kay Ace. "Did he hurt you?"


Umiling si Ace. "No."


Napangiti ako at nakahinga ng maayos. "Mabuti naman kung ganun." At niyakap ko siya.


"Hah! Hindi mo akalain na ang dakilang sorceress pa ng kaharian mo ang nagtaksil sa'yo! Masayang masaya ako na nakikita kang nasasaktan. Gusto kong ipalasap sa iyo ang sobrang sakit na naramdaman ko noong panahong inagaw mo sa akin ang babaeng mahal ko."


Alam ko ang ibig sabihin ni Ace pero wala akong pakialam doon basta masaya ako sa yakap ni Ace. Bigla akong na hinalikan ni Ace kaya gumanti ako ng halik sa kanya. Iyon ang sinasabi ng boses sa isip ko.


Nilapit ni Ace ang bibig niya sa tenga ko. "Patayin mo siya. Ang lalaking iyan ang hadlang sa pagmamahalan natin."


Bigla akong nakadama ng galit kay Zafiel. Agad ko siyang sinugod at binigyan ng sunod-sunod na suntok at tadyak. Damang-dama ko ang galit pero may nagsasabi sa aking itigil ko ang ginagawa ko.

The Vampire's Love One (Completed) [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon