Chapter Eleven

1.4K 54 1
                                    



Chapter Eleven:


Cassiopea Nakahara:



"Sena ano ba ang bagay sa akin na damit?" Pinakita ko kay Sena ang mga dress na binili ko noong nag-mall kami. Ay hindi pala ako ang bumili, si Adelaine pala.


Napakamot sa ulo si Sena. "Your Highness hindi po ako magaling sa mga ganyan eh."


Napasimangot naman ako. "Paano na iyan, hindi rin ako magaling sa mga bagay na ito." Umupo ako sa kama. First time kong magdi-dinner date na ginusto ko. Na hindi desisyon ni Daddy. Pagnakikipag-dinner date kasi ako sa mga anak ng business colleague ni Daddy hindi ako nagpi-prepare. Suot ko lang is plain t-shirt and jeans. Bakit naman ako magpapaganda sa kanila? Type ko ba sila. Karamihan nga sa kanila pervert. Grabe!


"Alam ko na po Your Highness."


"Ano?"


"Si Princess Adelaine po ay magaling sa mga fashion chuchu."


"Oo nga noh." Tumayo ako. "Pakitawag naman si—Sena nasaan ka na? Biglang nawala 'yun." Napabuntong hininga ako. Mukhang ako na lang ang pupunta kay Adelaine. "Waaaaah!" Napahawak ako sa dibdib ko. Paano naman kasi pagbukas ko ng pintuan si Adelaine ang bumungad sa akin.


"I'm sorry Ate Cassy. Kakatok na ako nang buksan mo ang door."


"Hehehe no need to say sorry."


"Ate Cassy, pinapapunta mo raw ako dito sabi ni Sena?"


Tumango ako.


Bumaha ang pag-aalala sa mukha nito. "Is there any problem?"


"Ah oo. Super laki ng problema ko."


"A-Ano? May nangyari bang masama sa iyo? Gusto mo papuntahin natin dito si Kuya Zafiel."


Natawa ako sa pinagsasabi ni Adelaine. "Walang nangyari sa aking nasama so no need to call Zafiel."


"Eh anong problema mo ba?"


"Problema ko ay kung ano ang susuotin ko sa dinner date namin ng kuya mo mamaya. First time ko kasing magkaroon ng dinner date." Nakadama ako ng hiya. Paano naman kasi ang anak ng isang Akihito Nakahara ay hindi marunong sa mga ganitong bagay.


Tumawa si Adelaine. "Iyan lang naman pala ang problema mo eh. Leave it to me Ate Cassy."


-----------


"Ate you are so beautiful."


Nailang ako sa sinabi niya. Am I really beautiful right now? Parang na-conscious ako sa mukha ko ngayon. "Are you sure on what you saying?" Baka kasi niloloko lang niya ako dahil siya ang nag-ayos sa akin. Siya din ang pumili ng dress na suot ko ngayon.

The Vampire's Love One (Completed) [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon