Starting Over Again- Episode VII

3.4K 53 0
                                        

Jelou's POV

Kakarating lang namin sa company nina Sam, actually kaya siya andito kasi siya na ang mag mamanage ng company nila dito sa Pinas. Hindi ko alam kung bakit dito niya pa gusto e noon nga sa Paris mas gusto niya doon lang siya pero nagbago na ang lahat eh

"Sweety.. gusto ko sanang dito tayo ikasal, okay lang ba sayo yun?" napatingin ako sa kanya. KASAL? Tama ba ang narinig ko? Handa na ba ako dun? Paano si Ken-- aish bakit ko ba siya iniisip? Oo nga't nakapag-usap na kami pero mali eh, ikakasal na nga ako oh... 

"Hmm okay lang din sa akin yun babe.." wala na din naman akong magawa kasi desisyon ko to noong una pa lang.. Noong mga panahong.. bumalik sa ala-ala ko ang mga sakit na naransan ko noon.

Tama nga sila..

Don't make decision when your happy or sad.. You might regret it in the future...

but.. Nagsisisi ba ako na tinanggap ko ang alok niyang kasal?

"Sweety?"-Sam

"Huh?"-me, tinignan ko siya.. Masaya siya na nakikita ako.. Kaya ko lang naman siya sinagot noon dahil natatakot akong maging malungkot ang masasayang mata niya. Kinakain ako ng konsensiya ko. I know isa lang ang ibig sabihin ng pagmamahal na meron ako sa kanya.. PITY oo naawa ako sa kanya noon.. Pero nagbago yun.. nung mga panahong... pinapahalagahan niya ako. Minahal ko siya, OO pero hindi ko inaasahan na may puwang parin sa puso ko si Kenneth pero hindi ibig sabihin nun na si Kenneth na talaga ang mahal ko. Kung titimbangin ang pagmamahal ko sa kanila... Pareho lang sila.. Kumbaga 50/50 ang pagmamahal ko sa kanila pero hindi naman kasi nahahati ang love.. Hindi naman kasi pwede yung 25% kay Sam, 25% kay Kenneth, 25% kay God at 25% sa sarili at pamilya ko. Hindi naman kasi yun pwede eh. Kailangan Mas lamang ang sarili mo at isa lang ang idadagdag mo na pwedeng maging sayo habang buhay.

"Sweety, meron ka bang problema? Kanina kapa hindi nakikinig sa akin" for the second time napa 'huh' na naman ako kay Sam.

"Tinatanong ko sayo kung ano ang motif ng wedding natin" napa 'AHHH' naman ako this time.. 

"Ewan ko babe, titignan ko na muna" may pumasok na babae na sa tingin ko wedding planner namin. 

"This is Jane our wedding planner and my classmate way back in highschool" nakipagkamay ako kay Jane ganun na din siya sa akin.

"Pero diba sabi ko sayo, ako ng bahala sa wedding natin? Kaya ko naman eh" sabi ko sa kanya.. Ano pa't isa akong party organization or designer kung hindi din naman ako mag-aayos sa sarili kong kasal?

"But sweety gusto ko kasi na makapagpahinga ka naman okay? Maganda kasi kung yung iba naman ang magdesign para bago at surprise" nagkibit balikat na lamang ako. Hindi ko talaga gusto ang idea niya pero wala din naman akong magagawa yun ang gusto niya eh.

Habang nag-iisip ako ng motif namin hindi ko parin maiwasan isipin si Kenneth.. He ask for second chance.. gusto ko siyang bigyan pero hindi na din pwede... I am getting married.

"Babe, gusto ko kulay green yung motif natin tapos para siyang butterfly wedding. Pwede naman yun diba? Lalagyan natin ng butterfly sa loob ng simbahan tapos sa reception ganun din gusto ko yung wedding gown ko naman ay may mga butterflies din basta gusto ko yung butterfly motif" pinanindigan ko na. Akin naman tong kasal diba? Kaya dapat gawin ko na.

"Sure sweety.. so Church butterfly wedding ang kasal natin? Okay din yun sa akin.." isinulat na nung wedding planner yung mga sinabi ko. Umalis saglit si Sam kaya kami na lamang dalawa ni Jane ang naiwan.

"Alam mo bang ngayon ko lang nakita si Sam na masaya?" napa 'huh' ako ng magsalita siya

"I mean noon kasing highschool kami hindi yan pala-imik, laging mag-isa yan, ngayon ko lang siya nakitang ngumingiti and it's because of you. Masaya ako kasi sa wakas he found someone who can make him happy, ito lang ang gusto kong itanong sayo... Do you really love him?" napanagnga ako at the same time napa-isip... Do i really love him? Kanina pa yan sa isip ko. Paano si K-- bakit ba puro Kenneth nalang ako? Is it mean na mahal ko pa talaga siya? NO hindi eh.. si Sam ang mahal ko.. Oo si Sam ang mahal ko at wala ng iba. Siya lang.

"Yes.. i love him and i really do, hindi ako magpapakasal sa kanya kung hindi ko siya mahal" sabi ko sa kanya at ngumiti. Yes, i said that with sincere. Mahal ko si Sam at ang nararamdaman ko para kay Kenneth ay isang kaibigan na pagmamahal na lamang. Importante siya sa akin pero mas importante sa akin si Sam. Ngayon naintindihan ko na.. Hindi ako nalilito, sadyang nililito ko lang ang sarili ko.

"Oh well, maganda naman at mahal mo talaga siya, so Congrats then.. I'm happy to the both of you" tumayo na siya at umalis. Naiwan akong mag-isa pero masaya.. Malinaw na sa akin ang lahat.. si Sam na ang mahal ko at siya lang ang mamahalin ko. Wala ng iba. 

Maybe Kenneth can be a good friend of mine but just a plain FRIENDSHIP ang maibibigay ko sa kanya. He knows na ikakasal na ako at hindi naman siya umanggal nun. 

"Sweety?" napangiti ako ng marinig ko ang boses niya, agad akong tumayo at lumapit sa kanya tapos niyakap siya.

"Hey hey sweety what's wrong?" umiling ako.

"Nothing babe, na miss lang talaga kita ng sobra.. I love you" narinig ko siyang tumawa pero agad naman niya akong niyakap ng mahigpit.

"I love you too sweety.. I can't wait to marry you" ibinaon ko lang ang mukha ko sa chest niya.

This time I am sure na siya na.. Siya na ang taong mag-aalaga sa akin panghabang buhay.. I know that.. Maybe I have doubts in me pero iba parin yung alam mo na ang totoong nararamdaman mo...

Kenneth's POV

Kausap ko ngayon nag isa sa mga barkada ko.. si Jared... loko-loko din to eh, babaero na nga manyak pa.. Ewan ko ba diyan. Kakadating niya lang galing America at ngayon may girlfriend na ata si Irish ba yon? Argh!! Ewan ko..

"Oh bro, problema?" tinignan ko siya ng masama. Kanina nakwento ko sa kanya ang lahat-lahat dahil hindi niya alam ang tungkol sa amin ni Jelou, umalis na kasi siya nung mga panahong naging kami ni Jelou eh... 

"Ewan ko sayo.. Kanina pa ako kwento ng kwento hindi ka naman pala nakikinig" sabi ko sabay inom ng inorder kong Black Velvet.

"Alam mo kasi bro, Ang babae pagkatapos ng breakup, malulungkot, iiyak, heartbroken. Nauuna yung lungkot bago yung saya. Hindi katulad natin na masaya muna tapos malulungkot. Pero ang babae once maka-move on yan, hindi mo na mababalikan pa. Kaya kadalasan tayo yung bumabalik at naghahabol. Kasi nun palang natin marerealize kung ano yung nawala sa atin." napatingin ako sa kanya.. Kaibigan ko ba talaga to?

"Anyare sayo?" pinipigilan kong tumawa... Kasi naman napakaseryoso niya eh

"I have this ex of mine na sobrang pinagsisihan ko kung bakit ko siya pinakawalaan kaya nga this time gagawin ko ang lahat maging kami lamang ulit.. Maging akin lang siya gagawin ko yun..." napapailing ako sa kanya.. May girlfriend na nga naghahanap pa ng iba.. Tsk-tsk. 

Starting Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon