**
"All passenger from Paris.. WELCOME to the Philippines" napangiti ako ng makita ko ang manila... Kung ano ang iniwan ko ganon parin ito ngayon..
"Jelou tara na" sabi sa akin ni Honey. Tumango ako at naglakad na papuntang taxi... Didiritso kami sa bahay KO.. Walang bahay si Honey dito kasi ibinenta na niya pero ako pinaalagaan ko lang ito sa mga maids ko.
Habang papunta kami sa bahay kinuha ko ang sketch pad ko at nag design ng isang cocktail dress. February ngayon at alam ko na marami ang nangangailangan ng ma cocktail dress o kaya gown para sa JS Prom nila.
Ginawa kong inspirasyon ang mga nakikita ko ngayon.. Maraming nagbago pero hindi ang lugar kundi ang mga tao..
"Nako naman Jelou, kakadating lang natin sa Pinas trabaho agad? Di ba pwedeng iwanan mo muna iyan?" natatawa nalang ako sa lintanya ni Honey. Kahit kailan talaga..
"Ay wait lang" sabi ni Honey ng tumunog ang phone niya..
"Hello Anna? Oo kasama ko siya... talaga?.. sige sasabihin ko sa kanya... sige bye..." pagkatapos ng tawag agad namang lumingon sa akin si Honey..
"KYAHHHH.... Ms. Alonso want to see you" sabi niya na ikinagulat ko..
ALONSO...
Hindi kaya si Ate Aira iyon? Ang kapatid ni Kenneth? Wag naman sana
"Hoy!! ano na? Okay lang sayo? My GEEEEEEE.... Malaking deal iyon kung yun ang gusto ni Ms. Aira.. They are the first famous wine company ni Asia.." napabuntong hininga na lamang ako.. Alam kaya ni Ate Aira na dadating ako kaya gusto niya akong maka-usap?
"Sige.. i will meet her tomorrow" sabi ko at nag design na naman..
Kung trabaho iyon.. Mas mabuti pero kung makikita ko lang si Kenneth.. Ayaw ko na...
Kenneth's POV
"My Dear brother.. I want you to handle this project" lintanya ni Ate Aira sa akin at ibinigay ang isang folder..
"Ate naman!! Preparation for the ball ito.. Bakit ako pa? Dapat ikaw" reklamo ko..
"No brother.. Ang dami ko pang aasikasuhin.. at isa pa.. im sure matutuwa ka sa magiging partner mo" sinamaan ko ng tingin si Ate..
"Ate pag ako napikon sorry nalang talaga... Ayaw ko na niyang set-up na iyan no.." noon kasi... Lagi akong pinapartner ni Ate sa mga kakilala niya hindi ko nalang iyon pinansin pero sa ngayon.. Pagod na akong makipag partner kanino man... Tama na muna to.. hindi ko pa kayang magmahal... May dapat pa akong ayusin..
"Nako Bro, i'm sure matutuwa ka sa akin niyo.. Baka nga pasalamatan mo ako eh hahaha" hindi ko nalang pinansin si Ate at tinignan ang folder na ibinigay niya.
I should meet my partner tomorrow afternoon, kakadating law daw nito sa Pinas kaya naman bukas ng hapon pa siya pwede.
Kinabukasan...
Andito ako sa isang cafe.. Ang sabi sa akin ni Ate tumawag ang magiging partner ko sa project na ito kahapon ng gabi.. Ngayon nalang umaga daw kami magkikita kasi may gagawin pa ito mamayang hapon..
Napaaga ako ng 30 minutes.. Sa ngayon pag-uusapan nalang namin ang pwedeng gawin sa project bukas naman pupuntahan namin ang venue...
Ng tumungo ang bell kung saan doon mo malalaman na may pumasok tumingin ako.. Nagulat pa ako sa nakita ko..
P-paano?
"Ahmm.. i guess... ikaw ang sinasabi ni Ate Ai-- este Ms. Alonso sa akin" formal na sabi niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at inakayan siyang umupo..
"No i can manage" sabi niya bago pa ako makalapit sa kanya.. Agad naman akong napakamot sa ulo ko.
"Ah.. hehe o-okay" sabi ko at umupo..
"So.. Kumusta?" tanong ko sa kanya.. Hindi siya nakatingin sa akin.. Sa mga papers lang siya tumitingin..
"Okay lang.. Nakamove on na din" sagot niya.. Ouch..
NAKAMOVE ON NA DIN
so ibig bang sabihin nun.... may mahal na siyang iba?
No nakamove on lang siya hindi niya sinabing may iba na siyang mahal at isa pa... Kung may mahal na nga siya.. bakit kailangan pa naming magkita?
"Hello? Nakikinig ka ba sa akin" nabalik lang ako sa realidad dahil sa pag-interupt sa akin ni Jelou..
"Ah.. eh.. ano nga yon?" tanong ko sa kanya habang nagkakamot ng batok.. My old habit
"Tsk. Ito tignan mo.. if okay sayo ang gantong design o kaya naman you can add something you want... then let's discuss it tomorrow.. Magkita nalang tayo sa Venue.. May emergency meeting pa kasi ako" sabi niya at tumayo na..
Napabuntong hininga na lamang ako.. May one month pa kami para makapag-usap..
Next Chapter------>

BINABASA MO ANG
Starting Over Again
Teen FictionPinili kong IWAN siya.. Pinili kong SAKTAN siya.. Pinili kong PROTEKTAHAN siya... Pero sa pagproprotekta ko sa kanya.. NAWALA siya sa akin.. ** 4 years na!! 4 years na ang nakalipas at magkikita na naman kami.. ANO kaya ang magandang itanong sa kany...