Starting Over Again- Episode VIII

2.8K 45 0
                                        

Dedicated to Nengascajor35.. Thanks sa dedication ^__^

________________________________________________________

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi basta ang alam ko lang lasing na lasing na talaga ako.. Si Jared naman ayon sinundo na nung girlfriend niya.. Ewan ko ba don, maganda naman ang girlfriend niya pero nakita ko na ang Ex niya and all I can say is.. She's Beautiful but Jelou is still the very beautiful in me-- Ano daw??

Lasing na talaga ata ako..

"KENNETH!! BAKIT NGAYON KA LANG? SAAN KA GALING?" halos mapangiwi ako sa sigaw ni Ate.. Nakalunok ba to ng megaphone ngayon at ang inagy-ingay niya? Tsk. Kitang sumasakit na yung ulo ko..

"Sa bar" simpleng sagot ko at dumiritso sa kwarto ko, sigaw pa ng sigaw si Ate pero bahala muna siya.. Iniisip ko kasi ngayon..

Kung sino ang pipiliin niya bukas? I mean alam ko namang wala pa siyang alam dito pero nagka-usap kami kanina ni Sam, nakita ko kasi siya sa bar kasama ang mga tropa niya dito sa Philippines, tapos ayon nadinig ko na ikakasal na pala sila pero alangan namang papayag ako ng gnun-ganun nalang? Sabi nga ni Honey.. Alamin mo muna kung sino ang mahal niya.. Kaya sabi ko sa kanya wag na muna hayaan niya na muna akong ipaglaban si Jelou.. At dahil nga mayabang siya at alam niyang siya ang mahal ni Jelou tinaggap niya ang hamon ko.. Bukas kasi.. pupuntahan ko siya at aalokin na mag lunch man lang o kaya dinner at ganun din ang gagawin ni Sam ang kailangan lang namin ngayon.. Kung sino ang pipiliin niya..

Alam kong si Sam yun pero hindi ako susuko.. Marami pa ang panahon namin.. May tatlong linggo pa kami.. Tapos sa isang linggong yun wala pa kaming masyadong gagawin kasi si Kuya Luis at si Engineer Cortez ang bahala sa pagrenovate nung lugar.. At nga pala Architect Luis Cortez and Engineer Louie Cortez is a twin brother.. Kaya ayun..

***

"KENNETHHHHH BUMANGON KA NA DIYAN" napabalikwas ako ng bangon.. Naman eh storbo..

"Ano ba Ate!! Ang ingay mo naman eh" kinukusot ko pa ang mga mata ko bago ko siya tinignan..

"Ano ano ba? Tanghali na po kaya.. at tsaka bakit hindi mo tinutulungan si Jelou sa pinapagawa ko sayo?" nagdadamog na bumangon ako.. Naman eh ang sakit pa kasi ng ulo ko..

"Yan.. yan ang napapala ng mga kagaya mo.. Tsk. Akala ko ba matino ka na? Bakit pa kasi umiinom-inom ka pa.. Tsk okay lang sana kung dito sa bahay eh san ka galing kagabi--" hindi ko na siya pinakinggan at sinarado ko na ang banyo..

Ang aga-aga nambubulabog.. Oo tanghali na tsaka may pupuntahan pa ako kaya napa-isip ako na mas mabuting dinner nalang ang iaya ko sa kanya.. Candle light dinner o kaya -- basta secret nalang muna...

Nang matapos ako pumunta na ako sa baba at kasalukuyang tinitignan ko si Ate na daldal ng daldal.. Kung sa bagay marami din kasi siyang ginagawa sa ngayon.. Kaya nga pupuntahan ko din ng maaga si Jelou kasi itatanong ko pa sa kanya yung mga damit na pinapagawa ni Ate.. Assign from Ball party may Fashion Show pa kasing mangyayari.. Which is una yun..

Napagkasunduan kasi nila ni Ate at ni Jelou na she will accept Ate Aira's Proposal basta ba may fashion show na magaganap before the time start for a party kasi busy talaga si Jelou yun pa an una niyang ginagawa sa ngayon dahil kailangan niya din maipatayo ang branch ng botique niya.. Yun naman talaga ang plano niya sa ngayon ang kaso kinulit siya ni Ate Aira kaya wala siyang nagawa kundi tinanggap na niya din ang gusto ni Ate..

"Ate alis na muna ako.. titignan ko na muna ang mga kulang sa preparations" tinanguhan lang ako ni Ate at patuloy na kinakausap yung kung sino man sa phone niya.. Busy woman.. pero alam ko naman na hanggang ngayon lang yun kasi ikakasal na naman sila ni Kuya Luis at sa pagkakaalam ko si Jelou ulit ang wedding planner niya at gagawa ng gown niya.. Grabi parang hindi na naawa si Ate kay Jelou...

Dumiritso ako sa bahay ni Jelou.. Ang sabi sa akin ni Honey kanina nandito daw sa bahay niya si Jelou kaya malamang wala si Sam.. Mabuti na yun ng makapag-usap kami..

Jelou's POV

Halos mawalan na ako ng ulirat sa dami ng ginagawa ko.. Para na ngang hindi bahay tong bahay ko sa dami ng kalat..

"Grabi ka Jelou kagabi pa to ah?"-Honey, tama siya kagabi pa nga to dito kasi dito na din ako natulog.. This month kasi may Ball na gaganapin which is yung kaila K--kenneth tapos may fashion show pa ako then may pinagawa pa sa akin si Ate Aira na gown niya para sa ball, suit ni Kuya Luis-- yep kilala ko siya kasi nakita ko na siya noon tapos suit ulit ni Kenneth.. Tapos may mga dresses pa para sa show ko.. Then next month naman ang kasal pa ni Ate Aira.. Simula sa gown niya hanggang sa mga aba'y at sa groom niya gusto niya kasi perfect ang kasal nila bago sila ikasal ulit sa Paris ata yun? Aie ewan hindi ko alam kung saan.. Tapos may cake pa at mga kung ano-ano pang gagawin..

"Okay lang naman.. Kasi mawawala nama ang mga pagod ko kapag nakita ko na ang resulta ng lahat" Yes true yun.. Nawawala lahat ng stress ko kapag nakita ko na maganda ang kinalabasan ng pagod ko.. Natatakang nilingon ko yung labas ng may narinig akong ingay ng sasakyan.. May bisita ba ako?

"Honey pupunta ba dito si Anna?" nanlaki ang mata ko ng mabanggit ko ang pangalan ni Anna.. Oh my gawd.. sa ikatlong buwan kay Anna na naman na kasal.. Parang walang pahingahan to ah.. Kaya kailangan talaga na matagal pa kaming ikasal ayaw kong maging walking zombie slash bride ni Sam..

"Hmm hindi naman baka si Sam yan" kumunot ang noo ko.. Hindi din pwede na si Sam kasi may meeting pa siya.. At importanteng meeting iyon..

"Hi girls good afternoon" nakakunot noong tinignan ko si Kenneth.. Ang sabi ko next week pa kami magkikita kasi hindi pa tapos yung Aspen City..

"What are you doing here?" binaba ko yung sketch pad at tumayo..

"Hmm chi-ne-check ko lang kung may mga kulang pa ba na gamit for preparations.."-Kenneth

"Alam mo naman na ako na ang bahala diba? no need to ask that alam ko ang trabaho ko so makakaalis ka na" bumalik ako sa pagkakaupo at sinimulan ko nang mag design ng bagong damit.. Natapos ko na yung cocktail dress, well I call it peacock cocktail dress... It's a dress above the knee then ginamitan ko siya ng feather which is style like a peacock tail..

"Well wala kasi akong masyadong ginagawa ngayon kaya kung pwede dito na muna ako" hindi ko nalang siya pinakinggan nag-uusap lang sila ni Honey ng maya-maya may ingay na naman ng sasakyan sa labas..

Nagkibit balikat nalang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko.. By now gown naman an ginagawa ko.. Simple Blue Gown lang siya.. it's a plain tube gown then I will put a butterfly design sa may baba ng waist bali naka vertical ang butterfly na may pagka slanting..

"Hi sweety" napaangat ang tingin ko kay...

"Sam?" ano ba ang nakain ng mga to at nandito?

"Yes baby.. Hmm malapit ng gumabi and gusto ko sanang itanong if I can ask you something.." nakita kong tumayo din si Kenneth at pumunta sa tabi ni Sam..

"Can I ask you for a dinner date?" napanganga ako ng sabay pa sila..

May hindi ba ako alam sa dalawang to?

Starting Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon