Jelou's POV
Nakakunot noong tinignan ko si Kenneth sa malayo.. Simula kaninang umaga hindi kami nakapag-usap kasi lumalayo siya sa akin.. I don't know pero parang hindi ako masaya na lumalayo siya sa akin.. Ay Ewan..
"Pasulyap-sulyap lang kunwari.. patingin-tingin kay Ke--" sinamaan ko ng tingin si Honey, sumama kasi siya sa akin dahil mabobored lang siya sa bahay tsaka dito nalang niya tinatahi ang mga pinapagawa ko sa kanya..
"Joke lang to naman, kung makatingin ka kasi sa kanya alam na.." nagmake face lang ako at pinagpatuloy ko na ang pagdra-drawing.. Pwede naman kasing sa bahay nalang namin to gagawin pero sabi kasi sa akin kanina ni Ate Aira na dito nalang daw sa Aspen para kung matapos na namin hindi kami ma ha-hassle sa pagdala..
"Jelou, kain ka muna.. Mag lu-lunch na" tinanguhan ko lang si Kuya Luis
"Oh tara na Honey kain na muna tayo" Tumayo na kami ni Honey at naglakad papunta sa isang mesa na nilagay nila..
"Since may 2 weeks nalang tayo dapat sa next week ilalagay na natin ang mga designs at e ready ang para sa ball, or pwede rin naman na after the fashion show e-open na agad ang ball kaso magkakaroon tayo ng change of colors, but syempre dapat yung madali lang na pag-cha-change"-Kuya Luis
"You're right Kuya Luis.. Ako na ang bahala sa curtains.. I have a curtains na mag-cha-change of colors, pinagawa ko yun doon sa Paris for my Fashion Show para maganda naman kaya pwede natin yung gamitin.." tumang-tango siya at kumain na.. Hinanap ng mga mata ko si Kenneth pero andoon lang siya sa may ginagawang pond nila kanina..
"K..kuya Luis, may problema ba si Kenneth?" hindi ko na napigilang mag tanong.. Concern din kasi ako sa kanya..
"H-ha? Ah wala naman, ganyan lang talaga siya.." tinignan ko si Kenneth, kitang-kita sa mga mata niya ang lungkot.. I don't know kung bakit pero parang ako ang dahilan.. Ipinilig ko ang ulo ko.. Hindi naman siguro..
"Jelou?" tinignan ko si Honey..
"Huh?"-Me
"Kanina ka pa hindi nakikinig, ang sabi ko andyan na yung mga pinadeliver mo na silk" napa 'AHH' nalang ako at pinermahan na..
"Sige Kuya Luis, ipagpapatuloy nalang namin yung ginagawa namin" pumunta na kami sa inupuan namin kanina at back to work naman.. Hindi ko maiwasang hindi tignan si Kenneth, para bang nasasaktan talaga siya ng sobra..
"Alam mo Jelou, kanina ko pa siya napapansin na ganyan, I mean ang kilala kong Kenneth hindi tahimik para yang manok eh.. Ang ingay pero ngayon.. may nag-iba ata sa kanya.." -Honey
"Oo nga Honey eh, kanina ko pa napapansin at ang kilala kong Kenneth kinukulit ako.. Ano kayang problema niya no?"
"Ayain mo kaya" napatingin ako sa kanya.
"Huh? Ayain?"
"Uhm.. Oo ayain mo kaya siyang mag meryenda kayo ng makapag-usap naman kayo at itanong mo kung anong problema niya" napa-isip ako.. Wala namang mawawala kung aayain ko siya diba?
Pinagpatuloy ko nalang muna ang ginagawa ko.. Marami na din kasi akong natapos.. Yung kay Ate Aira, Kuya Luis at Kenneth na mga damit natapos ko na siya kagabi.. Yung sa fashion dhow ko nalang ang kulang.. I need a 20 dresses or gowns at ang natapos ko ngayon ay 5 gowns and 10 dresses so I need another 5 dresses.. Yup 5 lang ang gowns ko kasi sila na ang bahala kung magpapagawa sila sa akin ng gowns na gusto nila eh..
After 3 hours tumayo na ako at nilapitan si Kenneth na nasa pond pa din at tumutulog sa paggawa..
"Kenneth" nag-angat siya ng tingin at ngumiti sa akin.. Pero I know pinipilit niya lang ngumiti..
"Ano yun?" tumabi ako sa kanyan..
"Meryenda tayo? My treat" I smiled at him..
"Hmm.. I'll think--"
"Please please pretty pleaseee" kahit na hindi ko to ginagawa.. Gagawin ko mapapayag lang siya.. He sighed and stand up..
"Okay.." sumunod na ako sa kanya.. Nilingon ko na muna si Honey at kinindatan siya, Nag thumbs up naman siya sa akin..
I don't know why but being near with him can make me feel safe.. Grr.. Ano to??
Jane's POV
"Honey are you okay?" pumasok ako sa office ng Honey ko..
"Stop it okay? Matagal na tayong wala so stop bothering me and please.. leave me alone.. May tatapusin pa ako" itinaas ko ang mga kamay ko na parang sumusuko sa mga pulis at tumayo na..
"Okay okay.. Highblood ka naman masyado.. Aalis na nga ako" lumabas na ako sa office niya at umupo sa waiting area niya dito sa company niya..
Someday.. Makukuha din kita by hook or by crook-- or crook or by hook.. Ah EWAN..
By the way.. I am Jane Felicity Legaspi.. Ang magandang wedding planner ng napakamahal kong si Sam Anthony Araneta.. Tsk.. Poor that stupid Jelou.. akin lang si Sam at gagawin ko ang lahat makuha lang siya.. BWAHAHAHAHAHA
BINABASA MO ANG
Starting Over Again
Teen FictionPinili kong IWAN siya.. Pinili kong SAKTAN siya.. Pinili kong PROTEKTAHAN siya... Pero sa pagproprotekta ko sa kanya.. NAWALA siya sa akin.. ** 4 years na!! 4 years na ang nakalipas at magkikita na naman kami.. ANO kaya ang magandang itanong sa kany...