Chapter 3
Nang linginunin ko ang nagsabi ng mga katagang iyon, bigla akong namula at napansin niya iyon. Mabilis talaga akong mamula lalo na pag nakakakita ang ng lalaking guwapo. Hay! Ang guwapo niya! Pero hindi ko pinahalata na may paghanga ako sa kanya. “Maganda ba yung istorya? Oo naman kaya nga best seller diba? “O-o-oo maganda yung istorya” tugon ko sa kanya pero hindi ako makatingin sa mata niya. Nahihiya ako hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. “Bakit hindi mo ipakita ang mukha mo sa akin?” hala! Nagsalita siya! Bakit ba ganito? Gusto ko ng bitiwan itong librong ito at tumakbo na papunta sa terminal. Wala akong nagawa, tinignan ko naman siya.
“Maganda ka pala eh, wala ka bang tiwala sa sarili mo?” pwedeng wala, pwedeng meron dahil ang totoo niyan ay hindi ko naman talaga lubusang kilala ang sarili ko. Hindi ko pa rin siya kinakausap, wala talaga akong masabi. “Ako nga pala si Daniel” hindi pa rin ako lumilingon kahit na nagpakilala na siya “Daniel Cruz” biglang nanlaki ang mga mata ko nang sinabi niya ang buong pangalan niya. Tinignan ko muli ang harap ng libro “Daniel Cruz! Ikaw ang awtor ng librong ito?!” gulat na gulat ako sa mga oras na iyon dahil hindi ako makapaniwala na kinakausap ko siya ngayon. “Oo, ako nga. Kaya nga tinatanong ko sa iyo kung maganda yung istorya hindi ba?” oo maganda ! sobrang ganda! “oo maganda, very interesting story” pabulong ako sumagot sa kanya pero sa loob loob ko lang, gusto ko siya yakapin ng mahigpit na mahigpit! “Kalma lang Trish, Kalma lang” paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko.
“At ikaw naman si?” tinatanong niya kung anong pangalan ko “Trish, Trish Garcia” sinabi ko sa kanya ang pangalan ko ng may kasamang ngiti. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na ito, natutuwa ako na kinikilig na nagulat nang magpakilala siya sa akin. Ang guwapo niya talaga at lalong lumitaw ang kaguwapuhan niya dahil sa suot niya. Nakacheckered siya na long sleeves na polo color red sabayan mo pa ng fitted na jeans. “Umiinom ka ba ng kape?” ililibre niya yata ako “Oo naman, umiinom ako ng kape, pampawala kasi ng antok iyon diba?” sayang, dapat pala uminom ako ng kape kagabi para naumpisahan ko na ang istorya ko. “Tara starbucks tayo” mag isa ka! Wala akong pera dito; panibhasa kasi best seller libro mo kaya mapera ka na “Salamat na lang pero wala kasi akong pera” nakakahiya naman kasi wala naman talaga akong pera. Pamasahe lang naman ang binibigay sa akin ng nanay ko dahil ala una ang pasok ko, tamang tama lang na magtanghalian sa bahay bago pumasok. “Wag kang mag alala, sagot ko” ililibre niya talaga ako! Wala naman akong gumawa kaya pumayag na lang ako “O sige, ano pa nga bang magagawa ko eh pinipilit mo na ako”
Gayunpaman, nahihiya pa rin ako kahit na nagpakilala na siya sa akin. Hindi ko naman talaga ugali sumama sa tao na hindi ko naman lubusang kilala. Pero sa pagkakataong ito, ang daming nabago. Pumunta kami sa starbucks sa sky garden, mas malaki kasi ang size nila kumpara sa starbucks sa harap ng supermarket. Siya ang nagbukas ng pintuan para sa akin, ang gentleman pala ng taong ito. Siguro sa una lang to, bukas balewala na ang lahat na parang hindi kami nagkakilala.
“Anong gusto mo?” kahit ano? Tutal libre na lang din naman, eh isagad na. “Mocha frappe” gustong gusto ko talaga ang lasa ng Mocha kaya naiinis ako sa mga kaibigan ko nung mga panahong nag aaral pa ako sa kolehiyo, dahil ayaw nila ng kape. Inorder naman niya ito at sinabi niya sa babae na ilagay ang pangalan ko sa Mocha Frappe. Ito ang dahilan kung bakit maraming umiinom sa starbucks; hindi pa nakuntento, piniktyuran pa dahil nakasulat daw ang pangalan nila. Hindi nagtagal, sumunod ang mga milk tea at ayaw ko naman ng lasa dahil mapait. Kuntento na ako sa kape, hindi naman ako adik na tulad ng nanay ko. Sakto lang naman.
Maya maya ay dumating na ang order namin. Inabot niya sa akin ang Mocha Frappe ko at agad agad ko itong ininom. Uhaw na uhaw na rin kasi ako at bigla akong nauhaw sa sobrang gulat sa mga pangyayari ngayong araw na ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakakausap ko siya at may bonus pa, nilibre pa ako sa Starbucks. “Paano mo nagustuhan ang libro ko?” tinatanong niya sa akin kung saang anggulo ng istorya na nagpaakit sa akin para basahin iyon “Sa totoo lang wala naman talaga akong hilig sa mga ganyan. Ayaw na ayaw ko talagang nagbabasa” mas maganda ng maging totoo sa sarili “Pero nung nakita ko yung libro mo, bigla akong nagkaroon ng interes sa pagsusulat. At hindi ko rin lubusang inakala na pwede ka pala talagang makilala sa ganung paraan. Ang magpost ng istorya sa Wattpad” ang haba ng sinabi ko; nakikinig lang naman siya sa akin at hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin. “So, isa ka na sa mga Author ng Wattpad ngayon?” nabasa niya kaagad ang isip ko “Oo, bigla akong nagkaroon ng interes magsulat at marami nang naglalaro sa isip ko ngayon.” Susubukan ko pa lang naman dahil first time ko pa lang magsulat “Tutulungan kita” sabi niya sa akin. Bigla naman akong huminto sa pag inom ng kape ko. “Tutulungan kita sa mga ideas mo. Madali lang iyan, kailangan lang na nasa pagsusulat talaga ang passion mo” Passion? Wala yata ako nun? “In a way na maiintindihan ng mambabasa ang gusto mong iparating sa istorya mo” nakuha ko na ang punto niya. Tumuloy ako sa pag inom ng kape “Salamat, mabait ka pala” bigla siyang tumawa nung sinabi ko iyon. “Ano bang username mo sa Wattpad? Follow kita at follow mo rin ako” inabot niya sa akin ang Iphone 5 niya para itype ang username ko. May Iphone din naman ako, 4 nga lang. “trishia10” 10 ang nilagay kong numero dahil August 10 ang kaarawan ko. July na ngayon at ilang araw na lang ay tatanda na naman ako.
Pagkatapos naming uminom ng kape ay hinatid niya ako papunta sa terminal. Mabuti na lang at walang pila ngayon. “Ingat, I’ll message you, once na nafollow na kita” tumugon lang ako at pagkatapos ay sumakay na ako sa jeep. Hay sa wakas walang pasikip hindi tulad kahapon na halos ikamatay ko na. Hinintay niya makaalis ang jeep bago siya naglakad papalayo sa terminal.
Sa madaling salita, ako na naman ang nagbukas ng bahay namin. Minsan gusto kong magpatira ng isang pinsan sa bahay namin para naman hindi ganitong kalungkot ang buhay ko. Gustuhin ko man magpunta ng Subic, Tagaytay, Baguio, Disneyland na kung tutuusin ay kaya naman namin, ay debale na lang kung kaming tatlo lang ang magliliwaliw.
Agad agad akong pumunta kwarto para magpalit ng damit; hindi ko na nagawang magluto ng hapunan dahil meron pa namang natirang kaning lamig at ulam at para sa amin ay pwede na iyon basta ang importante ay malagyan ng laman ang sikmura. Simple lang kami; hindi ako sinanay ng magulang ko sa mga luho. Masasabi kong spoiled ako pero hindi sa paraang maluho. Nasusunod ko lang talaga ang gusto ko. Sino ba naman ang makakapaniwalang lahat ng damit ko ay made in Divisoria lamang? Samantalang ang mga kaklase ko nung kolehiyo ay pabonggahan ng branded na damit. Ay, wala akong pakialam basta ako may damit ako at yun ang mahalaga.
Pagkatapos ko magpalit ng damit ay agad agad kong binuksan ang laptop. Pumasok bigla sa isip ko ang sinabi ni Daniel “I’ll follow you” at pagkabukas ko ng Wattpad, may nadagdag akong follower “Ay baka siya na eto” ang hirap isa isahin dahil wala namang notification sa Wattpad. “Hmm. Nasaan kaya siya dito?” ang hirap niya hanapin. Ang hirap naman kasi magpa isa isa, dapat pala ako na lang ang nagtanong sa kanya kung ano ang username niya para ako na lang ang nag follow sa kanya. “Ayun!” ayun naman pala, hindi niya gamit ang tunay niyang pangalan sa Wattpad dotamasters_12345678910. “Ay hayop na username ito, mabuti at inaccept pa ng Wattpad ito” bakit ba naman kasi nauso ang DOTA? Nakakabobo kaya yun. Lalo na pag hindi ka marunong humawak ng oras.
Nagmessage siya sa akin. “Hi Trish, nakauwi ka na ba? Mag reply ka na lang pag nareceive mo na message ko. Nakaonline pa rin naman ako hihintayin kita” nung nakita ko yung salitang hihintayin kita, bigla na lang akong namula. Hindi ko alam kung saan nanggaling yun pero grabe ha? Kinilig ako, baka pag may nakakita sa akin na ibang tao, ay mag akalang baliw ako na ngumingiti mag isa. Agad agad naman akong nagreply sa message niya “Online na ako J salamat sa pag follow mo” inabot ng halos limang minuto bago siya nagreply ulit. At pagkatapos nun, ay para na kaming nag cha-chat.
Daniel: Sorry late reply, inutusan lang ako ng mama ko
Ako: Okay lang, hindi naman big deal yun. Nakauwi na nga pala ako
Daniel: Ah, mabuti naman kung ganun J Kumusta? May naumpisahan ka na ba sa istorya mo?
Ako: Wala pa hindi pa eh, paano naman ako magsisimula? Eh magkausap tayo?
Daniel: Ay? Nakakaistorbo ba ako? L
Haha ang cute ! namula na naman ako
Ako: Hindi naman J
Daniel: O sige simulan mo na istorya mo, aabangan ko ha?
Ako:Hindi naman yata ganun kadali yun?
Daniel: Madadala mo ba laptop mo?
Ako: Oo pwede naman, bakit?
Daniel: Hmm, pwede ka ba bukas? At tsaka ano nga palang cellphone number mo? Para maitext kita
Tamang tama sabado bukas, wala akong pasok, kaya pwedeng pwede ako.
Ako: Pwede naman ako bukas kasi wala naman akong pasok pag sabado. Eto nga pala number ko 0935******
Daniel: Saved! O sige bukas ha? Sa SM north ulit tayo magkita. Sa starbucks na lang tayo magkita para libre wifi ;-) O sige simulan mo na yang istorya mo tapos pabasa mo saken bukas yung nasimulan mo. Titignan ko kung anong magagawa ko J Advance Goodnight Trish
Ako: Okay Goodnight J
Kahit na hindi ko siya nakikita, kinikilig pa rin ako. Siguro nga may paghanga lang talaga ako sa taong ito. Sabi niya tutulungan daw niya ako sa istorya ko. Ano nga bang istorya ang magandang gawin? “Hmm” gusto ko kasi yung unique.

BINABASA MO ANG
My Mr. Wattpad (FINISHED)
Teen FictionNgayon lang nalaman ni Trish na pwede ka palang makilala kapag gumawa ka ng sarili mong istorya sa Wattpad. Hindi talaga niya hilig ang magbasa ng mga libro at magsulat. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya sa personal ang awtor ng isa sa bes...