Chapter 7

26 0 0
                                        

Chapter 7

Napagdesisyunan namin ni Daniel na sa Ocean Park na lang kami pumunta. Mabuti na lang at may sasakyan si Daniel kaya hindi kami mag cocommute. Ang hirap yata pumunta sa Manila ng walang sasakyan. Sinundo niya ako sa SM North, doon kami nagkita dahil hindi pa naman niya alam ang bahay ko.

“Ngayon ka pa lang ba makakapunta sa Ocean Park?” tanong niya sa akin habang nag dadrive ng kotse. Sa totoo lang nakikita ko lang siya sa mga balita, pero hindi pa talaga ako nakakapunta sa Ocean Park at gaya nga ng sinabi ko, gustuhin ko man pumunta, hindi ako makapunta dahil hanggang SM Fairview at Ever lang ang kayang idrive ni papa. “Hindi pa eh. Ngayon pa nga lang ako makakapunta doon. Nakikita ko lang siya sa TV” nahiya naman ako. Para naman kasi akong walang alam sa mundo. “Good! At least first time mong makapunta doon kasama ako” namula naman ako. Kung ano ano na lang ang lumalabas sa bibig nitong taong ito, daig pa niya ang lasing na kung ano anong sinasabi. “Sa totoo lang first time ko lang din magpunta sa Ocean Park, sinasabi lang ng mga kaibigan ko na maganda daw doon kaya nagdesisyon na lang ako na doon na lang tayo magpunta” natuwa naman ako dahil pareho lang pala namin unang beses makakapunta sa Ocean Park.

Mabilis lang ang byahe namin dahil wala naman pasok ang ibang mga estyudyante maliban lang sa mga kolehiyo. Pagbaba namin ng kotse ay agad agad na rin kaming pumila para sa bilihan ng ticket. Buti na lang konti lang ang tao, ang naririnig ko kasi sa sinasabi ng ibang tao, mas marami daw ang dumadayo kapag Linggo. Siya ang pumila at pinaghintay niya lang ako sa isang sulok, para daw hindi ako mapagod at pagkabili niya ng ticket, hinawakan niya ang kamay ko at sabay kami pumasok sa entrance.

Para na kami talagang tunay na magkasintahan. Magka hawak ng kamay at medyo nakakaasiwa lang dahil pinagtitinginan kami ng ibang mga tao. Ang guwapo kasi ni Daniel talaga o kaya naman ay kilala siya ng iba dahil awtor siya at best seller ang libro niya. Wala na akong pakialam, basta ang importante Masaya kami at magkasama kaming dalawa ngayon.

***

“Uy tignan mo yun o!” para akong bata na nagtuturo, at sobrang nabibighani ako sa mga nakikita ko. Ang lalaki ng mga isda, at ang gaganda nila. Ngayon ko lang din nakita sa totoong buhay si Nemo at si Dory. Totoo pala talaga sila at akala ko kathang isip lang ang kulay nila. “Si Nemo at si Dory ay laging magkasama” kumanta si Daniel katunong ng bananas and pyjamas. “Haha ! Ang pangit ng boses mo!” wala naman siyang reaksyon sa sinabi ko pero ngumiti siya. Ang guwapo niya lalo tignan kapag ngumingiti siya at iyon ay isa sa mga dahilan kung bakit marami ding babae ang nag aasam na lumapit sa kanya.

Nakapag try din kami ng Fish Spa. “Aw! Nakakakiliti!” nakakakiliti naman talaga na ilulublob mo ang paa mo sa tubig tapos may mga isda na gumagalaw galaw sa paa mo. Nakakakiliti ngunit masarap at nakakawala talaga ng stress.

Ang saya namin. Sobrang saya namin at kahit kalian, hindi pa ako naging Masaya ng ganito. Gumagala kami ng mga kaibigan ko, pero iba pala ang pakiramdam lalo na kapag ang kasama mo ay ang lalaking mahal mo na pala. Mahal ko na nga siguro si Daniel. Dahil hindi ako mapakali kapag hindi ko siya nakakausap. Lagi akong nag aalala kapag wala akong balita sa kanya sa loob ng isang araw. Eto ba yung tinatawag na MU? Base sa mga kwento ng mga kaklase kong nag ka MU na din, espesyal daw kayo sa isa’t isa pero walang karapatan. Walang karapatan magselos, magalit kapag hindi nagpaalam.

Halong tatlong oras din kami nagpaikot ikot sa Ocean Park, pero masasabi ko talaga na ang saya saya ko kasama siya. Hawak lang niya ang kamay ko sa buong araw na pag iikot namin sa Ocean Park. Hindi niya ako binibitawan na para bang ayaw niya ako mawala sa tabi niya. “Nag enjoy ka ba?” sabi niya sa akin habang naglalakad kami papuntang park. Malapit lang kasi ang park sa Ocean Park. Huh? Ano daw? “Oo naman, ngayon ko lang nalaman na masarap ka palang kasama” nilalaro niya ang kamay ko habang nag uusap kami.

My Mr. Wattpad (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon