Chapter 13

8 0 0
                                    

Sa sobrang pag iyak ko habang gumagawa ng istorya, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, at pagkagising ko, sobrang sakit ng ulo at mata ko. Pero natapos ko ang istorya, pinublish ko na rin ito. Hindi na ako iiyak sabi ko sa sarili ko. Ayoko nang umiyak dahil ako lang din ang mahihirapan. Hindi naman siya malaking kawalan sa akin. Siguro ang dapat kong gawin ay mag focus na lang ako sa pag aaral ko, dalawang araw na lang at exam na namin. Matatapos na kami sa pag aaral.

Pagkabukas ko ng cellphone ko, nakita ko na marami akong missed calls at texts.. Lahat galing kay Daniel at may isang galing kay Diane. Wala akong interes na basahin ang mga messages ni Daniel kaya kay Diane lang ang binasa ko. Nireplayan ko siya at sinabi sa kanya na papasok ako. Tiyak matutuwa yun, aba matapang akong babae at hindi ako basta basta susuko lang dahil sa isang lalaki. Mas importante ang pag aaral ko kaysa sa kanya.

Minsan naisip ko, hiwalay na nga ba kami? Hay focus Trish wag mo na siyang isipin! pinalo ko ang ulo ko gamit ang notebook ko. Pinagmamasdan lang naman ako ni Diane, alam niya kasi ang pangyayari dahil nakita niya mismo. Sinundan niya siguro ako. Alam niya rin na kapag ganito na malungkot ako, gusto kong mapag isa, kaya hindi niya na lang ako kinakausap pero nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya para sa akin.

Natapos ang araw na hindi ko iniisip si Daniel. Kaya ko naman pala na hindi siya isipin, basta focus lang talaga ako sa pag aaral. Maagang nag dismiss ang klase at ready na akong makipag usap sa kahit na sino kaya kinausap ko na ang bestfriend ko.

Ako: Diane sorry ah? kasi alam mo naman...

Diane: Ano ka ba okay lang yun! Hinayaan na lang kita kesa naman lalong maging hard yung nararamdaman mo. Move on girl move on 

Ako: Hindi naman ganung kadali yun lalo na kung hindi mo alam yung dahilan kung bakit nangyayari ang lahat 

Diane: Sabagay tama ka.. 

Ako: Makakayanan ko rin ito at nangako ako sa sarili ko na hindi na ako iiyak 

Diane: Ayan tama yan! Yan ang bestfriend ko ! (nag ring ang cellphone) ay si Alex. Trish sorry hindi tayo sabay uuwi ngayon, magkikita kami ni Alex eh ! 

Ako: Ah ganun ba? sige okay lang mag enjoy ka na lang okay lang ako. Salamat 

Diane: O sige mag ingat ka pag uwi mo ah? Wag mo masyadong isipin yun.

At nagkahiwalay na nga kami ni Diane, buti pa siya may lovelife. Ganito pala ang pakiramdam pag broken hearted ka, feeling empty ka. Nakakabaliw. Pero ayoko na mag isip ng ganito eh, isang araw na lang at exam na namin kailangan ko magfocus doon at mahalaga sa akin ang certificate na ma eearn ko napakaarte na talaga ng mga companies ngayon. Hayyy

Pagdating ko ng bahay, yogurt lang ang kinain ko at dinner ko na ito. Ewan ko ba wala akong gana. Kakaiba nga ako eh dahil kung tutuusin yung ibang mga broken hearted, sa pagkain nila binabawi ang stress nila at ako naman ay walang gana. Sabagay, sasamantalahin ko na ito dahil kelangan ko rin magpapayat. "Ay pag ako pumayat who you ka saken!" pero sabi nila ang salitang diet daw ay effective ng isang araw lang. Natawa naman ako nung naisip ko yun. 

Ako naman kasi yung taong magaling lang sa umpisa, pag naisipan ko gusto kong gawin pero pag tumagal na nakakasawa na. Natandaan ko ang sinabi ng lola ko sa akin bago siya mamatay. "Iha, masasawain ka pala, sana pagdating sa pag ibig hindi ka ganyan" oo nga naman hindi naman talaga ako masasawain pagdating sa pag ibig. Ako pa nga yung nag titiis eh. Ewan ko ba ! lagi na lang ako. 

Pagkatapos kong kumain ay agad agad akong umakyat sa kwarto ko. Pati ba naman pag akyat ko para pa rin akong lantang gulay. Walang ganang umakyat, parang walang buto. Ganito ba talaga ang epekto kapag broken hearted ka? Ang hirap maka move on sa isang taong minahal mo lalo na't hindi malinaw ang sitwasyon kung bakit nangyari ang lahat. Walang paliwanag, walang closure. 

Pero naiiisip ko pa rin yung sinabi niya sa akin noong gabi na hinatid niya ako. Bakit niya sinabi yun sa akin? tapos malaman laman ko lang na may fiancee na pala siya? Brrrrr!!!! wag mo na siyang isipin Trish. Binuksan ko na lang ang laptop ko, naalala ko na sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, ay nakagawa ako ng isang mahabang istorya na related sa kwento ng pag ibig ko. 

Aba! nagulat ako sa aking nakita, million million na ang views ! Isang araw lang akong hindi nagbukas ng laptop at pagbalik ko ng bahay ganito ang nadatnan ko. May comments na kaya? parang imposibleng magka comments ang bilis naman nilang magbasa. Pero hindi naman imposible iyon. May comments nga binasa ko isa isa: 

"Hala kawawa naman yung babae, ang sakit nun! na makita mo at malaman mo na meron na palang fiancee yung boyfriend mo!" 

"Sarap naman patayin nung lalaki! Kung ako iyan, pinamassacre ko na yan!" 

"Ay anak ng $*%&^ patayin ko yang lalaki na yan eh! " 

At pinakamahaba at ang comment na mismong nag agaw ng atensyon ko: 

" Para sa akin, sinabihan naman pala siya nung guy na magtiwala sa kanya pero pinaniwalaan pa rin niya yung nakita niya, although hindi mo nga naman maipagkakaila na nakita mo na ng dalawang mata mo at narinig mo na may fiancee na siya. Pero pakiramdam ko, may twist sa story. Ay gumawa ka ng part two awtor! Pero kung totoo nga talaga ang lahat. Kailangan mo ng mag move on, dahil hindi siya worth it... Kung iyon lang ang paniniwalaan nung babae" 

Ang haba! pero walang picture yung nag comment. Tinignan ko yung profile niya, sino ka? Hah! kakajoin lang sa wattpad! tapos binasa agad yung story ko? Follower ko ba toh? Aba'y oo follower ko nga! Bakit kaya siya nagcomment ng ganito? At lalong nakapag pagulo sa isip ko iyong comment niya! Ano ba yan comment lang poproblemahin ko pa ba? yan na lang ang nasabi ko sa sarili ko. Ang daming views ! Kumpara sa nauna kong storyang ginawa... 

...

Nakatulog na din ako sa kakabasa ng mga comments, may ngiti ako sa aking mga labi pagkagising ko, dahil naappreciate ng mga mambabasa ang istoryang ginawa ko. Hayyy wala na akong pakialam kung magustuhan ng wattpad ang istorya ko basta ang sa akin, naiparating ko sa mga mambabasa ang mensahe na gusto kong iparating sa kanila. 

Bukas na nga pala ang board exam namin para sa bookkeeping. Kampante akong papasa ako dahil magaling magturo ang guro namin. Napakagaling talaga. Tumingin ako sa oras, as usual nagmadali akong tumayo at medyo nahilo pa ako dahil kakabangon ko lang talaga. Hindi na ako nag almusal bagkus, naligo agad ako, nag toothbrush, nagbihis, sabay alis. At hindi ko na napansin na may hinanda palang almusal sa akin si Mama. 

Lakad, takbo, lakad, takbo. Problema mo yan Trish kaya lagi kang nagmamadali. Nakakainis talaga kailan ba ako magiging responsable? Lakad, takbo, lakad, takbo. Hanggang sa napahinto ako sa nakita ko. 

My Mr. Wattpad (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon