Chapter 12

14 1 0
                                        

Mas nauna ako kay Diane, 10:00 pa lang, nandito na ako sa SM North, at habang hinihintay siya, napagpasya kong mag libot libot muna. At sa paglilibot libot ko, hindi ko napapansin ang mga nakikita kong mga shops iisa lang naman kasi ang laman ng utak ko sa ngayon. Si Daniel, nagudududa na ako sa kanya. Hanggang ngayon hindi pa rin niya ako tinetext, samantalang dati, siya pa ang nagiging alarm clock ko para gumising ng maaga. Blangkong blangko talaga ang isip ko ngayong araw. Hanggang sa nag vibrate ang cellphone ko, nandito na si Diane, nagtext na siya.

Diane: Trish! san ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinahanap eh.

Ako: Sorry nag ikot ikot lang ang tagal mo kasi, kelan ka ba naging mabilis sa usapan.

Diane: Haha sorry naman ang seryoso mo naman girl o siya maupo tayo. Alam mo nagdedate na kami ni Alex! nililigawan na niya ako! At sa tingin ko mahal ko na siya!

Napansin ni Diane na nakatulala lang ako sa drinks namin kaya naantala ang pagkukwento niya.

Diane: Ui! Trish ! okay ka lang ba?

Ako: Ha? Ahhh,. Sorry.. uhmm good mabuti naman nagkakamabutihan na kayong dalawa

Diane: Trish, the moment you called me, i knew there's something wrong. Tell me about it.

Ako: (Naiiyak na) Si Daniel

Diane: O si Daniel sinaktan ka ba niya? nambabae ba siya? patayin na natin yan! hayop yan ah!

Ako: Chill.. ewan ko hindi ko alam basta ang alam ko, last na pagkikita namin yung hinatid niya ako sa bahay galing tayong megamall nun. Tapos sinabi niya sa akin na mahal na mahal niya ako magtiwala lang daw ako sa kanya. Hindi ko siya maintindihan. Bakit hindi pa niya ako tinetext ngayon o kaya naman tinatawagan? Ayoko rin naman siya itext at tawagan alam mong hinding hindi ko ugali yun.

Diane: Naku Trish, sorry hindi ko alam na ganyan pala ang sitwasyon niyo ni Daniel ngayon. So, hanggang ngayon hindi pa rin siya tumatawag or nagtetext?

Ako: (Tumango lang ako )

Diane: Trish tama na wag ka nang umiyak at nasasaktan din ako pag nakikita kitang ganyan. Tama na kainin mo na yang pagkain mo, may klase pa tayo mamaya ilang araw na lang at matatapos na ngayon ka pa magkakaganyan.

Sinunod ko na lamang siya. Oo nga pala ilang araw na lang ang mag eexam na kami. Parang board exam sa mga certificate degrees. Kayang kaya ko naman dahil ako naman lagi ang highest sa klase. Naubos ko naman ang pagkain ko, siguro nadala na rin ako ng stress. Stress sa pag iisip sa kanya.

Tama na ang drama na ito. Tumayo na kaming dalawa at pinagpag ko ang damit ko dahil sa mga asin ng french fries na inorder namin. Habang nagpapagpag ako ng damit ko, nahagip ng mata ko si Daniel.

Ako: Daniel!

Ewan ko kung guni guni ko lang pero tinitigan kong mabuti alam kong siya yun! Pumasok siya sa isang mamahaling restaurant. Sbarro...tuwang tuwa ako kasi nakita ko na rin siya sa wakas.

Diane: Teka Trish san ka pupunta!

Bahala na, iniwan ko na si Diane basta ang importante makausap ko si Daniel para liwanagin ang mga bagay bagay sa kanya. Hanggang sa paglapit ko ng restaurant, nakita kong may kasama siyang babae. May pinag aralan naman ako, ayokong isipin na kung sino ung babae na iyon kaya lumapit ako upang iklaro sa kanya.

Ako: Daniel....

Nanlaki ang mga mata niya nung nakita niya ako. Hindi niya akalain na susulpot ako doon at makikita ko siya na may kasamang babae.

Daniel: Trish...

Ako: Daniel Hi.. uhhh (tumingin ako sa kasama niyang babae, inuutos ng mga mata ko na ipakilala niya sa akin kung sino ang kasama niya)

Anna: Daniel sino siya?

Daniel:Friend ko....

Anna: Oh.. hi ! Hi I'm Anna! I'm Daniel's Fiance... Nice to meet you! It's good that you see us do you want to join?

Ako: (Trish kaya mo yan magpakatatag ka, isipin mong hindi totoo ang mga narinig mo)

Sa sobrang pagkagulat ko, hindi ko na sinagot si Anna nangiyak ngiyak akong tumakbo papalabas ng restaurant. Nakita rin ni Diane ang buong pangyayari kaya hindi na niya ako hinabol. Hindi ko hinabol ni Daniel. Okay Fine, alam ko na ito, hindi ka talaga mahal ni Daniel, panakip butas ka lang niya. Manloloko siya! Manloloko si Daniel! Manloloko siya!!

Iyak pa din ako ng iyak, hindi ko mapigilan umiyak, hindi na ako makakapasok sa klase ko ayoko nang pumasok !! Umuwi na lang ako ng bahay, umiiyak akong tumakbo papunta sa kwarto ko, kinandado ko ang pintuan ayokong magpaistorbo sa kahit na sinong tao. Gusto kong mapag isa.

Alam ko na, kung bakit mo sinabi sa akin iyon, pero bakit? Ang gulo mo! Bakit hindi mo na lang ako diretsahin bakit nagsabi ka pa na mahal mo ako? Bakit Daniel Bakit?!

Ang sakit! Sobrang sakit! hindi pa tumatagal ng buwan ang relasyon namin, ganito agad ang mapapala ko? Tama nga ! nagkamali ako ng desisyon na mahalin siya! naaawa ako sa sarili ko. Nagpakatanga ako sa lalaking may Fiance na !

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, gumawa ako ng bagong istorya sa Wattpad. Isang istorya na hangong hango sa sitwasyon ko ngayon. Inilagay ko ang sarili ko sa istorya na iyon. Wala akong pakialam kung sumikat o hindi! Basta gagawa ako ng istorya tungkol sa karahasan ko. Gusto kong mamulat ang mga babaeng tanga ngayon!

Tanga tanga mo Trish ! napakatanga mo!

My Mr. Wattpad (FINISHED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon