Ang eksena ay parang ganito. Nakita ko lang naman si Daniel slow motion pa sentrong sentro kami sa the Block. Ang tagal din namin magkatinginan at habang tumatagal ang pagtitinginan namin, marami na akong tinatanong sa sarili ko. Bakit mo nagawa ito? Bakit hindi mo sa akin sinabi na may fiancee ka na pala? Bakit? Ang daming bakit. Wala kaming imikan basta matagal lang kaming nagkatitigan. Pero nakikita ko sa mga mata niya na may gusto siyang sabihin at malungkot siya. Parang awa mo na sabihin mo sa akin at handa akong pakinggan ito masakit man o hindi. At para matahimik na ako. Pero hindi, hindi puwede malelate na ako. Gustuhin ko man siyang kausapin, wala na akong nagawa, umiwas na lang ako sa kanya at tumakbo papalayo.
Sana hindi mo isipin na iniwasan kita. Sana hindi mo isipin na wala na akong nararamdaman para sa iyo. Pero sa totoo lang hindi ka mawala sa isip ko, at mahal na mahal pa din kita hanggang ngayon. Napakarami kong gustong itanong sa iyo ngunit may pumipigil. Gusto ko lang malaman mo na sobrang namiss kita. Mahal na mahal pa rin kita. Sinasabi ko ito sa sarili ko habang tumatakbo ako sa overpass, tumatakbo na may kasamang luha. Ang sakit, ang sakit na makita siya lalo na't nakita ko ang mga mata niya na may gusto talagang sabihin sa akin.
Ma'am: O Trish, late ka na, alalahanin mo bukas na ang exam ngayon ka pa magloloko?
Trish: Sorry po ma'am kasalanan ko po talaga
Ma'am: O sige umupo ka na at rereviewhin ko na kayo.
Diane: Trish ano bang nangyari bakit ka late?!
Trish: Sorry nakita ko si Daniel
Diane: Hah?!!!
Ma'am: Diane, ano ba yan?
Diane: Ma'am sorry po... Trish for real? Anong ginawa mo?
Trish: Edi nagtitigan lang kami, e male late na ako e iniwasan ko n lang siya.
Diane: Eh.. Ah... hayy hindi ko alam ang sasabihin ko. Anyway tara mag review na tayo bukas na ang exam kaya natin ito!
Bukas na ang exam namin at hindi naman ako nakakaramdam ng kaba. Ang rereviewhin ko na lang siguro ay yung mock exam na binigay sa amin ng teacher namin. Kampanteng kampante talaga ako. Importante sa akin ito dahil gusto ko na makahanap ng trabaho. Nakakadepress kasi yung pakiramdam na yung mga kaklase mong mga halos kasabayan mo lang grumaduate ay may mga trabaho na, tapos ikaw nganga ka pa din? 4 hours review. Okay na yan ma'am umuwi na tayo please? sakit na sa pwet eh. Later on, nagdismiss na siya, hindi ako nakatiis nakipagdaldalan ako kay Diane.
Trish: Alam mo ba na ang daming views ng ginawa ko ng story sa wattpad?
Diane: Talaga? bakit hindi mo sa akin sinabi na gumawa ka pala ng story sa wattpad?
Trish: sorry broken hearted ako nung ginawa ko iyon.
Diane: So ano namang story niyan?
Trish: Edi tungkol sa love life ko.
Diane: Seryoso ka? yung buong iyon buong pangyayari?
Trish: Oo naman masama ba? eh ako naman yung writer
Diane: Loka ka talaga, baka naman pati pangalan pareho din
Trish: Hindi naman... Bakit ko naman gagawin yun?
Diane: Sus meyo akala ko, eh anong pangalan ginawa mo? baka kasi pangit
Trish: Diane and alex lang naman (pinalo ako ni Diane sa likod) aray ko naman! yung baga ko tatalsik. Joke lang nu ka ba? basahin mo na lang kaya?
![](https://img.wattpad.com/cover/6857352-288-k659772.jpg)
BINABASA MO ANG
My Mr. Wattpad (FINISHED)
TeenfikceNgayon lang nalaman ni Trish na pwede ka palang makilala kapag gumawa ka ng sarili mong istorya sa Wattpad. Hindi talaga niya hilig ang magbasa ng mga libro at magsulat. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya sa personal ang awtor ng isa sa bes...