Sa kakapakinig ko ng kanta ni Taylor Swift, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. At sa kasarapan ng tulog ko, tanghali na ako nagising. "Hala 10:00 na!" pero okay lang kasi sabado naman. Naalala ko, may lakad pala ako mamaya kasama ang bestfriend ko at ang ipapakilala ni Daniele sa kanya. "Meron na kayang progress yung story ko?" Agad agad kong kinuha ang aking laptop at binuksan ito. "Gusto ko ng magandang pambungad sa umaga. Good vibes please" sabi ko sa sarili ko.
Nakakalungkot mang sabihin pero napakakonti pa lang ng view neto. Pakiramdam ko walang interesado sa istorya ko. Paulit ulit ko namang binasa ang ginawa kong summary, okay naman. Sapat na para malaman ng mambabasa ang nilalaman ng istorya ko, ngunit wala talaga. Unang araw pa lang naman ito, marami pang susunod na araw.
Maya maya pa ay tumunog na ang aking cellphone. Alam ko na kung sino ito.
Daniel: Good morning Baby, kumusta ang tulog mo?
Ako: Ayos naman ang tulog ko, nakinig na lang ako ng kanta ni Taylor Swift bago ako matulog.
Daniel: Ay bakit? hindi ka pa ba nakatulog pagkatapos natin mag usap kagabi?
Hala.. Konting pakipot naman diyan girl...
Ako: Hindi talagang hindi lang talaga ako makatulog.. Daniel ang konti pa lang ng nag view sa story ko :(
Daniel: Ano ka ba unang araw pa lang naman. O mamaya ah? sinabihan mo na ba ang bestfriend mo?
Ako: Sasabihan ko pa lang. Papayag naman yun lalo na pag ako ang nag sabi..
Daniel: O sige text na lang ah? I love you
Ako: I love you too :)
Yiiiee kilig ako.. hayy... pambungad sa umaga, pwede na rin yan. Pagkababa ko ng cellphone ay agad kong tinext si Diane. Text na lang dahil nakavibrate ang cellphone nia pag text kaysa tawag. Baliktad ano?
...Bes, mamaya mag megamall tayo mga 6:00 ng gabi. Pwede ka ba? Alam ko namang di ka tatanggi e ^^
Ow, sure ! cge mmyang 6:00 sa megamall ah? anung meron? ......
... Basta ! Wait and see na lang ^^
Dami mong alam sige na mamaya na lang text mo na lang ako...
O diba? sabi sa inyo hindi siya tatanggi ^^
Sabado ngayon at eto ang pinakaayaw kong araw dahil mas marami pa ang ginagawa ko tuwing sabado kumpara sa mga araw na may pasok ako. Hayy ano pa nga ba edi linis linis din kapag may time! Maya maya pa ay pumasok ang mama ko sa kwarto ko sabay dumeretso sa cabinet ko at binuksan ito.
Mama: O, Trish kelan pa nagkaroon ng ukay ukay sa bahay natin?
Ako: Ma naman e ! Lumabas ka na nga !
Si mama talaga! lagi na lang pinapakialaman ang mga damit ko. Wala e talagang tamad ako pagdating sa mga personal kong mga gamit pero pag nasa ibang bahay naman ako, sobrang linis ko, sabi nga ng nanay ko kaplastikan daw ang ginagawa ko, kasi hindi ko daw magawa sa sarili kong pamamahay yung ginagawa ko sa iba. Pakitang tao lang daw.
Whatever... I hate saturdays the most...as usual, pagkatapos ng mga ginawa ko sa bahay, pumuwesto ako sa harap ng laptop para manuod ng mga movies. Mahilig ako manuod ng movies mabuti nga at na upgrade na ang internet namin kaya nakakapagdownload ako ng maraming movies. Pinanuod ko ang She's the one, medyo nakarelate ako sa istorya ganun naman talaga eh kapag love story ang pinag uusapan, makakarelate ka talaga. And speaking of love story "Hala ! 5:00 na !" bumalikwas ako sa kama, napasarap ang panunuod ko ng mga movies, pupunta pa nga pala ako ng megamall at 6:00 ang usapan. Ayos diba?!
BINABASA MO ANG
My Mr. Wattpad (FINISHED)
Teen FictionNgayon lang nalaman ni Trish na pwede ka palang makilala kapag gumawa ka ng sarili mong istorya sa Wattpad. Hindi talaga niya hilig ang magbasa ng mga libro at magsulat. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya sa personal ang awtor ng isa sa bes...