Chapter 17

12 0 0
                                        

Pagdating ko ng bahay, pinaalam ko agad sa Mama ko na pumirma na ako ng kontrata para sa pag publish ng istorya ko sa Wattpad.

Mama: O ganung katagal naman yung contract na yun?

Ako: Valid for 1 year daw ma eh

Mama: Eh Paano kapag natapos na yung contract anu nang mangyayari

Ako: Siguro renewal .

Mama: Eh dapat tinanong mo

Ako: Madali na lang naman yun e. Mama alam mo ba kung anong nangyari kay Diane? Kasi hndi pa siya nagtetext o tumatawag sa akin eh.. tapos hindi naman niya sinasagot yung mga tawag at text ko. Nag aalala lang kasi ako kasi pakiramdam ko nag away sila ng boyfriend niya. 

Mama: Hindi din naman siya tumatawag dito sa bahay eh o kaya naman ay nagpupunta. Kaya wala din akong balita sa kanya. Bakit hindi mo puntahan? 

Ako: Yun nga din ang balak ko Ma eh kaso syempre paano naman? Syempre priority ko naman yung pag publish ng story ko. Mag book signing na nga ako bukas eh. Uunahin ko pa ba yan? Siguro pagkatapos na lang.. puntahan ko siya sa bahay pero sana makapunta siya bukas .. Nag iwan naman ako ng message sa kanya. sana matanggap niya 

Mama: Matatanggap naman niya iyon. E lagi nakabukas ang cellphone nun diba? 

Ako: Hindi rin Ma. Anyway I'm sleepy.. Kailangan ko na matulog para may lakas ako para bukas.. 

Mama: Oo nga.. picture picture pa malay mo ma publish ka din sa dyaryo niyan. And by the way I'm so proud of you anak. 

Ako: Thanks Ma (niyakap ko sya)

Pagkatapos ng mahabang pag uusap namin ng aking ina ay umakyat na ako patungo sa aking kuwarto. Pagkatapos kong maghilamos ay dali dalian na akong humiga at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako kaagad. 

...

Pagkagising ko ay kinuha ko agad ang cellphone ko at umaasang may message man lang galing kay Daniel, ngunit wala... bahagyang napasimangot ang aking mga bibig pero importanteng araw ang ngayon kaya kailangan kong maging matatag at maging masaya. Tinext ko na lang si Diane at baka sakaling magpunta pag nabasa niya ang message ko. "Girl kumusta ka na ba? wala na akong naririnig tungkol sa iyo ano na ba ang nangyayari sa iyo? Book signing ko ngayon sa Bookstore sa SM NOrth kaya sana ay makapunta ka. 3 pm pa naman iyon I miss you"

3 pm pa naman ang book signing kaya marami pa akong pwedeng magawa ngayong araw. 10am na din pala ako nagising, pagtingin ko sa orasan. Kailangan pala ay umais ako dito ng 2:00 and this time, hindi na puwedeng Filipino Time. Nagpasya na lamang akong kumain. Wala pa din talaga akong gana. Dalawang tao na ang hindi nagpaparamdam sa akin ngayon, pakiramdam ko sasabog na ako o mag cocollapse. Ang hirap ng ganito, diyos ko po kunin niyo na lang kaya ako?

Hirap na hirap na nga ako makamove on kay Daniel dahil sa di malamang kadahilanan eh pati ba naman ang bestfriend ko? Napapraning na din? Hayyyy....Nag yogurt lang ako. Okay na din eto para maliit yung tiyan ko kapag nag book signing ako.

Pagkatapos ko kumain ay dumeretso ulit ako sa kuwarto upang mamili ng susuotin. Kailangan presentable ako doon kasi kukunan ako ng picture at syempre may mga fans din ako kaya dapat ako ang bida! nakangiti akong kinakausap ang aking sarili at aminado akong mukha akong baliw. Sino ba namang hindi mababaliw diba? Edi kausapin na lang ang sarili.

May nakita akong pulang dress at iyon ay nagpaakit sa aking mga mata sabi kasi ng bestfriend ko ay bagay na bagay ko daw ang damit na pula dahil lalo daw lumilitaw ang puti ko dito. Sinukat ko ito at tumayo sa harap ng salamin. Oo nga, ang puti ko nga puwede na.. puwede nang Jessie Mendiola. Ang feeler ko naman? Hindi dn naman ako mahilig mag ayos, tinuruan lang ako ng kaunti ng bestfriend ko okay na din yun hndi ko naman kailangan ng makapal na make up dahil nag papantal ang mukha ko sa mga make up. Bagay pala talaga sa akin ang pula kaya nagpasya ako na ito na lang ang susuotin ko mamaya.

My Mr. Wattpad (FINISHED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon