Hindi ako nakatulog ng maayos. Hindi ako mapakali, iniisip ko yung sinabi sa akin ni Daniel bakit ba niya sinabi yun? naku ang mga lalaki kabisado ko na yan, kapag nagsasalita ng ganun, may ginagawa nang kalokohan. Gosh Trish stop thinking non sense ! just focus to the present! para na akong baliw at kinakausap ko ang sarili ko ng ganito.
Linggo nga pala ngayon, eto naman ngayon ang araw para magpasalamat sa diyos. Pero maniwala kayo sa akin, hindi ako relihiyosang tao. Hindi ako nagdadasal pagkagising, bago kumain, bago matulog at lalo na sa simbahan ni hindi nga ako nakikinig sa sermon ng pari! san ka pa ? ang bait ko diba?
Ha! Eto na nga ba ang sinasabi ko, linggong linggo, ngayon na nga lang makakapagsimba ulit at kailangan related sa akin yung sermon ng pari? "What you are today, is the product of your decision" sa loob loob ko, oo nga naman. At sa lahat ata ng desisyon ko palaging palpak eh. Hindi naman kasi dapat management ang course ko eh dapat medicine kasi gustong gusto ko talaga maging doctor. Yes, product of my decision and here I am, hirap na hirap maghanap ng trabaho. Pero naisip ko, tama kaya ang naging desisyon ko na mahalin si Daniel? hanggang dito ba naman sa misa, bumabagabag pa rin sa akin yung mga sinabi niya sa akin kagabi.
Hanggang sa natapos ang misa, tulala pa rin ako, hindi pa rin talaga. Umorder na lang ako ng salad sa Max's dito kasi kami lagi kumakain pagkatapos ng misa.
Mama: Yan lang ang order mo? Okay ka lang ba?
Ako: Yes ma, okay lang ako. wala lang talaga akong ganang kumain
Nagsinungaling ako sa nanay ko. Ang totoo talaga niyan ay hindi ako okay. At hindi pa rin nagtetext sa akin si Daniel ngayon, nag aalala na ako sa kanya ayoko din naman na ako ang maunang mangamusta sa kanya, dahil hindi ko ugali ang maunang magtext maliban na lang kung emergency. Ha! Trish, hallucination mo lang yan. Kumain ka na lang. Sabi ko sa sarili ko.
Hanggang sa pag uwi namin ng bahay, hanggang sa gumabi na, hindi pa rin nagtetext si Daniel. Hindi na ako mapakali, tawagan ko na kaya? ididial ko na pero nagdadalawang isip pa rin ako. Hay ang hirap naman ng ganito, nasanay ka na palagi kayong magkausap tapos biglang mawawala ang communication. How sad. Tinext ko na lang ang bestfriend ko, kailangan ko ng kausap, nalulumbay talaga ako. Tinext ko siya na magkita kami bukas, tutal hapon pa naman ang klase namin, alam na niya kaagad ang ibig kong sabihin.
Itutulog ko na lang ito. Baka sakaling pagkagising ko kinabukasan, wala na ito. Siguro talagang busy lang siya ngayon.
BINABASA MO ANG
My Mr. Wattpad (FINISHED)
Novela JuvenilNgayon lang nalaman ni Trish na pwede ka palang makilala kapag gumawa ka ng sarili mong istorya sa Wattpad. Hindi talaga niya hilig ang magbasa ng mga libro at magsulat. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya sa personal ang awtor ng isa sa bes...