Nagpaalam ako ng mabilisan sa publisher at sinabi kong emergency ang sitwasyon. Agad agad akong umalis at nag taxi na lang ako para mabilis, wala akong pakialam kung mahal basta makarating lang ako kaagad sa ospital. Manong pakibiisan naman ho! Emergency po eh ! naiirita na ako ayoko ng ganito may nangyayaring masama sa bestfriend ko at hindi ko hahayaan iyon. Kaya pala ilang araw na niyang hindi sinasagot ang mga tawag at texts ko at ganito na pala ang nangyari.
Pagkadating ko ng Ospital ay nagtungo agad ako sa reception. Diane Dela Fuente po at tinuro niya sa akin ang floor kung saan siya naka confine. Dahil 3rd floor lang naman ay tinakbo ko na gamit ang hagdanan dahil alam kong mas matatagalan pa kapag nag elevator ako.
Hingal na hingal kong natuntong ang 3rd floor pero balewala sa akin iyon basta ang mahalaga mapuntahan ko kaagad si Diane. Mabilisan kong hinanap ang room niya at nang marating ko ito, biglang namaga ang aking mga mata at para akong iiyak dahil totoo nga na naka confine siya sa ospital na ito dahil naka ukit ang pangalan niya sa kuwartong iyon. Kumatok ako upang malaman nila na nandito na ako. Pinagbuksan ako ng pintuan ng kanyang ina at agad akong pinapasok. Napansin kong private room ang kinuha nila kaya mag isa lamang siya doon at kumportable ang kuwarto malamig ito, may ref, mayroon ding sofa para sa nagbabantay at pwedeng matulog dito ang nagbabantay dahil sa laki nito. Tulog siya ng maabutan ko kaya naman ay kinausap ko muna ang kanyang Ina.
Ako: Tita, ano po ba ang buong pangyayari?
Tita: Pasensya ka na iha at hindi ko agad napagbigay alam ito sa iyo. Dahil ayaw niyang malaman mo dahil ayaw niyang malungkot ka at gusto niyang maging successful ang book signing mo at masayang masaya siya para sa iyo.
Ako: (Habang tumutulo ang luha ko) kaya naman pala hindi niya sinasagot ang mga tawag at texts ko. Mas masaya po sana kung isa siya sa mga nakasaksi ng book signing ko
Tita: Ewan ko ba Trish nagulat na lang ako nang pagkapasok ko ng kuwarto niya, nakita ko siyang walang malay.. Ngunit nakita ko na nagdurugo ang kanyang pulso sa kamay niya kaya inisip ko agad na nagtangkang magpakamatay ang anak ko. Nabanggit niya sa akin na meron daw siyang gustong lalaki ngunit wala na akong balita pagkatapos niya banggitin iyon dahil hinahayaan ko lang naman siya sa lahat ng ginagawa niya basta kaya niya ang sarili niya. Dahil pag lalo mo kasi pinaghigpitan ang batang yan, lalong magpupumilit na gawin iyong bagay na iyon kaya sana sa pangyayaring iyan sa kanya ay magtanda na siya at huwag nang umulit pa. At bilang ina niya, hindi ko akalain na magagawa niyang magpakamatay dahil wala naman akong naging pagkukulang sa kanya. Naging mabait na magulang naman kami ng kanyang ama sa kanya. (naluluha na din ang kanyang ina)
Ako: Kahit ako din po ay nagulat dahil sa pagkakakilala ko po sa anak ninyo ay isa siyang matapang na babae kaya hindi siya basta basta susuko. Eh kumusta naman na po siya ngayon
Tita: Nakarecover nman na siya at sabi ng doktor ay mabuti na lang daw ay dinala agad sa ospital dahil nauubusan na siya ng dugo dahil tuloy tuloy ang pag agos ng dugo niya sa kamay niya.
Ako: Hayaan niyo po't susuntukin ko iyan pag nagising iyan
Tita: Iha kumain ka na ba? Malamang ay nagmadali ka papunta dito sa ospital sandali lang at bibili lang ako ng makakain mo ah? Ikaw na muna ang bahala sa anak ko.
Ako: Opo tita... sige po take your time po thanks po ....
Pagkalabas ni Tita ay kami na lang dalawa ni Diane ang naiwan sa kuwarto. Ramdam ko ang lamig ng aircon siguro dahil malamig ang sitwasyon ngayon at kritikal. Lumapit ako sa kama nito at naglagay ako ng upuan malapit dito at tyaka naupo. Napansin niya ata na may umupo sa tabi niya at unti unti nito dinilat ang kanyang mga mata. Nung una ay hindi pa niya ako masyado makilala dahil kakagising lang niya, at nang katagalan ay nakilala niya na rin ako at nagsimula na itong magsalita.
Diane: Trish? Trish diba dapat nasa bookstore ka?
Trish: Sssshhh tapos na iyon ang mahalaga nandito ako ngayon sa tabi mo
Diane: Trish (bigla itong umiyak) trish masayang masaya ako para sa iyo. Natupad mo na rin ang pangarap mo. Trish patawarin mo ako sa nagawa ko sa aking sarili. Sobrang tanga ko (at lalo pang lumakas ang hagulgol neto)
Trish: Diane wag ka na umiyak dahil makakasama sa iyo iyan. Nandito tayo ngayon sa ospital para magpagaling ka at hindi para umiyak.
Diane: Hindi ako ang mahal ni Alex... may iba siyang mahal huling huli ko sila... Naghahaikan sila ng babae niya.. At ang malala pa, iyong babae na iyon ay ex niya. Diba kaya nga ex eh diba? bakit ?? bakit??
Trish: Diane diba sabi ko wag ka na umiyak? Makinig ka saken (lumapit ako para marinig niya ang sasabihin ko) hindi mo dapat gawin iyan sa sarili mo dahil hindi siya kawalan sa iyo. Hindi mo siya deserve at isipin mo na lang na kaya nangyayari ito dahil merong tao na naghihintay sa iyo na mas deserve mo. Huwag ka na umiyak please kase hindi worth it ang pag iyak mo. Dumaan siya sa buhay mo para turuan ka ng leksyon para sa susunod ay mas matatag ka na at hindi ka na basta basta. Diane sinamantala niya ang kahinaan mo, kaya sa susunod ay pag aralan mo muna lahat ng bagay bago ka dito sumabak. Hindi ko din naman aakalain na ma fafal ka sa kanya ng ganyan at sana ay hindi na lang kita pinakilala sa kanya. You need to let go of that person. You don't deserved him. So move on. (naiiyak ako habang sinasabi ito sa kanya )
Diane: Trish .... (yumakap siya sa akin at nagiiyakan kaming dalawa) maraming salamat at nandito ka lagi para sa akin.
Trish: That's what friends are for .... Huwag mo nang uulitin iyan ah?
Diane: Hindi na... hindi na
Trish: Promise?
Diane: Promise
Trish: Oo talaga dahil pag hindi ako mismo papatay sa iyo
Diane: Ang hard naman teh eh !
At nagtawanan kami pareho. Habang nagkukwentuhan kami tungkol sa aking book signing ay naudlot ito ng pumasok ang kanyang ina.
Tita: O nakapag usap na pala kayong dalawa at mukhang masaya na kayo.
Ako: Opo tita, at talagang sobrang pasaway lang talaga ng anak ninyo
Tita: Sus andrama niyo eto na Trish at kumain ka na habang mainit pa ang lugaw. Hindi na ito masarap pag lumamig na. At may good news ako, makakalabas ka na daw ng ospital anak.
Ako: Talaga makakalabas ka na pala ng ospital eh yey!!! Kumusta na ba ang pakiramdam mo?
Diane: Okay na ako... hindi na din masyado masakit ang kamay ko, mabilis naman ako maka recover
Ako: Sana nga mabilis ka rin mag move on!
Diane: Oo na ! wag mo na akong pagalitan. O siya bukas pupunta ako sa bahay ninyo ah? Kumain tayo doon manuod tayo ng mga horror movies.!
Ako: Wow ha ! Horror movies e ikaw nga tong masyadong matatakutin e !
Diane: Kumain ka na lang nga! dami mong sinasabe!
Ako: Oo nga at mainit pa ito, halika subuan na rin kita....
I'm happy that my bestfriend is now okay.
BINABASA MO ANG
My Mr. Wattpad (FINISHED)
Roman pour AdolescentsNgayon lang nalaman ni Trish na pwede ka palang makilala kapag gumawa ka ng sarili mong istorya sa Wattpad. Hindi talaga niya hilig ang magbasa ng mga libro at magsulat. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya sa personal ang awtor ng isa sa bes...
