Chapter 2
Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi sa akin ni Diane noong nakita ko ang libro na iyon. “Alam mo ba, sa Wattpad lang galing iyan”Agad agad kong binuksan ang Google Chrome. Nagkamali ako ng maraming beses dahil hindi ko alam ang spelling “Watpad, Wattpadd, Watpadd, king ina naman oh!” sumisigaw na ako sa harap ng laptop dahil ako lang naman ang klase ng tao na mabilis mainis. “Wattpad” nakahinga ako ng malalim nang biglang bumulaga sa akin ang kulay orange nitong background. Sinabi nito sa akin na kailangan ko daw mag register para makagawa ako ng sarili kong story. Kaya naman iniregister ko ito sa isa kong e-mail address. Nakakainis kasi na lahat ng social networking sites ay mas lamang pa kaysa sa mga personal mong message; kaya dalawang email ang ginagamit ko. Isa ay para sa mga personal ko at isa para sa networking sites.
“Hmm may Featured din pala dito. Dito siguro sila kumukuha ng magandang ipublish sa market” napuna ko kasi na mapupunta sa featured kapag maraming nagbabasa ng istorya mo, o kaya naman ay maraming bumoto. Sinubukan kong hanapin sa Wattpad yung librong nakita ko kanina. Natuwa naman ako dahil nakita ko siya at malamang sa malamang, buburahin na ito ng author dahil meron na siyang napublish na libro sa market. Short story lang pala yung nakita kong libro kanina. Nagawa ko siyang basahin sa loob lang ng dalawang oras; mabilis kasi akong magbasa ngunit hindi ko hilig ang magbasa. Maikli lang siya pero makabuluhan ang istorya nito at marami kang matututunan.
Dahil dito sa istoryang ito, bigla akong nagkaroon ng inspirasyon na magsulat. Hindi naman masama kung susubukan mo hindi ba? Sino ba naman ang mag aakala na ang istorya mo ay makilala rin nila balang araw. Sisimulan ko na sana magsulat dahil marami ng pumapasok sa isip ko. Hindi naman makakapag sulat ang isang tao kung walang pumapasok sa imahinasyon niya. Dumating na ang mga magulang ko at kailangan ko ng maghain para sa kanila. Ang hapunan lang naman naming ay walang iba kundi nilaga. Ako ang nagluto dahil wala naman na kahit sinong pwedeng utusan para magluto.
“O, Trish kumusta ang pag aaral mo?” sabi ng nanay ko habang kumakain. “Ay ayos lang po nay, naiintindihan ko naman po ang turo sa amin” konti lang naman kasi kami sa klase. Halos walo lang kami kaya mahihiya ka kapag hindi ka nag aral ng mabuti. “Mabuti naman kung ganun. Kailangan mo ng magtrabaho anak at ang dami mo ng utang” hay eto na naman siya, sinisingil na naman niya ako sa lahat ng nagastos niya sa akin. “Opo, pagkatapos po ng pag aaral ko ay maghahanap na ako ng trabaho” pagkatapos ng hapunan ay hinugasan ko na ang aming pinagkainan. Minsan naisip ko, sana may kapatid na lang ako para siya na lang yung uutusan ko kapag ayaw kong gawin ang inuutos sa akin.
Gusto ko ng ituloy ang ginagawa kong istorya sa Wattpad pero wala na akong lakas para magsulat. Sobrang hapdi na ng mga mata ko, antok na antok ako kanina sa school sa sobrang lamig ng Aircon. “Bukas na lang ha? Wattpad?” sinara ko na ang laptop ko at sabay tulog.
***
Nagising ako sa sobrang init. Ramdam na ramdam ko ang pawis na dumadaloy sa buong katawan ko. “Ang aga na naman pinatay ang Aircon” ayaw na ayaw kasi ng nanay ko na minamagdamag ang Aircon dahil tataas daw ang babayaran sa kuryente. Gusto ko pa sanang matulog ngunit pagkatingin ko sa orasan “Hala! 11:30 na!” tumayo agad ako sa kama, kinuha ko ang twalya ko at nagmadali papunta sa CR. Lahat nagawa ko sa isang madalian lang. Pagsipilyo, paliligo at pagbibihis. Dali dali ko ring sinuklayan ang buhok ko at halos magkalagas lagas na kakamadali.
Nagdadalawang sakay ako papasok ng school; tinatamad kasi akong mag overpass dahil ang layo layo ng nilalakad. Kakadisiplina ng MMDA sa mga Pilipino, lalo pang hahanap at hahanap ng paraan ang Pilipino para maging pasaway.
Natagalan pa ako sa pagsakay dahil bibihira lang ang FX sa oras ng pasok ko, tanghaling tapat na kasi. Hindi ako sumasakay ng jeep kapag papasok ako dahil hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ako nakapag soundtrip. Hindi ko naman kasi maririnig yung kanta kapag nag jeep ako. Kinuha ko ang Iphone ko galing sa bulsa. Nilagay ko ang earphones ko sa magkabilang tenga. Ayaw na ayaw ko rin naman nag aabot ng bayad kaya nagtutulug tulugan ako. Napakatamad ko talagang tao. Ayun, mukha lang akong baliw. Ang ganda kasi ng mga kanta ni Taylor Swift, pakiramdam ko may hawak akong gitara.
Sa loob ng trenta minutos, nasa SM North na ako. Gusto ko pa sanang mag ikot ikot pero male late na ako, kaya bumili na lang ako ng waffle. Chocolate fudge ang binili ko dahil paborito ko iyon. “Dalawang chocolate fudge nga po” gutom na gutom na ako at sa sobrang pagmamadali ko, hindi na ako nakakain ng kahit ano. Ganito lagi ako kapag papasok, lagi na lang akong tinatanghali ng gising. Minsan naiinis na rin ako sa sarili ko at sinasabi ko “Minsan maging maaga ka naman para nachechekan yung mga assignments mo” kapag kasi nalate ka, wala ng score. Sayang lang.
Pagkatapos ko ubusin ang dalawang waffle, nagmadali na ako papunta sa school ng walang inom – inom ng tubig. Dati rati, hinihingi lagi ng gwardiya ang ID ko, pero nung nasanay na siya sa mukha ko magmula nun ay dire diretso na akong pumapasok. Limang palapag lang ang school naming kaya mabilis lang makarating ang elevator sa pinakataas. Nasa 5th floor ang room namin.
Pagkabukas ko ng pinto, lahat sila ay nagtinginan sa akin. “O, hindi ako late ah!” maswerte ako dahil wala pa ang guro namin pagdating ko at sa unang beses, kumpleto agad kami bago pumasok ang guro namin. Panibagong lesson na naman para sa araw na ito kaya hindi pwede na walang laman ang tiyan ko kapag pumasok ako; dahil magugutom at magugutom ako kakaaral. Gayunpaman, wala kaming assignment kaya hinihintay na lang naming ang guro namin.
“Good afternoon class, kumusta naman kayo?” ayos tong teacher naming. Cool ito, kakaiba siya sa lahat ng guro na nakilala ko. Wala akong masabi sa galing niya magturo at iba talaga kapag training dahil idadaan ang lahat sa aktwal. Ano ba naman ang turo sa kolehiyo? Basta may libro, okay na bahala na kayo sa buhay ninyo. Pero etong teacher na ito kakaiba ito dahil lahat ng sinasabi niya ay on-the-spot hindi minemorize, hindi scripted, siguro ay dahil na rin sa mga karanasan niya noong nagtatrabaho pa siya.
Nag sagot lang naman kami ng mga exercises, wala namang quiz o exam na naganap kaya maaga din kami pinalabas ng aming guro.
***
Bago umuwi ay naisipan kong mag ikot ikot muna sa National Bookstore “Aba, bago to” dahil sabi ko naman na ayaw ko talaga sa mga libro dahil tamad akong magbasa. Isa lang naman ang pakay ko, titignan ko ulit yung librong nakita ko kahapon. Hindi ko alam kung bakit pero nagkaroon ako bigla ng interes sa pagsusulat nang mabasa ko iyon. Buti na lang at may stock pa, isa na lang! Aba best seller pala talaga itong librong ito. Agad agad kong kinuha at binuklat ang libro. “Dear book, hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin at nagkaroon ako bigla ng interes na gumawa ng istorya” tinignan kong mabuti ang libro para malaman kung sino ang awtor neto. “sinulat ni Daniel Cruz” aba ang ganda ng pangalan; lalo na at sikat na sikat ngayon ang batang aktor na si Daniel Padilla. “Sino ba namang mag aakala na magiging best seller ang libro mo? Wala pala talagang imposible sa Wattpad” habang binabasa ko ang laman ng libro, bigla ko itong nabitawan ng may nagsalita sa tabi ko.
“Nagustuhan mo ba?”

BINABASA MO ANG
My Mr. Wattpad (FINISHED)
Fiksi RemajaNgayon lang nalaman ni Trish na pwede ka palang makilala kapag gumawa ka ng sarili mong istorya sa Wattpad. Hindi talaga niya hilig ang magbasa ng mga libro at magsulat. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya sa personal ang awtor ng isa sa bes...