Chapter 8
Tanghali na ako nagising dahil ang sarap matulog, umuulan. Natuwa naman ako dahil hindi ako niyugyog ni mama sa kama kaya naman hawak na hawak ko ang oras ko ngayon. Nag muni muni muna ako gaya ng aking nakagawian. Pagkalabas ko ng kwarto, nakita ko si mama at si papa nakabihis na.
“O Trish, hindi kita ginising kasi alam kong pagod na pagod ka. Kailangan mo na mag ayos, ayun, may natira pang pandesal. Kainin mo na yun at maligo ka na. Magsisimba na tayo bilisan mo lang” hay, akala ko ba naman hawak na hawak ko na talaga ang oras ko. Hindi nga ako ginising, pagmamadalian naman ako.
Padabog akong pumunta sa lamesa dahil yamot na yamot talaga ako, ang sarap kaya matulog. Tatlong pandesal lang ang kinain ko at sinabayan ko na lang ng Milo para mas mabilis akong mabusog. Pagkatapos kong kumain ay dali Dalian akong nagpunta sa CR para maligo. Pinili ko ang bistida kong pink. Magmukha man lang akong babae isang beses sa buong buhay ko. Marami na ang nagbago sa akin ngayon, mas nahilig na ako ngayon sa mga pagpapaganda. Syempre kailangan kong maging maganda lagi sa paningin ni Daniel; para ako lang ang Makita niya. Selfish diba? Pagkatapos kong magbihis, nag vibrate ang cellphone ko. Natuwa ako, dahil si Daniel lang naman ang nagtetext sa akin tuwing umaga.
Daniel: Good morning baby J Magsisimba na kayo. Ingat ha?
OMG baby daw! Namula naman ako.
Ako: Morning blush :”> Good morning din J
Nakakakilig ! Ganun pala ang pakiramdam kapag may boyfriend ka na.
Paglabas ko ng kwarto, napuna ni mama ang pagkapula ko. “O, Trish ang aga aga namumula ka” nakangiti niyang sabi “Tara na, naghihintay na ang ama mo” lagi naman eh. Mainipin kasi si papa, kahit kelan talaga.
***
Gaya ng dati, sa Good Sheperd kami magsisimba. Ano naman kayang sermon ng pari ngayon? Hindi ko napigilan ang sarili ko lumingon sa paligid dahil maganda talaga ang simbahan at aircon ito. Sa pagmamasid masid ko, may nakita akong magkasintahan, nagyayakapan. Umirap ako nang Makita ko sila “Hindi naman siguro kami ganun ka exposed ni Daniel sa public?” sabi ko sa sarili ko. Ayoko ng ganun, respeto naman nasa loob ka ng simbahan diba?
“Walang perpektong tao, lahat tayo, may kanya kanyang sablay. Kahit ikaw na ang pinakamaganda sa balat ng lupa, may sablay pa din. Kung ginawa ba tayong perpekto ng diyos, makikilala pa ba natin siya? Syempre hindi. Ngunit, ang gusto ko lamang ipahatid sa inyo na sana naman ho nagdadasal kayo hindi lang dahil kailangan niyo siya, hindi lang dahil may gusto kayong mangyari at makuha. Ang pagdadasal ay araw araw po iyan. Iyan po ang pinakadaan natin para mapalapit sa panginoon. Kada linggo, mabibilang ko po sa aking mga mata ang dami ng tao kumpara sa dami ng tao tuwing salubong, palaspas, ash Wednesday, pasko. Bakit po ganun mga kapatid? Nagpapakita lang kayo tuwing may mahalagang kaganapan sa simbahan?”
***
Napanganga ako sa sinabi ng pari. Sermon nga talaga iyon. Astig talaga yung pari na yun sobrang nakaka ugnay ako sa mga sinasabi niya. May mga tao naman talaga kasi na hindi mo makikita sa simbahan pag linggo, kapag naman may mahalagang araw, halos hindi mahulugang karayom ang simbahan. Bakit nga ba kasi ganun?
Dating gawi, fish fillet ulit ng Nitz ang inorder ko. Sa tagal ko nang kumakain sa restaurant na ito, hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano nila nagagawang bilog itong fish fillet.
Napatigil ako sa pagkain nang Makita ko si mama na nagsasalubong ang kilay sa binabasa niyang text message. “O, mama ano na naman yan? Kalma ka lang diyan” patuloy pa din siya sa pagtetext “Paano ba naman kasi! Ang kukulit ng mga customer, sinabi ng tuwing linggo hindi tayo bukas eh!” ah, dahil doon. Mga Pilipino naman kasi talaga, hindi makaintindi. Simpleng instructions hindi maintindihan. Kaya nga noong nag aaral pa ako sa kolehiyo, sinasanay kami lagi ng propesor naming na sumunod sa instructions para maiwasan ang mali. Laking pasasalamat ko din sa paaralang yun. Maganda naman ang turo nila sa amin. Yun nga lang, mga walang trabaho pagkatapos grumadweyt.
Pagkatapos namin kumain ay dumeretso kami ng SM Fairview para mag grocery. Wala daw kasi sa Ever yung mga hinahanap ng mama ko na sangkap para sa gusto niyang lutuin. “Ano ba kasing lulutuin mo?” tanong ko sa kanya. Ang arte naman kasi. “Carbonara nga, kulang kulang dun sa Ever eh” diba white sauce lang yun? May nabibili namang instant sauce ng Carbonara eh. “Okay, mama pwede bang magpunta lang ako ng Department Store? Dala ko naman cellphone ko, itext mo na lang ako pag nasa pila ka na para pupuntahan kita” tumango na lang siya. Wala naman siya magagawa kapag dinugtungan pa niya ang sinabi ko.
Nagpunta ako ng Department Store para mag ikot ikot, ayaw ko lang talaga maburol sa Supermarket. Ang dami na palang bago ngayon, pero meron din naman na yung mga dating damit, bumabalik, mas maganda na nga lang na bersyon. Dumaan ako sa Men’s wear at bigla kong naalala si Daniel. “Kelan kaya birthday niya?” nasesearch ba yun sa Wikipedia? Gusto ko namang bigyan siya ng regalo sa lahat ng naitulong niya sa akin para matapos ko ang istorya ko. Hindi ako nakatiis, tinext ko siya.
Ako: Daniel, kelan birthday mo?
Ang tagal bago siya nagreply, halos naikot ko na ang buong department store.
Daniel: Secret J
Ha! Ay buwisit! Nakakainis yung mga ganitong klase ng tao! Ang tagal mong hinintay magreply tapos ang reply sayo, hindi sagot sa tanong mo. Meron din namang mga tao na kapag tinext mo nang nobela, ang reply sa iyo “K” nagkaroon tuloy ako ng ideya na replayan siya ng K.
Ako: K.
Nakakainis! Sinasabi ko na nga ba eh, sa una lang talaga yang mga lalaki na yan, pero kapag nakuha na nila gusto nila, wala na, doon mo na talaga sila makikilala ng lubusan kung sino ba talaga sila. Maya maya, nag vibrate ang cellphone ko, nakaramdam ata na galit ako sa sagot niya.
Daniel: Galit? Sorry ayoko talaga sabihin eh.
Ha! Anong masama na sabihin sa girlfriend mo ang birthday mo ha? Sa sobrang inis ko, napasipa ako sa isang patungan ng mga damit. Lahat sila nalaglag “Naku po!” tumingin muna ako sa paligid, buti na lang walang nakakita. Tumakbo na ako papalayo. Wala akong pakialam kahit may CCTV pa yan, hindi naman paglabag sa batas ang ginawa ko. Hindi ko alam kung matatawa ako sa ginawa ko eh.
Nasa cashier na si mama nang balikan ko siya. Akala ko naman ang dami dami ng binili. Kakaunti lang pala, halos hindi napuno ang isang basket sa binili niya. Agad ko siyang pinuntahan para tulungan “Nasaan si papa?” kung tutuusin, dapat nandito siya para tulungan kami magbitbit. “Nasa Ace Hardware” as expected. Buhay na talaga niya ang elektroniks.
Hindi din kami nagtagal sa SM Fairview, umuwi din kami dahil dumidilim na ang ulap at malapit na umulan. Mainit pa din ang ulo ko. “Secret daw?” sabi ko sa sarili ko. Gusto ko lang naman siya bigyan ng regalo ano bang masama dun?
Pagdating namin sa bahay, dumeretso kaagad ako sa kwarto ko. Huminga ako ng malalim, kalmado na ako. Sa una lang talaga pag galit ako, kung ano anong nasasabi ko. Tama nga sila, wag kang magdedesisyon kapag galit ka, dahil hindi mo magugustuhan ang resulta. Natawa ako nang maalala ko yung ginawa ko sa Department Store kanina. Kawawa naman yung mag aayos ng mga damit. Lahat sila nalaglag eh.
Agad kong binuksan ang Laptop ko. Malapit na matapos ang istorya ko. Isang kabanata na lang. “Magpupuyat ako” sabi ko sa sarili ko. Kahit na alam kong may pasok na naman bukas, ayos lang naman ala una pa naman ang pasok ko. Mabuti na lang at mabilis akong mag type, yun nga lang, mahirap mag isip ng mga itatayp mo. Gusto ko kasi na maganda ang ending ko. Sa istorya ko, tumigil na ang bidang babae sa trabaho niya, dahil pinakasalan na siya ng lalaking nag seryoso sa kanya. Bumalik na din siya sa mga magulang niya upang humingi ng tawad. Marami rami ring rebelasyon ang nilagay ko istorya ko. Sana lang talaga na magustuhan ng magbabasa ito.
Gusto ko sana itext si Daniel para sabihin sa kanya na tapos na ang istorya ko. Hindi na ako nakapag goodnight sa kanya kahit na nagtext siya sa akin. Talagang tinapos ko ang huling kabanata ng istorya ko, kahit na magkanda pikit pikit na ako sa sobrang antok.
“Ayan! Tapos na!” inunat ko ang mga balikat ko sa sobrang ngalay at huminga ako ng malalim; nagbabaka sakaling sumikat din ang istorya ko tulad ni Daniel.

BINABASA MO ANG
My Mr. Wattpad (FINISHED)
TeenfikceNgayon lang nalaman ni Trish na pwede ka palang makilala kapag gumawa ka ng sarili mong istorya sa Wattpad. Hindi talaga niya hilig ang magbasa ng mga libro at magsulat. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya sa personal ang awtor ng isa sa bes...